“What?” pabigla kong sabi, nanginginig ang boses ko. “May anak na si Ace?” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. May anak na si Ace? Paano? Kanino? Kay Zia ba? Tatlong taon lang si Aki na kaedad ng anak namin. Ibig sabihin, kasabay ng pagkakaroon namin ng anak ay nagkaroon din siya ng anak sa ibang babae. Habang durog na durog ako sa paghihiwalay namin at pinapasan ang hirap ng pagdadalantao, siya naman pala ay abala sa kasiyahan dahil sa pagkakaroon niya ng anak sa iba. Pinilit kong ikalma ang isip ko kahit pakiramdam ko ay parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Gusto kong intindihin na lang ang sitwasyon. Tapos na ang nakaraan. Ayokong lamunin ako ng kirot na dala nito. Isa pa ayokong idamay ang batang ito sa kung ano man ang nakaraan namin ni Ace. Kung nagkaroon man siya

