Kabanata 12: "HUWAG na kasi diyan." Hinila ako ni Cleo palayo sa bench nila Kiyo. Kiyo texted me that they are in Gymnasium, watching basket ball. Natatawang nagpahila ako sa kaniya, hindi pa man ako nakikita ni Kiyo pero nasabi ko ng papunta na kami kaya baka hanapin ako noon. "Bakit ba ayaw mo? Nandoon sila Kiyo oh, kasama mga kaibigan niya." Inismidan niya ako. "Huwag na doon dito na lang tayo sa baba. Kapag nandoon tayo ay siguradong ma-out place lang ako sainyong dalawa," paliwanag niya. Naupo kami sa unang lines sa tapat ng mga bleachers ng players. I noticed the team infront of us, Kuya Axle's team. Kulay pula ang uniform nila, nire-represent ang kulay ng kanilang department. Hinila na ako paupo ni Cleo sa bakanteng upuan. Kaagad kong tinext si Kiyo para hindi na maghintay pa.

