bc

The Missing Billionaire

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa mahirap na pamilya at sanay magbanat ng buto ang binatang si Khalel. Taliwas sa buhay na nakasanayan ng kanyang kasintahan na si Ella. Ang magkaibang estado ng kanilang buhay ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang pamilya. Ito ang nagtulak sa binata upang tanggapin ang kanyang tunay na pagkatao. Sa kanyang pagbabalik, ano ang mananaig, paghihiganti o pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Here's a One Million check. It's under your name. You can take it and leave the town. One Million Pesos kapalit ng pag iwan sa anak ko" Sabi ni Mrs. Gonzaga sa kanya. Napayuko ang binata at saglit na humugot ng lakas ng loob upang magsalita. "Hindi ko po matatanggap yan Mrs. Gonzaga. Hindi ko po kayang iwanan ang anak nyo kapalit ng pera" Mahinahon ngunit puno ng kumpyansang sagot ni Khalel "So magkano? Magkano ang kailangan mo para iwanan ang anak ko?" Pasigaw na tanong ni Mrs. Gonzaga "Wala pong halaga ang pagmamahalan naming dalawa" Maikling tugon nya "Iwanan mo ang anak ko. Hindi ikaw ang lalaking gusto ko para sa kanya. Hindi isang hampaslupa at isang kahig, isang tuka ang nais kong mapangasawa ng anak ko" Napayuko na lamang ang binata at hindi na tumugon pa. "Kung hindi kaya ng konsensya mo na tanggapin ang pera kapalit ng pag iwan sa kanya, sana isipin mo ang buhay na kaya mong ibigay sa kanya. Hindi sanay ang anak ko sa ganyang pamumuhay. Iiwanan ka din nya, o kung hindi ka man nya iwanan, maaatim mo bang makitang nahihirapan si Ella?" Tila nang uusig na sambit ng Ginang. Nagpipigil luhang umiling ang binata. "Magsisikap ako. Ibibigay ko ang buhay na hindi man kasing rangya ng buhay na mayroon sya ngayon, ngunit sisiguraduhin ko po na hindi siya mahihirapan" Pangungumbinsi nya sa Ginang. "Hindi yan mangyayari. Dahil sa ayaw at sa gusto ni Ella, papakasalan niya si William. Si William ang nararapat para sa kanya." Matigas na tugon ng Ginang Tumahimik na lamang si Khalel. Ano ba naman ang laban nya sa isang William Bustamante. Isang William na mula sa mayamang angkan. Malayo sa estado ng pamumuhay nya. "Kung hindi mo matatanggap ang isang milyon, makakaalis kana. At huwag na huwag ka nang magpapakita kay Ella." Sambit muli ni Mrs. Gonzaga sabay talikod sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.9K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook