Pronunciation:
Axle: Aks-sel
Asherah: Ashe-rah
Kabanata 1:
Sabi nila mayroon talagang isang tao tayong kakainisan kahit wala naman ginagawang masama sa atin. Kahit na maayos naman ang trato sa atin o kaya ay hindi naman tayo pinapansin pero inis na inis ka pa rin. Like, if you see his face you will get any chance just to punch him. Ganoon inis ang nararamdam ko sa kaniya. We're not close but we don't like or hate each other too.
Parang hangin lang, mag papansinin kami kung kailangan.
Mabilis akong bumaba sa kaniyang kotse nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na siya hinintay pang bumaba para pagbuksan ako. No way!
I heard the loud sound of the car door as he closed.
Naabutan ko si Mama sa sala habang nanunuod sa tv at kausap si Tito Ryan. My mom's new husband.
Hindi ko maiwasan manliit ang aking mata nang makita ang kamay niyang nasa hita ni Mama na kaagad naman niyang itinanggal nang makita ako. Nagtaas ako ng kilay saka humalik sa pisngi ni Mama.
"Sumakay ka kay Axle?" tanong niya.
"Opo." Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa aking likod tanda na pumasok na rin siya. "Mom, sa susunod huwag mo na po ako ipahintay kay Kuya Axle, kaya ko naman ng umuwi mag-isa saka naiistorbo ko lang siya," mahinahong wika ko, umaasang pumayag siya. Sinigurado ko rin maririnig ni Axle ang sinabi ko, nakakainis kaya!
Tumikhim si Tito Ryan.
"Bago ka pa lang kasi rito Ash kaya hindi ka puwedeng mamasahe, maraming loko-loko sa daan. Isang buwan ka pa lang dito, hindi ka pa kilala ng mga tao baka mapagtripan ka pa d'yan," paliwanag niya sa akin bago tumagos ang tingin sa aking likod, sa lalaking pumasok. "Where's your sister?"
Tumalikod na ako sa kanila at dumeretsyo sa aking kwarto, at least I tried. Alam ko naman hindi ako papayagan.
Hindi ko na sila nilingon kahit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, bago pa ako pumasok sa aking kwarto ay narinig ko pang sagot niya.
"Aliyah can go home Dad, she's with her classmates," ani Axle.
Nagtangis ang aking panga nang tuluyan makapasok sa aking kwarto. Kapag si Aliyah, hinahayaan umuwi kahit gabi na samantalang ako ala-singko pa lang ay kailangan nasa bahay na. Ayos lang naman sa akin ang hatid-sundo, pero sana hindi na lang si Axle kasi lagi lang kami nag-aaway.
Napailing ako bago pagpalit ng pangbahay.
Isang buwan pa lang simula ng tumira ako sa bahay na ito. My mom married again with her first love, Tito Ryan.
Axle and Aliyah's father.
Hindi ko na halos matandaan kung paano nangyari, nang tumuntong ako ng labing anim ay madalas ng nagtatalo si Daddy at Mama hanggang mauwi sa hiwalayan.
My Mom left us for another family, ang alam ko ay matagal ng patay ang asawa ni Tito Ryan. My mom told me before that he's her first love, her the one that got away. The f**k? Like okay, he is your the one that got away but how about my Dad?
Ano siya? The one after the one that got away? I can't understand people being self-centered. I mean, I'm far from being perfect. May mga mali rin akong nagagawa pero hinding-hindi ako gagawa ng bagay na dahilan para makasakit ng ibang tao.
Ipinaliwanag niya sa akin noon at ipinamukha sa akin na hindi niya gusto ang pamilya namin, ako at si Daddy. Mas gusto niya kasama ang college first love niya, since that day I started to hate my mother. She's so selfish, may pamilya na siya tapos nalaman lang niyang walang asawa ang first love niya kinalimutan na niya kami.
I will not stay here if I have a choice. Dad was promoted and he had to go abroad. Hindi naman puwedeng maiwan ako sa Batangas mag-isa na walang guardian, kaya kahit ayaw ko ay napilitan akong tumira rito sa Pampanga, kasama si Mama at ang bago niyang pamilya.
Sumampa ako sa kama at kinuha ang aking cellphone upang tawagan si Daddy na nasa Dubai ngayon, nagtatrabaho sa isang oil company.
Halos ala-singko trenta na, siguro ay kakatapos lang nila kumain ng lunch doon.
Nang sagutin niya ang tawag ko sa messenger ay umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng aking kama.
"How's my princess?" tanong niya, nakita kong parang nasa isang warehouse siya.
"Ayos naman Dad, just got home." Ngumuso ako dahil hindi ko na alam ang sunod kong sasabihin, gusto kong sabihin ayoko na rito pero ayoko naman pag-alalahanin pa siya roon.
"Bakit malungkot ang prinsesa ko? Kumusta ang bago mong University anak?" medyo malikot ang camera ni Daddy, may mga kinakawayan pa siya na hindi ko kita sa screen.
"Ayos naman po, medyo nakakapag-adjust na. May mga kaibigan na rin ako." Nakangiting wika ko.
"That's good, how about in that house? Tinatrato ka ba nila ng maayos? Kumakain ka naman ba diyan? Pumapayat ka ata. Where's your mom?"
Bumuntong-hininga ako saka niyakap ang unan.
"I'm fine here Dad, medyo naninibago lang siguro—"
"Ash!" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ni Axle at malakas na katok niya sa pintuan.
"Sino 'yon?" tanong ni Daddy.
Tumikhim ako. "Kuya Axle Dad, Tito Ryan's son."
Nagpaalam na ako kay Daddy saka may gagawin din naman siya, sunod-sunod pa rin ang katok kaya inis ko iyon binuksan. Tumambad sa akin ang naka-sandong itim na si Axle.
Busangot na ang kaniyang mukha.
Bahagya siyang sumilip sa aking kwarto kaya isinara ko iyon bahagya. "Why you take so long to open the door? What are you doing huh?" buong kuryosidad na tanong niya.
Naamoy ko kaagad ang hininga niya dahil sa lapit namin, mukhang nakapaglinis na siya ng katawan.
"Bakit ba?"
"Mom is looking for you, miryenda raw." Tumango ako saka bumaba na, naramdaman ko naman siyang sa aking likuran.
They called my mommy, mom. Kailan ba ako masasanay? Sabagay, asawa na ito ng Daddy nila malamang mommy na itawag nila. Hindi ko alam kung paano nila natanggap iyon, napalitan ang totoo nilang mommy? Are they okay with that? Nag-away ba sila noon? Nagalit din ba sila sa Daddy nila? Sa isang buwan ko kasi rito ay parang walang gano'n. Like, they are comfortable with this set up.
Nang makarating ako sa sala ay nandoon na si Aliyah, ka-edad ko lang siya.
She's busy with someone in her phone, nang makita niya ako ay nginitian niya ako saka nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kabilang linya, umalis siya at pumuntang kusina.
Umupo ako sa sofa, may pizza box doon at shake. Kinuha ko ang share saka tahimik na uminom habang pilit na ituon ang atensyon sa tv.
Sa gilid ng aking mata ay nakita kong naghaharutan si Mommy at Tito Ryan. As if they are in cinema and dating.
Bumuntong-hininga ako.
"Here." Napatingin ako kay Axle na umupo sa carpet sa gilid ng sofa na kinakaupuan ko.
He handed me a slice of pizza. Kahit bahagya akong nahiya ay tinanggap ko iyon.
Bakit ba siya diyan naka-upo? Ang luwag ng couch sa kabila.
Bahagya akong napa-igtad nang ibalibag niya sa akin ang isang throw pillow. "Ano ba?" inis na wika ko dahil muntik na iyon tumama sa hawak kong pizza.
"Put that on your legs." Balewalang salita niya saka bumaling sa tv.
Anong problema? Naka-shorts ako at nasa bahay naman ako, ayokong magthrow pillow kasi mainit, akmang ibabalik ko iyon sa kabilang sofa ay nilingon niya ako.
"Takpan mo hita mo or change to pajama," inis na wika niya.
Gosh! I want to punch him. Ano bang problema?
"Ayoko nga, ang init."
Nilingon ko sila Mommy na busy pa rin, kakalabas lang ni Aliyah sa kusina.
"Ash! I asked Vonna for Kiyo's number! Where's your phone? Akin na isave ko!" masayang balita niya na para bang isa iyon sa pinaka magandang balita ngayon araw.
Nahiya ako dahil doon pa niya mismo iyon sinabi sa harap ng ibang tao.
Vonna is her bestfriend and Kiyo's sister. Yung crush ko sa Engineering.
Alam niya kasing may gusto ako kay Kiyo. Isang linggo pa lang ako rito noon nang bumisita ang mga kaibigan ni Aliyah, kasama roon si Kiyo, that was the first I saw him, Aliyah insisting that I like Vonna's brother.
Noong una ay hindi talaga, he's good looking alright pero hindi ko talaga siya crush noon. Ganon naman ako, kapag inasar ako na crush ko ay magkakatotoo talagang crush ko.
And now, her friends know that I like Kiyo. I don't mind though, wala naman masama, gusto lang naman.
Lumapit siya sa akin, wala sa sariling inabot ko ang cellphone ko sa kaniya. Excited na nagpipindot siya roon.
Napalingon ako kay Axle nang bigla siyang tumayo habang hawak ang shake niya, dadaan sana siya sa gilid ni Aliyah pero saktong tumapon ang hawak niya sa screen ng cellphone ko.
"Oh my gosh kuya!" tarantang wika ni Aliyah nang makitang nabalot ng malapot na shake ang cellphone ko at ang iba ay kumalat sa carpet.
Nanlaki ang mata ko sa gulat, napalingon na sa amin sila Mommy, narantang kumuha ng pamunas.
Gusto kong maiyak dahil iyon lang ang cellphone ko.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Axle nakapamulsa siya habang pinapanuod na punasan ng kapatid ang cellphone kong naliligo sa shake.
"Bakit mo ginawa 'yon?" inis na wika ko.
"It was an accident, 'kay?" inosenteng aniya.
"Wala na akong cellphone!" inis na singhal ko sa kaniya.
"Ash calm down," rinig kong wika ni Mama.
Hindi ko sila nilingon, kaunti na lang at bubugahan ko na ng apoy si Axle. Leche siya!
Sinuklay niya ang kaniyang buhok. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa at iniabot sa akin.
He tsked. "Here, use mine for the meantime," aniya bago umakyat sa itaas.
Damn him! I really hate you!
***
SaviorKitty