Kababata 35: "I'm sorry, Mr. Choi but that was my last project with you that I can handle," magalang na wika ko habang kausap ang matanda sa kabilang linya. Halos dalawang linggo na niya akong kinukulit upang pumunta ulit sa kaniyang resort dahil may trabaho raw siya para sa akin. Two months since the last time I went there and finished everything he asked me to do. "Ikaw ba sigurado dyan, Miere? Ako bigay laki halaga." Napangiti ako sa sinabi niya. "This is not about money, Sir. I have plans already." "Oki, kapag ikaw bago isip ako iyo tawag lang." "Sure, Mr. Choi. Have a great day!" Napailing ako nang maibaba ang kaniyang tawag, anong klaseng trabaho ba iyan? Kailangan na kailangan ba ako? Kahit naman pwede ay ayoko na rin sigurong pumunta roon. Napatingin ako sa pintuan ng offic

