KABANATA 6

2388 Words
Kabanata 6: "Have you enjoyed?" tanong ni Kuya Axle pagkaraan ng mahabang katahimikan sa amin. Niliko niya ang kaniyang sasakyan papasok sa kanilang Village. I don't know if mom will get mad, it's already eight in the evening. Hindi naman ako nakapagtext sa kaniya kanina dahil nasa loob kami ng sinehan saka naisip kong kasama ko naman si Kuya. "Yup, you looked pale kanina." I chuckled when I remember his face when a woman spirit came to screen. He grunted. "Hindi ako namutla, medyo maputi talaga ako." Ngumisi siya sa sinabi niya. Mukhang pati siya hindi naniniwala sa sinabi niya. "Whatever." Saktong naiparada niya ang sasakyan, hindi ko na siya hinintay pa, lumabas ako't nauna ng pumasok sa bahay habang dala ang mga pinamili namin. "Hey wait up, Asherah." Ngumuso ako nang maramdaman ko siya sa aking likuran. Ang bilis naman ng mokong na 'to. Pilit niyang inaagaw ang mga paper bag sa akin kahit kaya ko naman. "Ako na nga—" Nabitin ang sinasabi ko pagbukas namin ng pinto nang malakas na sumigaw si Aliyah. "Axle Theodore Sevilla, someone's waiting for you!" Tili niya, kaagad akong napatingin sa kanilang lahat na nasa sala, nabitin ang pagkuha ni Kuya Axle sa mga gamit ko. Mom, Tito Ryan and Aliyah are there with a woman with a curly brown hair. "Hi, Theo! I miss you so much," malumay na wika ng babae. Napaatras ako nang tumayo ito at tumakbo papalapit kay Kuya at mabilis na hinalikan sa labi. Aliyah shrieked in excitement, Mommy and Tito Ryan laughed as if they were just watching a romance movie. Halos malaglag ang aking panga doon, who's this girl? Is she the one he was talking about? The girl he loved? Parang may magbara sa aking lalamunan, kinalas ni Kuya ang kapit ng babae sa kaniyang leeg, kita kong bahagyang pumula ang labi niya dahil sa lipstick ng babae na lumipat na sa kaniya. Bahagya akong nilingon ng babae. "G-Godwin what are you doing here?" gulat na wika ni Kuya Axle sa kaniya at bahagyang tinulak palayo sabay lingon sa akin. Tsk. Kabado bente? Mabilis akong umalis sa tabi niya't humalik sa pisngi ni Mommy, ang ngiti niya ay nandoon pa rin habang nakatingin sa dalawa at hawak ang kamay ni Tito Ryan. Balewala ang presensiya ko, no how's your day anak? No, kumusta? Kumain ka na ba anak? Mas lalong sumama ang pakiramdm ko dahil doon, nagmano ako kay Tito Ryan. "Oh, shopping?" tanong ni Aliyah nang mapansin ang mga hawak ko. "Dapat sinama niyo ako." Tumango ako at ngumiti sa kaniya bago na pumanhik sa itaas. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko sila sa ibaba bago ako tuluyan maka-akyat ay nagtama ang mata namin ni Kuya Axle. They look like a happy family. Mabilis kong inayos sa maliit na lamesa sa aking kwarto ang mga binili ko, I dropped a message to Daddy about what happened today and about my project. I'm not sure if he's free to call kaya chinat ko na lang bago ako naligo. Bakit ganoon? Maganda ang bahay na 'to, kumakain ako ng sapat, may pera ako, kumpleto ang gamit at masasabi kong hindi naman ako napapabayaan pinansyal pero parang may kulang? I missed my Dad so much, gusto kong maging selfish. I want to tell him that I need him here, na kunin na niya ako dahil hindi naman ako masaya rito pero alam kong hindi pwede, nagtatrabaho siya roon para sa akin kaya kailangan kong gawin ang parte ko, ang mag-aral ng mabuti. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang nasa ilalim ng shower. Mas nilakasan ko ang tubig para walang makarinig kung lumakas man ang mga hikbi ko. I cried every night, no one knows. Tanging ang unan ko lang ang nakakaalam ng mga iyak ko sa mga gabing dumaan. "Ash?" Kaagad kong kinalma ang sarili ko ng marinig si Mommy sa labas at mahinang katok niya. "M-Mom why? Naliligo po ako." "Ah okay, sasabihin ko lang na mauuna na kaming kumain ha? Kumain ka na lang pagkatapos mo, wala rin kasing upuan may bisita si Kuya Ax mo," sigaw niya mula sa labas. Mapait akong napangiti. "Sure Ma." Narinig ko ang yabag niya palabas ng kwarto at pagsara ng pintuan, napatitig sa sarili ko sa salamin. Tama nga sinabi ni Mommy, sa lamesa sa kusina ay lima lang ang upuan kaya sakto lang sa amin, iyon ang normal na ginagamit namin. So kapag may dumating ay itsapwera na ako? Nakakatawa. This house made me feel alone. Akala ko ba kapag bahay ay you will feel safe and contented. Bakit parang baliktad? Mas masaya pa ako sa labas kaysa nandito. Isang tao lang dito ang nagpaparamdam sa akin na welcome ako. Tanging si Ku—I mentally shook my head. Nang matapos akong magbihis ay lumabas ako ng kwarto, nasa hagdanan pa lang ay narinig ko na ang tawanan nila sa kusina. "Sure iha mukhang uulan naman kaya rito ka na matulog, Ax don't mind. Magtext ka na lang sa inyo," rinig kong wika ni Tito Ryan. Kaya imbes na bumaba ay bumalik na lang ako sa kwarto at ginawa na lang ang mga kailangan tapusin lecture. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas hanggang makatulog ako sa lamesa, nagising lang ako ng magulat sa malakas na kulog. My heart pounded because of the clanking sounds outside. My curstains are swaying on the cold wind. A white fork of light split the dark sky. Oh God! Mabilis akong tumayo't isinara ang bintana ng aking kwarto. May bagyo ba? Makulimlim kanina ang langit pero hindi ko alam na uulan ng ganito kalakas. Sunod-sunod ang malalakas na kulog, napapangiwi ako lalo't lumalakas din ang kabog ng dibdib ko. My grandfather died because of the lightning. Natamaan sa gitna ng bukid, what if mangyari iyon sa akin? Paano kung tumama sa salamin tapos tumama sa akin? Sabi nila naghahanap ang kidlat ng salamin. Shit! I'm starting to panic! Mabilis kong tinakpan ng kumot ang malaking salamin sa gilid ng cabinet ko. Tiningnan ko ang orasan. One in the morning. Thunder boomed again, I closed my eyes. Please stop. Binuksan ko ang aking pintuan para tingnan baka may gising pa at samahan ako. I don't want to be alone, at least kapag tinamaan ako ng kidlat ay may makakakita ng katawan ko. Halos mapatalon ako dahil mas rinig pala sa labas ang malakas na ulan at kulog. Naiiyak na ako sa kaba. Kinakabahan man ay mabilis akong lumabas at pumunta sa kabilang kwarto, Kuya Axle's room. Gusto ko sanang kay Aliyah kumatok pero nasa third floor ang kwarto niya at nila Mommy, nasa second floor kami ni Kuya Axle. Nilapit ko ang aking tainga sa kaniyang pintuan para tingnan kung gising pa siya pero may iba akong narinig na parang mahihinang daing. "Hmm. Baby f**k. Ah! f**k yeah." Malakas akong kumatok. What is it? Is he okay? "Kuya?" I called him. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga nang lumiwanag, tanda na kasunod ay malakas na kulog. Mabilis bumukas ang pintuan sa aking harapan, nagulat ako't gising pa siya at mukhang kakaligo lang at tumutulo pa ang buhok sa kaniyang ulo habang mukhang hingal na hingal. My eyes landed on his naked chest, a towel rolled on his waist. His brows snapped together. "A-Ash, what are you doing here?" mas niluwagan niya ang bukas ng kaniyang kwarto. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat. Bakit siya hinihingal? Malakas ang kaba ng aking dibdib, hindi ko na alam kung dahil sa bagyo sa labas o dahil sa itsura niya. "A-Ah wala." Nakakahiya! Akmang tatalikod na ako ay hinawakan niya ang aking braso. "You'll not knocking on someone's door, in this late time without any reason, what is it?" mabilis na sabi niya, binasa ang kaniyang labi. Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko roon. Bigla akong nabahala lalo't naalala kong may bisita siya kanina. Is she sleeping with his room? Kaya gising pa siya? Naligo ba sila ng sabay? The f**k. Pilit kong inagaw ang kamay ko sa kaniya. Napapikit ako nang malakas na kumulog. Napamura siya sa reaksyon ko't mabilis akong hinila papasok sa kwarto niya't isinara iyon. Bukas ang kaniyang ilaw at sarado lahat ng bintana kaya nakahinga ako ng maluwag. I'm safe. I'm not alone. I'm safe. Napabuntong-hininga ako ng paupuin niya niya ako sa gilid ng kaniyang kama. "Scared?" tanong niya nang makita ang bahagyang panginginig ng kamay ko. I love raining, but I really hate thunderstorm. Pumantay ng tingin si Kuya Axle, he looks so worried. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at dinala iyon sa kaniyang labi at hinalikan iyon. "K-Kuya..." Napapikit ako nang parang mas lumapit ang kulog, nananadya ba? "Don't be scared, baby. Calm down. I'm here. I won't leave okay?" pagpapagaan niya sa loob ko. Ilang beses akong bumuntong-hininga, paulit-ulit niya rin hinalikan ang aking kamay. Para akong napapaso sa bawat dampi ng kaniyang malambot na labi sa aking kamay kaya binawi ko na iyon bago pa ako tuluyan masunog sa init noon. What is it? "S-Si ano? 'Yong babae mo?" wika ko imbes sagutin ang tanong niya. He frowned. "Si Godwin?" Pinanuod ko siyang suklayin ang buhok niya. "She's not my girl. Okay? Nandoon siya sa kwarto ni Aliyah natutulog. She's my old friend." paliwanag niya para bang kailangan ko iyon malaman. Liar. "Friends don't kiss." Napabuntong-hininga siya. "Alright, she's my first ex. Hindi ko alam na hahalikan niya ako kanina, I'm sorry." Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagsosorry?" Napaigtad ako ng kumulog ulit, hinawakan niya ang braso ko't hinimas iyon gamit ang mainit niyang palad animong pinapakalma ako. "I don't know. Gusto ko lang magpaliwanag. Kumain ka na ba? Hindi ka raw kumain kanina?" malumanay na tanong niya. Naguluhan ako sa tanong niya. Raw? Bakit wala ba siya doon kanina? Eh sabay-sabay nga silang kumain. Mukhang nakita niya ang nagtatanong kong tingin kaya nagsalita siya ulit. "Nang umakyat ka ay umakyat din ako dito, tinawag ako ng Mommy mo pero hindi ako bumaba. Are you hungry?" Napatigagal ako sa sinabi niya. Gumaan ang pakiramdam ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumango ako at hindi na nakapagsalita. "Sige magbibihis lang tapos kukuha akong pagkain natin." Ganon nga ang ginawa niya, pinanuod ko siyang kumuha ng damit at pumasok ulit sa kaniyang banyo, pagkalabas niya'y nakasuot na siya ng puting sando at sweater pants. Sinulyapan niya ako bago lumabas ng kwarto. Mabilis akong sumampa sa kaniyang kama at niyakap ang isang unan doon. His room looks simple but elegant, kaunti lang gamit at plain lang ang kulay ng lahat, puti at itim. His pillow smell like him. Amoy Kuya Axle. Nang bumukas ang pintuan ay tumaas ng kilay niya nang makita akong yakap-yakap ang unan niya. Hindi ako nahiya at niyakap lang iyon, pinanuod ko siyang lumapit habang may hawak na tray, nilapag niya iyon sa kama. Kumukulog pa rin sa labas at pakiramdam ko'y mabilis pa rin ang t***k ng puso ko pero mas kalmado na ako dahil may kasama na ako. "Kumain muna tayo bago ka matulog." Tahimik kaming kumain, pinaghihimay niya ako ng manok. "Thank you, Kuya." mahinang wika ko. Hindi ko maintindihan 'to e, minsan mabait minsan naman e mukhang laging badtrip sa akin. "Welcome." Ngumiti siya saka nagpatuloy sa pagkain, inabutan niya ako ng isang tasa ng gatas. "Inumin mo ito para mas makatulog ka ng maayos." Ngumuso ako dahil ginagawa naman niya akong bata pero ininom ko pa rin. Ginulo niya ang buhok ko ng maubos ko iyon. "Good girl." Niligpit niya ang pinagkainan namin, pakiramdam ko ay busog na busog ako at doon ako nakaramdam ng antok at pagod. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa kwarto o dito muna. Nahihiya ako dahil baka hindi siya pumayag dito muna ako hanggang tumila ang ulan. "You can stay here, dito ka na lang matulog malaki naman ang kama," aniya. Pinatay niya ang ilaw at tanging maliit na ilaw sa gilid ang nakikita ko. "H-Hindi ako sanay matulog may katabing lalaki." Sandali niya akong tinitigan para bang may mali akong nasabi. "That's good news," wika niya. "Masanay ka na kasi tuwing may ulan tatabi ka sa akin." Humalakhak siya. Nakasandal pa ako sa headboard ng kama habang yakap ang kaniyang unan at bahagyang sinisinghot iyon. "You love my smell?" tanong niya. Nakasandal rin siya sa headboard pero naka-unat ang mahabang hita sa kaniyang kama. Nilingon ko siya, tumango ako at natawa siya. "Mabango." "I love your scent too, intoxicating." Sandali kaming natahimik, napaayos ako ng upo nang ang ulo niya ay dahan-dahan sumandal sa aking balikat. Nakatulog ba siya? "K-Kuya umayos ka na ng higa kung antok ka na, babalik din ako sa k-kwarto ko." "I'm not sleepy yet, pasandal lang sandali," paos na boses na aniya. Bumuntong-hininga ako at hinayaan siya sa aking balikat. Humikab ako, bigla akong inantok. "You know what? I'm pissed whenever you call me Kuya." Para akong naubusan ng hininga sa sinabi niya, ayaw ba niya akong maging kapatid? "B-Bakit? You don't like me as your sister?" Marahan siyang tumango sa aking balikat. "Yeah, ayoko." Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sakit sa aking didbib. Akala ko pa naman may chance na magustuhan nila ako, kahit pakitang tao lang. Bahagya kong tinulak ang ulo niya palayo sa akin pero mabilis rin bumalik. "Bakit ka sumasandal sa akin ayaw mo pala sa akin?" inis na wika ko bahagyang napipikit na. He chuckled. "Kung alam mo lang." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam kung ilan minuto kaming nakagano'n hanggang maramdaman kong napipikit na ang aking mata sa antok. "Huwag ka ng makipagtext sa iba," wika niya. Lumingon ako sa kaniya, seryoso ang kaniyang mata habang mapungay naman ang sa akin. Naramdaman kong may umayos sa akin ng higa at kinumutan ako. Niyakap ko ang mabangong unan at sumiksik pa doon. I like this. "Ash gising ka pa ba?" rinig kong may tumawag sa akin pero hindi ko na masiyado maintindihan. "Baby, are you finally fall asleep?" someone whispered on me. Am I dreaming again? "Binitin mo ako kanina alam mo ba iyon? Bitin na bitin ako." Someone's mumbled. Bago ako tuluyan makatulog ay naramdaman kong may malambot na bagay sa aking leeg paakyat sa aking pisngi. *** SaviorKitty
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD