Kabanata 37: Sabi ko noon, tatanggapin ko kung ano man ang madatnan ko sa Pilipinas pagkabalik namin kasi ako naman ang may gawa no'n. Ako ang nagtulak sa kanila para lumayo sa akin, desisyon ko iyon. Pero iba pala kapag nakita mo na ang naging resulta ng ginawa mong desisyon. I wasn't myself for months after my son's death. I know that I hurt him, but there's a part of me that still hoping that he'll wait for me. Like his promised. I don't want to be selfish. Sino ba naman ugok ang maghihintay pagkatapos ng ginawa ko? Pero iyon lang kasi ang naisip kong paraan noon, kahit siguro ibalik ang oras ay iyon pa rin ang gagawin ko. Iiwan ko pa rin siya para sa amin dalawa kasi alam ko noon na hindi talaga, masiyadong magulo ang isip ko sa pagkawala ni Az. We turned toxic in our own. It's j

