MABILIS akong nagtungo sa office ni Ace. Kumatok ako at agad ring binuksan ang pinto. Agad ko siyang nadatnan na nakaupo sa swivel chair niya, nakatingin sa computer habang may kausap sa cellphone. Nang magtama ang mga mata namin, napangisi siya na parang nananadya, parang nang aasar habang tuloy pa rin sa pakikipag-usap. Sandali akong natigilan. Iniisip ko kung dapat ba akong umatras at bumalik na muna sa opisina ko dahil mukhang busy siya pero naisip ko ring wala na akong oras para gawin pa yun. Gusto kong matapos na ngayon. Gusto kong makuha na ang kuwintas ko bago pa niya ariin ang bagay na iyon na importante sa akin. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad papasok at umupo sa harap ng desk niya. Agad natutok ang mga mata ko sa necklace na suot niya. Ang necklace ko. Hindi lang niya ito ba

