30. Truth or Dare!

2819 Words

NAPASINGHAP ako nang inumin ko ng diretso ang alak na nasa baso. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang baso na iyon, ang tanging nasa isip ko lang ay gusto kong lunurin ng alak ang isip ko ngayong gabi, baka sakaling mawala ang tension na nararamdaman ko at bumagal ang pagtibók ng puso ko na kanina ko pa nararamdaman dahil nasa harap ko lang si Ace na hindi maalis ang tingin sa akin. Maingay sa loob ng bar, halong bass ng tugtog at tawanan ng mga taong naroon. Pero sa mesa namin, kahit puno ng pulutan at bote ng alak ay ibang klaseng tensyon ang bumabalot. Nakaupo kami sa isang mesa sa sulok. Tatlong lalaki at ako. Sa ibabaw ng mesa, may bote ng whiskey, ilang beer, at trays ng nachos, sisig at liempo. Ang ingay sa paligid ay parang background lang, kasi sa totoo lang, ang naririnig ko l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD