Kabanata 34 Isang malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang makita si Axle na nagbubuhat ng mga paso na inaayos ko. Tagaktak ang kaniyang pawis habang nakahubad-baro. Ang kaniyang balat ay mas naging moreno dahil sa pagbilad sa araw, bahagya bang makintab dahil siguro sa pawis. Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya dahil nilingon niya ako. Nang magtama ang aming mata ay seryeso niya akong pinanuod hanggang makalapit. "I finished moving those plants to the pot," inporma niya sa akin. Gamit ang damit na nakasabit sa balikat ay pinunasan niya ang mukha. Bahagyang tumabingi ang aking ulo dahil doon. Nahihiya ba siyang makita kong pawis siya? "Hindi ba't sila Mang Tonyo ang dapat gagawa n'yan? Nasaan na siya? Bakit ka nandito?" Kunot-nuong tanong ko. Binasa niya

