Kabanata 5:
"Ano bang hinahanap mo? We already checked this shelf five times." Napaikot ang aking mata sa tinuran ni Kuya Axle. Ramdam ko siyang sumusunod sa aking likuran habang nagtitingin-tingin ako ng stationary paper.
Nilingon ko siya, hindi naman siya nakasimangot at sa katunayan ay parang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa ko.
"Naghahanap nga ako ng papel, wala pa akong makitang gusto ko," inis na wika ko saka tumingin ulit sa mga nakalagay na may mga disenyong papel.
Hmm. Ano kaya?
Kuya Axle tsked. "Kinakausap ka ba ng mga 'yan? Sinasabi ba nilang 'Asherah, ako ang piliin mo.' gano'n ba?" sarkastikong aniya.
Hindi ko siya pinansin sa litanya niya. Napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, good mood ata 'to kaya nang-aasar e.
Kinuha ko ang isang may bulaklak na makintab na design at nilagay sa basket, halos isang oras na kami rito at ballpen na lang ang kulang ko.
"Ano pa?" tanong niya habang buhat ang basket.
"Ballpen, nawala 'yong pilot ko."
Akmang pupunta siya sa mga stool ng ballpen ay hinawakan ko siya sa kaniyang braso, bumaba ang kaniyang tingin doon kaya kaagad kong inalis ang aking hawak.
"D-Doon sa may cashier 'yon, wala d'yan."
Tumalikod na ako sa kaniya, tinanong ko sa nasa cashier kung may Cross pen. Mabuti na lang at mero'n.
Naramdaman kong sumilip si Kuya Axle mula sa aking likuran, pakiramdam ko ba'y kapag umatras ako ng kaunti ay tatama na ako sa kaniya.
"One thousand five hundred para sa ballpen?" gulat na wika niya, napanguso ako dahil sa sinabi niya at pilit na ngumiti sa cashier.
"Babayaran kita," wika ko.
"Tsk, hindi naman iyon problema. Ayos lang, pero kung ganyan halaga ng ballpen para sa pangsulat baka laklakin ko na ang tinta niyan." He chuckled on his own joke.
Pinigilan ko ang matawa. "Maganda kasi hagod niyan, hindi ko naman gagamitin palagi, pangpirma lang."
Tumuwid ako ng tayo nang maramdaman mas lumapit pa siya sa aking likuran. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng ipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat.
Ano bang ginagawa niya?
Nilingon kami ng medyo may edad babae na cashier saka tipid na ngumiti.
"May alam din akong maganda ang hagod." He whispered.
Kinalibutan ako sa sinabi niya, bahagyang tumama ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
"Five thousand, eight hundred forty two po," naiilang na sabi ng babae.
Humiwalay na si Kuya sa akin, nilapag niya ang kaniyang card. Halos hindi pa ako nakakabawi hanggang makalabas kami doon. Doon ko lang din napansin na iniwan namin sa guard ang mga pinamili namin.
"B-Bakit mo iniwan? Hindi pa ba tayo uuwi?" takang tanong ko.
Namulsa siya. "Help me buy a gift for my date," deretsyang aniya.
Tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi, kakasabi niya lang kanina hindi siya nakikipagdate tapos!
"Sabi mo kanina hindi ka nakikipagdate ah, sinungaling."
Ngumisi lang siya sa akin. "Basta samahan mo na lang ako, babalikan na lang natin iyan pinamili mo mamaya."
Nagsimula na siyang maglakad kaya sinabayan ko na siya, may mga ilang kasing edad namin na napapatingin sa kaniya at kapag nakikita ako sa tabi ni Kuya ay napapasimangot. Aba bakit?
"Why don't you ask Aliyah? Bakit ako pa? Malay ko ba dyan."
"She's busy with her dance audition, saka nandito na rin naman tayo, dadating mamaya 'yong kadate ko," mayabang na aniya bago ako pumasok sa isang shoes shop.
Halos malaglag ang aking panga sa sinabi niya. "A-Ano? Dadating? Ngayon kayo magde-date? Eh anong gagawin ko?! Third wheel?" histerikal na wika ko sa kaniya.
Winelcome kami ng sales lady doon, may tinanong si Kuya sa kaniya bago kami iginaya papunta sa isang hilera ng mga mamahalin sapatos.
Huwaw! First date tapos sapatos regalo? Sana all.
"May I see shoes in her size?" Turo sa akin ni Kuya Axle, nanlaki ang aking mata napaturo rin sa sarili ko.
"Bakit ako?" gulat na usal ko.
"I think you're same size with her."
Gano'n nga ang nangyari, ipinakita sa amin ang mga bagong labas nilang sapatos na sukat sa akin. Gusto kong maiyak dahil sa ganda ng mga iyon pero gusto ko rin tumakbo palabas nang makita ang presyo no'n.
"What do you want?" tanong ni Kuya Axle sa akin.
Tumikhim ako. "Masiyado atang mahal 'yan Kuya," mahinang wika ko para hindi marinig ng sales lady.
Humalakhak si Kuya. "It's okay, mahal ko rin naman pagbibigyan ko."
Natigilan ako sa sinabi niya't napatitig sa gwapo niyang mukha. He looked so intimidating, kung hindi mo siya kilala ay mahihiya kang kausapin siya. Ngayon ko lang talaga siya nakitang tumawa ng ganon, parang ang saya niya. Mahal talaga niya 'yon? He's too young for love, twenty pa lang siya.
Napanguso ako. "Yung kulay puti na lang, para puwede niyang ipartner sa kahit anong kulay ng damit."
Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana, pwede bang umuwi na ako? Uuwi na lang ako.
Ngiting-ngiti siya habang nagbabayad, honestly he's flirting with the sales lady. Sana may cctv para makita ng boss nila, tsk.
Inis na lumabas na lang ako sa shop at inabangan ko na lang siya sa labas. Nakangisi pa rin siya nang lumapit sa akin kaya mas lalo akong nainis.
"Ano uuwi na ako? Kukunin ko na binili ko," hindi ko matago ang tabang sa aking tono.
"Sandali lang, bibili muna ako ng movie ticket at popcorn tapos puwede ka ng umuwi, bibigyan na lang kita pamasahe," balewalang aniya saka nauna ng maglakad.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniyang likod. So sinama niya ako rito para tiga bitbit ng mga binili niya? Madapa ka sana, ang panget mo naman!
Huminga ako ng malalim saka sumunod sa kaniya, pasalamat siya't may utang na loob ako sa kaniya sa project ko kung hindi ay talagang aalis na ako.
Hindi man lang sinabi may date pala.
Busangot ang mukha ko ng makapunta kami sa harap ng cinema. Bumili siya ng popcorn at ticket para sa date nila ng kung sino man nililigawan niya.
Sana hindi siya sagutin huh!
"What movie?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga poster doon.
"Bakit mo sa akin tinatanong? Edi tanungin mo kadate mo," wika ko bahagyang napalakas.
Nakita kong pinagtinginan kami ng nasa counter. Ngumuso si Kuya Axle, nahiya ata siya sa biglang sigaw ko.
Bumuntong-hininga ako. "Yung horror para yayakap sa'yo mamaya." Inirapan ko siya. Sana sakalin ka ng kadate mo sa gulat.
Pagkatapos niya bumili ay akala ko'y puwede na akong umalis pero pinahawak niya sa akin ang popcorn, ticket at sapatos. Sabi ko na e, tiga buhat lang ako ng panget na 'to e kaya mabait sa akin kanina, aalilain talaga ako.
"Hold this for me, magrestroom lang ako sandali. Papunta na 'yon, pagbalik ko pwede ka ng umalis." Iminuwestra niya ako sa isang upuan doon para makaupo sandali.
"K."
Tumalikod siya sa akin saka pumunta sa restroom, bumaba ang tingin ko sa popcorn, I want some. Pasimple akong kumuha ng isa, hindi naman nila malalaman.
Lumipas ang ilang minuto ay bumalik si Kuya Axle, blanko na ang kaniyang mukha kaya nabahala ako. Anong nangyari?
"What happened?" Kaagad akong tumayo ng makalapit siya sa akin.
"She's not coming," malamig na aniya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa kaniya. Nag-iwas tingin siya sa akin, siguro ay mahihiya siya.
"B-Bakit? Basted ka na?" I feel excited. Now what?
"H-Hindi, may emergency lang daw. Hindi siya makakarating," aniya saka malakas na bumuntong hininga.
"Paano mo nakausap?" takang tanong ko.
Nakita kong natigilan siya bago humarap sa akin. "May cellphone ako rito," malamig na wika niya.
Napa 'O' ang aking bibig bago bumaba ang tingin sa mga binili niya.
"P-Paano 'to? Nakabili ka na."
His brows knitted as he let a loud breath.
"I think I have no choice, we'll watch the movie. Sayang naman kung hindi magamit," aniya.
"T-Talaga?" gulat na wika ko.
Tumango siya. "Sa'yo na lang din 'yong sapatos, ibibili ko na lang siya sa susunod." Kinuha niya ang mga hawak ko saka naglahad ng kamay sa akin. "Let's have a date then?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi, kinabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Sige." Inabot ko ang kaniyang kamay.
***
SaviorKitty