Kabanata 14: NAGISING ako kinabukasan sa pag-alog ni Aliyah sa akin, masiyado siyang ganado patungkol sa magaganap na party mamaya. May mga binabanggit siyang pupunta na hindi ko naman kakilala. Halos hindi ko na rin matandaan kung paano ako nakapunta sa kwarto kagabi, pagkatapos ng nangyari sa kusina ay kinain namin ang binake kong cake, hindi gano'n kasarap iyon pero siguro dahil na rin sa pagod ay naubos namin iyon. Para akong nakalutang buong araw school, hindi ko nakita si Cleo. Ang sabi niya'y mamayang gabi na lang siya pupunta sa bahay namin dahil tinatamad siyang pumunta sa school. I wonder if she's okay. Nakita ko si Kiyo noong umaga pero mukhang malalim ang iniisip niya dahil nilagpasan niya lang ako at tinawag ko siya. "Guys, nine ha? Mag-aasikaso muna kami sa bahay. Nine a

