PAGKATAPOS ng trabaho, diretso kaming dalawa ni Migs sa grocery. Pagod ako mula sa dami ng reports na tinapos ko sa Valverde Land at idagdag pa ang kabilaan na meetings, pero kailangan ito dahil wala na akong stock na toiletries. Napatingin ako sa kanya nang kunin niya mula sa shelf ang isang shampoo na lagi kong ginagamit. “Ito ba? O nagbago ka na?” Napangiti ako. “Ikaw na talaga! Kabisado mo na pati shampoo ko.” “Well, ilang linggo na rin tayong magkasama sa iisang bahay. Madalas pa kitang dalawin sa States at tumatagal ako ng ilang araw sa apartment mo. Kaya ngayon, kabisado na kita, pati shampoo mo, pati mood swings mo.” Ngumisi siya ng pilyo habang inilalagay ang shampoo sa cart. Bigla akong natahimik. Naisip ko ang ilang beses niyang pagdalaw sa akin sa States para masigurong ma

