PAGDATING ko sa Valverde Land office ay dumiretso agad ako sa opisina ni Ace. Tatlong araw akong nakapagpahinga sa bahay dahil sa sprain ng ankle ko. Medyo masakit pa rin kapag niyayapak ko sa sahig pero manageable na. Kahit sinabihan pa ako ni Migs na magpahinga pa, hindi ko na kayang palampasin pa ang isang araw nang hindi ko nakakaharap si Ace para kunin ang necklace ko. Pakiramdam ko ay napakabigat ng bawat hakbang ko papunta sa office niya. Hindi lang dahil sa paa kong masakit kundi dahil sa kaba na bumabalot sa dibdib ko. Alam kong hindi magiging madali ang paghaharap naming muli matapos kong diretsahan na sabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal dahil si Migs na ang mahal ko kahit ramdam ko sa puso ko na may puwang pa rin siya doon. Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin m

