KABANATA 2

1844 Words
Kabanata 2: Lukot ang aking mukha habang nag-i-scroll sa cellphone ni Kuya Axle. Alright, I realized that I should call him Kuya because he's two years older than me. Nasa ika-lawang taon pa lang ako sa kolehiyo na kursong edukasyon habang graduating student naman siya, si Aliyah naman ay kabatch ko pero business ang kaniyang kurso. Dalawang araw na sa akin ang telepono niya pero ngayon ko lang talaga kakalikutin, dahil noong unang araw ay naglog in lang ako sa messenger para makatawag kay Daddy. Bukod sa hindi ko pa tanggap na hindi ko na magagamit ang cellphone ko ay badtrip pa rin ako sa kaniya. Buhay pa naman iyon pero may basa sa loob ng screen kaya halos hindi na rin makita at natatakot akong baka biglang sumabog. Kaunti lang ang kaniyang mga apps, sa gallery naman niya ay napagtanto kong mahilig siya sa photography. His gallery filled of clouds, trees and even rocks photos. Sa tingin ko ay siya rin ang kumuha. May talent pala ang mokong na 'yon. Nag-scroll pa ako sa mga album niya hanggang makarating sa 'Young.Wild.Free' na folder. Halos ibato ko sa pader ang cellphone niya nang buksan ko iyon at tumambad ang napakaraming pornographic videos. Holyshit! Kaagad kong binura ang folder na 'yon, lalagnatin ata ako sa bumungad sa akin. Jusko! Binitawan ko ang cellphone niya, napailing ako dahil naiisip kong pinapanuod niya iyon habang may ginagawang milagro. I'm not that innocent, but how can I unseen it? Sana ay hindi ko muna siya makita ngayon araw dahil talagang baka ipakain ko sa kaniya ang cellphone niya. "Ash? Gising ka na ba?" boses ni Aliyah. Inayos ko ang ilang buhok na tumabing sa aking mukha. Binuksan ko ang aking pintuan, tumambad sa akin ang naka tube at maikling short na si Aliyah. She's petite, kumpara sa akin. Hindi naman kasi ako payat na sobra ang sabi nila ay may laman ako. "Akala ko tulog ka pa, nasa labas na sila saka 'yong kaklase mo kakadating lang," yaya niya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa suot ko. "Change your clothes, magswimming tayo, sando or bikini tutal tayo-tayo lang naman." Nahiya ako sa sinabi niya, hindi ko ata kaya iyon. "S-Sige magbibihis lang ako, bababa na ako." "Okay sige, nandyan na sila Kiyo saka kaibigan niya." Nakangising wika niya. Pinanuod ko siyang umalis bago isara ang pintuan. I know their plans, nagplano silang magkakaibigan na mag night swimming sa likod. May maliit na pool doon. Kilala ko na ang ilan sa kaibigan nila pero ang iba ay ngayon ko pa lang din makikilala. Natulog ako ng hapon kaya kakagising ko lang, akala ko ay hindi nila itutuloy pero mukhang hindi papaawat si Aliyah. She's kind to me, hindi ko masasabi na sobrang bait pero hindi naman siya katulad ng iba na nagmamaldita, pakiramdam ko nga'y mas matured siya sa akin kahit pa magka-edad lang kami. Siguro sa uri na rin ng kinalakihan nila, in the past few weeks I saw how they socialized. Marami silang kaibigan sa school, 'yong tipong aapiran lahat ng makasalubong, siguro dahil dito na rin sila lumaki. May mga kaibigan din naman ako sa Batangas pero hindi ko masasabing madami iyon katulad ng sa kanila. For me, it's okay to have a less friend than to have tons of fake friends. Mabilis akong nagbihis, I wore a black board shorts and white sando. Hindi ko naman susundin ang sinabi ni Aliyah na magbikini, never. Itinali ko ang aking buhok sa lumabas na ng bahay. Malayo pa lang ako ay rinig ko na ang ingay nila kasabay pa ang tugtog mula sa maliit na speaker. Tumambad sa akin ang mahigit sampong tao, kaagad akong kinabahan dahil tumuon ang atensyon nila sa akin habang tuloy pa rin ang kwentuhan. Hindi ko alam pero kaagad dumapo ang mata ko kay Kuya Axle na may katawanan babae na ngayon ko lang nakita. Pinaglalaruan niya ang kaniyang baso habang nakatingin sa akin pero bahagya siyang nakahilig sa upuan ng babae. Tsk. Babaero. Dumeretsyo ako sa gawi nila Aliyah kung nasaan din si Cleo. Pumalakpak pa si Cleo nang makita ang suot ko. "Ay wow, sexy naman this girl." Tawa niya. "Nice naman," ani Ivy habang nangingiti. I know her, kasama siya noon una ko silang nakita. Aliyah's friend, Vonna and Ivy. Walo kaming babae roon kasama na ang katabi ni Kuya Axle na hindi ko kilala, pakielam ko naman. Tapos sa kabilang dulo ng mahabang lamesa ay ang apat barkada ni Kuya Axle, nandoon din si Kiyo at isang kaibigan niya siguro na tinutukoy ni Aliyah na kasama. "My kuya is waiting for your text, sinabi ko kasing ibibigay ko sa'yo para textmate kayo pero hindi ka nagtext," wika ni Vonna. Medyo may kalusugan si Vonna na bumagay naman sa kaniya, hindi ko maiwasan mapasulyap sa pumuputok niyang dibdib. Sana all. Bahagya kong sinulyapan si Kiyo dahil sa sinabi niya, naabutan ko siyang nangiti sa sinabi ni Sage sa kaniya saka nagtama ang aming mata. Nawala ang ngiti sa kaniyang labi, ako na mismo ang pumutol sa tingin na iyon. Nakakahiya! "Nasira kasi 'yong phone ko, hindi naman ako makapagsave rito sa pinahiram ni Kuya Axle kasi hindi naman sa akin 'to, isasalang ko sana ang sim ko kaso sabi niya ay hindi puwede," paliwanag ko. Napasimangot siya. "Kumain ka na muna mamaya ay lalangoy na tayo, magpapagames ata sila," ani Vonna saka pumunta sa boyfriend niyang si Sage. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsimangot ni Cleo, nang makita niyang nakita ko siya ay napailing na lang siya. Ivy and Cleo are cousins, dahil noong bago pa lang ako sa University ay ibinilin ako ni Aliyah kay Cleo, na pinsan daw ng kaibigan niya. I don't want to out of place myself, that's why even though I'm not comfortable, I'm trying to be friendly. Buong taon pa ako rito kaya siguradong sila-sila rin ang makakasama ko. Hinila ako ni Aliyah sa kumpol ng mga lalaki, kinagat ko ang aking ibabang labi habang papalapit sa kanila. "Kiyo, ipapakilala kita sa anak ng stepmom ko," ani Aliyah habang natatawa. Halos kainin na ako ng lupa sa ginagawa niya pero hindi ko pinahalata, ngumisi ako sa kanila. "Ash, si Kiyo saka si Alan, kaibigan din sila ni Kuya, you met them before right? Nakalimutan kong ipakilala kayo," aniya. Tumango ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maglahad ng kamay pero naunahan na ako ni Alan, may ngiti kaagad siya sa labi. "Hi, mukhang mapapadalas ang tambay namin dito ah," biro niya. Tinanggap ko iyon saka bahagya siyang nginitian. May mga ipinakilala pa siya sa akin ilang lalaking kaklase nilang nandoon pero halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan. "Tapos si Pam, school mate natin." Turo ni Aliyah sa magandang babaeng katabi ni Kuya Axle, hinihintay kong sundan niya iyon ng 'girlfriend ni kuya' pero wala ng kasunod. Ipinakilala rin niya sa akin ang ilang babaeng nandoon kasama ata ng Pam. Ngumisi lang ang mga babae sa akin. Sumipol ang mga kaibigan ni Kuya Axle nang maglahad ng kamay sa akin si Kiyo. "Kiyo," aniya. Napakurap-kurap ako doon. Hindi ko alam pero kinabahan ako lalo't biglang tumayo si Kuya Axle saka pumunta sa barbeque grill saka nagpapaypay doon kaya halos lahat kami ay nausukan. Nahihiyang tinanggap ko ang kamay ni Kiyo, kaagad ko rin inalis ang aking kamay para umiwas sa usok. "Ano ba naman 'yan Ax?!" singhal ni Felix, isa sa kaibigan nila. Nagtawanan si Sage at Casper, samantalang nagtatakbo papunta sa malayo Alan. "Kuya naman, mamaya ka na mag-ihaw," ani Aliyah sabay hawi sa hangin. Tinakpan ko ang aking ilong, hindi niya kami pinansin nagpatuloy sa ginagawa. "Nagpapa-impress ata kay Pam," asar ni Casper. Nakita ko kung paano namula ang mukha ni Pam, naningkit ang mata ko roon. Girl, huwag ka diyan madami 'yan sekreto sa phone. Tumikhim ako para alisin iyon sa isip ko. Nagsimula na akong humalo sa kanila kasama si Cleo habang kumakain. Nasa kabila ko si Cleo habang nasa kabila si Kiyo kaya naiilang akong kumilos. "So bakit hindi mo ako tinext?" bulong niya sa gitna ng tawanan at ingay. Kaagad kong naamoy ang alak sa kaniya, nang dumating ako kanina ay umiinom na sila pero alam kong hindi pa siya lasing. "A-Ahm... Hindi ko kasi phone ang gamit ko." Nagtama ang aming mata, nakita ko kung paano niya tingnan ang mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin. "Ganon ba? What happened to your phone?" aniya at mas lumapit sa akin upang marinig ang bulong niya kaya halos naka-akbay na siya sa aking upuan. "Ash, pass me the sauce please." Nagulat ako sa utos na iyon ni Kuya Axle sa gitna ng tawanan ng mga kaibigan niya. Napalingon ako sa kaniya, nakasandal siya sa kaniyang upuan habang naka-krus ang mga braso sa harap ng dibdib. Nataranta akong hinanap sa lamesa ng sauce na tinutukoy niya. Hindi ko alam kung tatayo ba ako para iabot sa kaniya o ano, pero naunahan na niya akong tumayo saka lumapit sa amin. Inabot ko sa kaniya ang sauce, ramdam ko ang init niya sa likod ko kaya dumeretsyo ako ng upo. Halos lumagapak ang tingin ko sa aking plato ng maramdaman ipinatong niya ang mainit kamay sa aking kaliwang balikan dahilan para umayos ng upo si Kiyo. "Thanks." Bahagya pa niyang pinisil ang balikat ko, ni hindi ko magawang lumingon. Ano ba 'tong nararamdaman ko? "Oh, Kiyo I hope you're enjoying this night. Kumain ka pa, mag-ingat ka lang baka mabulunan ka," narinig kong sarkastikong tono niya. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking braso at pumisil ulit doon. Bahagya pa niyang inayos ang nalalaglag na strap ng sando ko na doon ko lang din napansin. Nilingon ko si Kiyo na nakatingin sa lalaking nasa likuran ko, hindi niya ata masiyadong pansin ang kamay ni Kuya sa akin o ako lang ang nagbibigay ng malisya doon. "Yes of course Axle," aniya saka ako sinulyapan. Of course, maybe Kuya Axle is just concerned. May babae rin siyang kapatid, kaya siguro ganon. Nawala lang ang atensyon ni Kiyo sa akin nang tawagin siya ng isang lalaki at may sinabi. Akala ko ay aalis na si Kuya Axle pero nagulat ako nang tanggalin niya ang ponytail ng aking buhok dahilan para sumabog ang buhok ko. "Kuya!" gulat na wika ko saka tuluyan siyang nilingon. Laglag ang panga ko ng itapon niya iyon sa malayo, sa madilim na parte ng halamanan. Bahagya siyang dumukwang, kumuha siya ng isang platito sa lamesa sa harapan ko dahilan para tumama ang dibdib niya sa aking likuran, napalunok ako doon. Inilibot ko ang tingin sa ibang nandoon pero parang balewala lang sa kanila, walang mali. Wala naman hindi ba? "Cover your neck, so I won't break his neck tonight," he whispered while leaning on my back. Nang umayos na siya ng tayo at bumalik sa upuan niya ay hindi pa rin kumalma ang kaba sa dibdib ko. Nanlamig ang aking kamay, hindi ko magawang lumingon na sa iba dahil pakiramdam ko ay mababasa nila ang nasa isip ko. What are you doing to me Kuya? *** SaviorKitty
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD