NATIGILAN ang lahat nang makita si Ace sa loob ng maliit na office. Hindi kasi sanay ang mga staff na makita mismo ang CEO sa ganitong level ng site work. “Mr. Valverde! You're here?” gulat na bati ng isa sa mga engineers. Mabilis na tumayo naman ang iba at magalang rin siyang binati. Wala siyang dalang kahit ano at nakasuot lang ng simpleng polo na bahagyang nakatupi ang manggas. Kahit simple lang ang ayos ay nasa aura pa rin niya ang makapangyarihan. Mabagal siyang naglakad papasok na rinig ang bawat hakbang niya. “I want to be a little more hands-on this time," Kalmado niyang sabi. “Gusto kong personal na makita ang progress. I don’t like relying only on reports. After all, it’s an important development.” Dire-diretso siyang naglakad patungo sa maliit na mesa sa gilid kung saan na

