"Come in!" Malakas kong sabi nang marinig ko ang katok sa pinto ng office ko. Nanatili lang ang tingin ko sa laptop. “Ma’am, here are the revisions for the Sanchez deal,” Ani Clara, isa sa mga staff ko na may dalang envelope. Maingat niyang inilapag iyon sa mesa ko. “Thanks, Clara. I’ll check it later." Nakangiti kong sagot. “Ma’am… are you okay? You don’t look so good.” May pag aalala niyang sabi. Pilit naman akong ngumiti. “I’m fine!" Mabilis kong tugon. “Lack of sleep lang siguro.” "Oh okay!" Napangiti siya at hindi na nagtanong pa hanggang lumabas na siya ng opisina. Pagkasara ng pinto, napatungo ako ng ulo sa mesa at napapikit. Hinilot ko ang sentido ko. Masakit ang ulo ko pagkagising kanina dahil sa hangover at mas sumakit pa dahil sa bigat ng mga iniisip ko. Pinilit ko lang p

