Kabanata 4:
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Gusto kong buksan ang aking mata pero antok na antok ako't latang-lata sa nangyari kanina sa pool.
Hindi ko na alam kung panaginip ko lang o imahenasyon na may pumasok sa kwarto ko't naramdaman kong may umupo sa gilid ng aking kama.
Nagtatalo ang diwa ko sa tuluyan paggising at matulog na ng tuluyan.
Halos mapaungol ako nang maramdaman ang mainit na palad na humihimas sa aking pisngi at panga. Gusto kong dumilat pero natatakot mawala ang mainit niyang palad sa aking balat. Umakyat ang kaniyang kamay sa aking buhok at hinimas iyon, nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ang isang malambot na bagay sa aking noo.
Am I dreaming?
'Sleep tight, baby.'
Napabuntong-hininga ako nang maalala na naman iyon, isang linggo na simula ng night swimming namin at 'yong gabi na may napaginipan akong weird.
Kaya ayokong nanunuod ng kung ano-ano e, kung ano-anong napapaginipan ko.
Napalingon ako kay Kiyo ng umupo siya sa harapan ko at ibaba ang tray ng lunch namin. In past few days we had our lunch together. Sometimes, we're with Cleo but sometimes we are alone. He is a happy companion and never runs out of stories, I like him even more.
Totoo nga ang sabi ni Vonna at Aliyah masaya siyang kasama.
"Chicken sandwich and ice tea for Asherah, Tuna and pineapple juice for me." Nakangiting wika niya.
"Salamat ah, sabi ko naman sa'yo ako na magbabayad e nakakahiya na," wika ko.
"Ayos lang 'yon, Ash. Nakaka-ano naman pagbayarin kita e babae ka," nagsimula na siyang kumain ng sandwich niya, hindi kami nagkanin ngayon bukod sa busog pa ako ay maaga rin ang uwi ko mamaya dahil wala akong last subject.
"Wala naman sa babae at lalaki iyon," puna ko.
Napakamot siya sa batok. "Sige next time I'll let you pay."
Tumango ako at nakuntento sa sagot niya. Sandali kaming natahimik bago siya ulit nagsalita. "Hindi ka na nagreply kagabi?"
Halos masamid ako sa sinabi ni Kiyo. Ang singkit niyang mata ay mas lalong sumingkit sa nangyari. Inabutan niya ako ng panyo upang magamit ko, tinanggap ko naman iyon.
"Ayos ka lang?"
"A-Ah, nakatulog na kasi ako, sorry."
Totoo ang sinabi niya, nagkakatext na kami. Gamit ko pa rin ang cellphone ni Kuya Axle, pero sabi ni Aliyah ay ayos lang daw at siya mismo ang nagsave no'n.
Hindi naman ako nakatulog kagabi pero si Kuya Axle kasi kumatok sa kwarto ko't hiniram ang cellphone niya dahil may titingnan daw siya at ibabalik din daw kaagad pero nakatulog na ako ay hindi na niya ibinalik, kaninang umaga lang niya binigay ulit.
Hinihintay ko pa naman reply ni Daddy kasi nanghingi ako ng pera para sana bumili ng project namin. Kulang na ang allowance ko at ayokong humingi kay Mommy.
Nakita kong lumagpas ang tingin ni Kiyo sa aking likuran kung nasaan ang entrance ng canteen, kumaway siya kung sino man ang nasa likuran ko. Kahit hindi ako humarap ay alam ko na lalo't umalingawngaw ang boses ni Casper.
"Dude si Kiyo oh! May kasamang chiks!" Naramdaman ko ang papalapit niyang yabag, nalaman kong hindi lang siya nag-iisa nang nakita ko silang nag-unahan sa mga bakanteng upuan sa lamesa namin. "Ay si Ash pala 'to hehe," dagdag ni Casper ng makita ako.
Ngumisi ako sa kaniya.
Kasama niya ang mga kaibigan, si Sage, Felix at syempre si Kuya Axle. Silang apat talaga ang magkakaibigan, kaya lang nila naging kaibigan si Kiyo at Alan ay dahil kapatid nga ni Vonna si Kiyo kaya napapasama na rin minsan, base sa kwento ni Cleo sa akin.
Nagulat ako ng tapikin ni Kuya sa balikat si Felix na nauna sa kaliwa ko dahil nasa kanan naman si Kiyo. "Ako diyan," aniya.
Felix looked at him flatly. "Dude, doon ka na lang sa tabi ni Sage sa dulo."
"Alis sabi e."
Pumalatak si Sage. "Ano ba 'yan upuan lang, dito ka na Felix, hayaan mo si Ax. Kanina pa 'yan wala sa mood baka magkakaruon period." Humalakhak siya kaya napangiti rin ako. Naiiling na lumipat ng upuan si Felix.
Kuya Axle gave Sage a middle finger before sitting beside me.
Tumuwid ako ng upo.
Hindi ko alam bakit naiilang ako, hindi ko na alam kailan ako nagsimulang mailang sa kaniya. Basta ang naaalala ko lang ay ayoko sa kaniya dahil hindi maganda ang tingin niya sa akin umpisa pa lang, noong dumating ako sa bahay nila ay parang papatay na siya makatingin.
Tinanim ko sa isip ko sa nagdaan buwan na ayaw niya sa akin at napipilitan lang siya pakisamahan ako para sa Daddy niya.
Umingay ang lamesa namin ni Kiyo, dumating na rin ang order nila. Nakisabay na rin siya sa kwentuhan nila samantalang ako ay inuubos ang sandwich ko't paminsan-minsan ay nakikitawa.
"Hindi ka magra-rice?" mahinang usal niya sa gitna ng usapan sa lamesa.
Napaigtad ako sa gulat, nang lingunin ko siya'y bahagyang nakataas ang gilid ng kaniyang labi para bang tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko.
"H-Hindi, maaga naman uwi namin. Sa bahay na lang ako kakain."
Bigla akong nawalan ng gana, binaba ko ang sandwich ko at uminom na lang. Sa gilid ng aking mata ay ramdam ko pa rin ang titig niya kaya nilingon ko ulit siya.
"Bakit?"
"Pumapayat ka."
"Ha?"
"Mas pumayat ka kaysa noong una, lumiliit na sila," sabi niya at napailing parang may mali siyang nasabi saka sumubo na ng pagkain niya.
Kumunot ang noo ko. Sinong sila? Ano raw? Nag-aadik ba 'to?
Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay kaming lumabas ng canteen. Nasa dulo kami ni Kiyo.
"Sabay tayo mamaya? Ihahatid kita sa inyo," presinta niya, ngumiti pa siya kaya parang hinamplos ang puso ko. I can't believe, ganito pala pakiramdam ng pinapansin ka ng crush mo.
Tumango ako sa kaniya pero kaagad din nabitin ng magsalita si Kuya Axle na nasa harapan namin at nakapamulsa.
Hindi siya lumingon pero mukhang narinig niya ang sinabi ni Kiyo.
"Ash, samahan mo ako mamaya sa mall."
"Dude, bakit?" tanong ni Kiyo bakas ko ang kaunting inis sa tono niya.
Napahinto na kami sa paglalakad. Tumingala si Kuya Axle bago kami nilingon, kaagad ang kalmado niyang mata ay tumuon kay Kiyo.
"Bakit hindi?" mas magaspang na tanong niya.
Nahinto na ang natawanan nila Sage, napahinto na rin sila sa paglalakad at binalikan kami dahil mas nauuna na sila.
"Ayaw mo ba sa akin para sa kapatid mo?" deretsyahan tanong ni Kiyo.
Halos lumuwa ang mata ko sa kaniyang tanong. Kaagad kong hinawakan ang braso niya para patigilin siya dahil baka mag-away sila lalo't mukhang badtrip si Kuya.
"Kiyo..." awat ko.
Bumaba ang tingin ni Kuya sa kamay kong nasa braso ni Kiyo, tumalim ang mata niya doon bago humakbang papalapit sa amin.
Inilagay ako ni Kiyo sa kaniyang likod.
"Anyare?" usal ni Casper sa gilid.
Ngumisi si Kuya Axle, kinabahan ako dahil pakiramdam ko'y nakakuyom na ang kamao niya't handa ng manuntok.
"Don't touch her, Kiyo."
"What happened to you, Ax? Ayaw mo ba sa akin? We're okay right? So ayaw mo lang sa akin para kay Ash, pakiramdam ko ay ayaw mo lang sa akin e, ayaw mo ako para sa kapatid mo?" gusto ko na patigilin si Kiyo.
Bukod sa pinagtitinginan na kami ay baka mag-away na sila kahit pa kalmado naman ang usapan nila.
Seryoso ang mata ni Kuya Axle tumingin sa akin.
"She's not my sister."
Tumalikod na siya at mabilis naglakad, kaagad siyang sinundan ni Sage at Casper, tinapik naman ni Felix ang balikat ni Kiyo bago umalis.
Parang may dumakot sa puso ko dahil sa sinabi niya. He doesn't like me to be his sister? Sino ba may gusto? Ayoko rin naman sa pamilya nila.
Nangilid ang luha ko mabilis kong pinunasan.
"Sorry Ash," mahinang usal ni Kiyo saka hinimas ang braso ko.
"A-Ayos lang, sorry nagkasagutan pa kayo ni K-Kuya. Sa susunod na lang siguro," wika ko.
Tumango siya saka ngumiti.
Naging tahimik ako hanggang maihatid niya ako sa classroom ko. Kahit pa dinadaldal ako ni Cleo ay hindi na rin ako makasabay, pakiramdam ko'y ang bigat ng dibdib ko.
Nang sumapit ang hapon ay naabutan ko na siyang naninigarilyo sa harapan ng sasakyan niya. Katulad ng mga nakaraan araw ay pinanuod niya akong lumapit sa kaniya.
Yung mga mata na akala mong nababasa pati kaloob-looban mo.
"Stop smoking, hindi mo ba alam na masama iyan sa katawan? Pwede kang mamatay diyan," pangaral ko sa kaniya.
Tinapon niya ang natitirang sigarilyo saka binuga ang usok sa harap ko, namangha ako dahil naghugis puso iyon.
"Smoking helps me calm," aniya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan bago umikot at sumakay sa driver seat. Dahil sa sinabi niya ay nilabas ko ang isang maliit na box ng gum sa bag ko at inabot sa kaniya.
Taas kilay na binalingan niya ako.
"Imbes mag sigarilyo ka ay mag gum ka na lang." Winagayway ko pa iyon.
He tsked. "Hindi ako magkakasakit sa baga d'yan pero sasakit naman ngipin ko," reklamo niya pero kinuha pa rin saka nilagay sa bulsa niya bago simulan magdrive.
Naging tahimik ang biyahe hanggang makalagpas kami sa Village nila. "Saan ba tayo pupunta?"
"Mall."
Tumaas ang kilay ko doon. Speaking of Mall. "Natuloy date niyo ni Pam?"
Nilingon niya ako sandali bago bumalik sa kalsada ang tingin. "Hindi ako nakikipagdate."
"Eh ano lang fling-fling? Sabagay 'yong mga lalaki ngayon hindi na marunong manligaw e puro text-text lang."
"Yeah right, like Kiyo."
Inismidan ko siya. "Huwag ka naman ganyan sa kaniya Kuya, mabait naman si Kiyo."
"Mas matagal ko siyang kakilala Ash, I know him. He likes you because you're new."
Sumimangot ako sa sinabi niya. "Bakit?! Ganyan ka rin ba? Kapag bago lang gusto mo?"
Mukhang na-offend siya sa sinabi ko. Kumambyo siya para iliko ang kotse sa isang kanto. Bahagyang tumama ang kamay niya sa aking hita.
Tumaas ang kilay niya. Hindi siya nagsorry at hindi na rin nagsalita pa hanggang makarating kami sa Mall.
"Anong gagawin natin dito?"
Takang tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa National Book Store. Kumuha siya ng isang basket, hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsunod ng tingin sa kaniya ng ilang istudyanteng nandoon, kaagad akong lumapit kay Kuya Axle para malaman nilang may kasama siya.
Huh!
"Anong gagawin natin?" ulit ko.
"Baka kakain tayo rito," sarkastikong aniya.
"Parang baliw 'to!" inis na wika ko saka siya sinundan sa isang stool doon.
"Baliw sayo," may binulong siya pero hindi ko masiyadong narinig dahil mahina.
"Ano?" habol ko sa kaniya, lintek ang laki kasi ng hita, ang bilis humakbang. Isang hakbang niya, dalawa na sa akin.
"Buy the things you need for your projects, I'll pay for it. And I won't accept no. Don't worry pera ko 'to, hindi pera ni Daddy. Bayad 'to sa part time job ko last summer. If you still insist, okay sige utang na lang. Bayaran mo na lang kapag nakapagpadala na si Daddy mo. Come on," aniya sabay lahad ng kamay.
***
SaviorKitty