Kabanata 13: Slight Matured Content. (Children alam niyo na) TAHIMIK ang buong bahay habang nasa kusina ako at nagba-bake ng cake, alas-onse na ng gabi at kahit anong pikit ko sa kwarto kanina ay hindi ako madalaw ng antok kaya naman bumaba na lang ako at nagbake ng kung ano. Hindi naman siguro sila magagalit kung gagamitin ko 'tong harina't itlog? Habang naghahalo ng ingredients ay lumilipad ang isip ko sa pag-alis nila. Nandoon na kaya sila? Nakita na ba ni Kuya Axle 'yong ipapakilala sa kaniya? Siguro tuwang-tuwa na 'yong mokong na 'yon doon. Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan ang mga mensahe sa lumipas na oras. Kiyo ♡ Asherah, Can We Talk Tommorow? Importante lang. Have A Good Night. Daddy: NAK TPOS NKMI MGDINNER. KMUSTA STUDY MO? INGAT KA DYAN. HWAG KA MKULIT PRA HNDI M

