Kabanata 38 Ilang araw ang lumipas simula nang maka-uwi kami sa Pilipinas. Nabisita ko na ang pamilyar Miere, mamaya naman ay bibisitahin ko si Mama at Asher pagkatapos kong bumili ng regalo. Napailing ako nang mabasa ang text ni Yuan na mag-ingat ako sa pagdrive. Simula kasi noong na-aksidente ako ay parang siya pa ang nagka-trauma pahawakin ako ng manubela. Ngayon lang ulit ako nakapagdrive. "Ash!" tawag sa akin ni Cleo pagkapasok ko sa isang kilalang coffee shop sa loob ng mall. I smiled at her as I approached our table. Today we thought of going out, when I sat down I noticed that she already ordered our food. "Uy, umorder na ako ha? Sama na kasi ng tingin ng waiter e akala ata nakiki-aircon lang ako," sabi niya. Natawa kaming pareho. "Ayos lang, Cleo. Pasensya ka na kasi ang hir

