Chapter One

2164 Words
TEN YEARS LATER Hindi napigilan ni Paige na mapaikot ang mga mata habang pinakikinggan ang sinasabi ng kaibigang si Scarlet. Kausap niya ito sa cellphone habang nakaharap siya sa computer at inaayos ang speech ng ama niya. Gagamitin iyon ng matandang lalaki sa Lunes, para sa groundbreaking ceremony ng gusaling ipapatayo nito sa isang paaralan sa Malolos, Bulacan. “Paminsan-minsan na nga lang kaming magyaya ng out-of-town, tapos hindi ka na naman sasama," reklamo ng kaibigan niya. “Do I have to explain myself again, and again? I’m busy,” malapit na siyang maubusan ng pasensiya sa kakulitan ng mga kaibigan. Thirty minutes ago ay si Moira ang tumawag sa kanya at nangulit na sumama siya sa mga ito bukas ng gabi sa Pangasinan. “'Yan naman ang palagi mong excuse, eh.” Hindi naman kasi ako tulad mo na hindi alam ang salitang busy, maghapon ka kasing walang ginagawa, nais sana niyang isagot dito pero pinigil niya ang sarili. "I told you naman kasi na i-move ninyo ang schedule nang pagpunta roon para makasama ako, pero ayaw naman ninyo," nasabi na lang niya. “Weekend naman, Paige. Kaya nga weekend namin ini-schedule 'yon para siguradong makakasama ka,” pangungulit pa ng babae. “Babalik naman tayo ng Sunday night kaya siguradong makaka-attend ka sa groundbreaking sa Bulacan, kung 'yon man ang ipinagwo-worry mo. And if you want, ipagpapaalam pa kita kina Tito Ernesto at Tita Andrea.” “Wala namang problema sa pagpapaalam kina Papa. Marami lang talaga akong ginagawa kaya hindi ako makakasama.” Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin ni Scarlet. "Girl, ipa—” “Wait,” putol niya sa kaibigan nang marinig ang mga katok buhat sa labas ng opisina niya. “Come in.” Pumasok sa loob ang isa sa mga tauhan sa office ng ama niya, bitbit ang ilang mga folder. Iniabot nito ang mga iyon sa kanya. “Ma’am, 'yan ho 'yong mga request for endorsement na na-receive namin kanina.” Nakakunot ang noo na tiningnan niya ang babae. “Endorsement for what?” “For employment po,” tugon nito. “May isang grupo po kanina na nagpunta rito, hihingi raw po sila ng endorsement kay Senator para makapasok sila ng trabaho sa mga government institution. Iyon hong folder sa ibabaw ang report na ipinagawa n'yo sa 'kin yesterday.” “I see,” aniya na napatango pa. “Thanks, Carina. Anyway, paki-follow up 'yong magki-cater sa Monday, ha. Make sure na walang magiging problem doon.” “Yes, Miss Paige,” nakangiting sabi ni Carina bago ito lumabas ng opisina niya. Muli niyang inilapat ang cellphone sa kanyang tainga. “Did you hear that? Kasama lang ang mga iyon sa mga kailangan kong asikasuhin.” “Ewan ko sa 'yo,” pakli ni Scarlet. "Fine, I’ll tell the others na lang na you’re not coming.” “Okay, please do that dahil ayoko nang paulit-ulit mag-explain kung bakit ako hindi makakasama,” aniya habang tinitingnan ang isa sa mga folder na ibinigay ni Carina sa kanya. “Before I hang up, ipapaalala ko lang sa 'yo ito, kasi baka nakakalimutan mo na. Ang father mo ang senator, hindi you. Ikaw nga ang executive assistant ng Papa mo, pero may sarili ka pa rin namang buhay, 'di ba Huwag puro trabaho na lang ang inaatupag mo.” Bago pa siya makapagsalita ay nawala na sa kabilang linya ang kaibigan. Napabuga siya ng hangin habang tinitingnan ang kakalapag pa lang na cellphone. Alam niyang nagtatampo na ang mga ito sa kanya. Buhat kasi nang magtrabaho siya bilang executive assistant ng Papa niya ay bihira na lang siyang nakakasama sa mga lakad nilang magkakaibigan. Gustuhin man niyang sumama kina Scarlet ay hindi maaari dahil sa dami ng trabaho niya. Abala sila ngayon, lalo na dahil tatakbo sa pagka-presidente ang kanyang ama sa darating na eleksiyon. Hindi lang ang responsibilidad ng isang executive assistant ang kailangan niyang gawin ng mabuti; bilang anak ng pinaka-tinitingalang senador ng bansa, may iba pa siyang mga obligasyon. Kailangan niyang suportahan at pangalagaan ang magandang imahe ng ama at ng pamilya nila sa publiko. Lahat ng kilos niya ay kailangang de.numero. She should be the perfect prim and proper daughter para sa future president ng bansa. Napapitlag siya nang tumunog ang landline phone na nasa ibabaw ng table niya. Agad niya iyong sinagot. “Hija, papunta na kami ng Mama mo sa Laguna to see your grandparents. Are you sure, you don't want to come with us?” ang kanyang ama ang nasa kabilang linya. Napasandal siya sa backrest ng swivel chair niya. “No, 'Pa. Marami pa ho akong kailangang tapusin. I’m not even done with your speech.” “Puwede mo namang gawin iyan habang nasa biyahe. Papupuntahin ko ang isang tauhan ko riyan para ipag-drive ka,” sabi pa ni Senator Colmenar. “Kayo na lang, 'Pa,” tanggi niya. "Ikumusta na lang ho ninyo ako kina Lolo at Lola.” “Alright, Hija,” wala nang nagawa na sabi ng ama niya. “Anyway, thank you, Paige.” Napakunot ang noo niya. “For what?” “For everything, Hija. Alam kong medyo napi-pressure ka na sa dami ng trabaho lately.” Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi ng ama. "Okay lang po ako. Hindi ko naman ho ito ginagawa dahil lang sa anak ninyo ako, I’m doing this dahil naniniwala ako sa magandang plano n’yo para sa lahat.” “And that is why I am so proud to have a daughter like you. I'm sure you'll be a great leader, too. Hihintayin ko ang panahon na i-consider mo rin ang pagtakbo sa politika.” Natawa siya sa sinabi ng ama. "Kahit ano'ng pagpapalaki ng ulo ang sabihin ninyo, wala ho akong balak pumasok sa politics. Enough na sa akin 'yong suportahan ko kayo. Sige na ho, mag-ingat kayo ni Mama. I love you." ******** MAG-AALAS sais ng hapon nang makalabas si Paige ng opisina. Nagpasya siya na pumunta sa café-bar nila Iona sa Makati. Doon siya madalas na nagdi-dinner kapag wala sa bahay ang kanyang mga magulang. Habang nagmamaneho ay ikinabit niya sa tenga ang earphones at tinawagan si Iona. "Hi!" masigla niyang bati sa babae. “Hi ka diyan!” pakli nito sa kanya. “Scarlet told me, hindi ka na naman makakasama bukas. Magda-dalawang linggo ka na naming hindi nakikita, ah!” “I’m sorry, pero naiintindihan mo naman na busy ako, 'di ba?" aniya na naglalambing ang tinig. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. "Alam ko namang nami-miss na ninyo ako, lalo ka na. Kaya nga makikipagkita sana ako ngayon sa 'yo, eh,” nangingiti pa niyang dagdag. “Pupunta ka ng café?” biglang nagbago ang tono na sabi ni Iona, mukhang natuwa ito sa sinabi niya. “Yup, I’m on my way na. I’ll be there in—” Bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang mapasulyap siya sa rearview mirror. Kunot ang noo na tumingin siya sa side mirror. Isang itim na kotse ang nasa likuran niya at kung hindi siya nagkakamali, parang napansin na rin niya ito kanina nang lumabas siya sa GSIS Headquarters Building kung saan naroon ang opisina ng mga senador. “Paige, are you still there?” narinig niyang sabi ni Iona. “Yeah," aniya na pilit nilalabanan ang kabang bumabangon sa dibdib niya. "Can you wait for me outside the café?” “You sound worried, may problema ba?” “May kotse kasi sa likuran ko, heavily tinted. I don’t know pero parang kanina pa ako sinusundan, eh," tugon niya sa kaibigan. Gusto man niyang bilisan ang takbo niya ay hindi niya magawa dahil bahagya nang nagsisikip ang traffic. Sinubukan niyang sumingit sa sasakyang nasa unahan niya. “Don’t hang up your phone hanggang sa makarating ka dito ha. 'Asan ka na ba?” sabi ni Iona na mahihimigan ng pag-aalala. “Malapit na ako pero susubukan kong mag-iba ng way, titingnan ko kung susunod pa 'yong kotse,” tugon niya. "Do you want me to call the police?" "No!" agad niyang sabi. Bukod sa hindi pa naman siya nakakasigurong sinusundan nga siya ng kotseng iyon, tiyak niyang makakarating agad sa ama ang tungkol doon kapag ipinaalam nila iyon sa mga pulis; at iyon ang ayaw niyang mangyari. Ayaw niyang mag-alala ang mga magulang. "Ako na ang bahala. Basta hintayin mo ako sa labas." Pagkasabi niyon ay sinikap niyang makatabi upang makaliko siya sa ibang daan. Napansin niyang ganoon rin ang ginawa ng kotse. Humigpit ang hawak niya sa manibela at iniliko niya ang sasakyan niya sa isang maliit na kalye na walang masyadong sasakyan. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse. Nang tingnan niya ang likuran ay nakita niyang nakasunod pa rin ang itim na kotse. Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho at iniliko ulit ang sasakyan. Nakahinga siya nang maluwag pagkakitang lumampas sa kalye na nilikuan niya ang sumusunod sa kanya. “Wala na 'yong sumusunod sa akin,” aniya kay Iona na naroon pa rin sa kabilang linya. “Are you sure? Teka, baka naman napa-praning ka lang, kaya akala mo sinusundan ka no’n." Hindi siya sumagot. Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin ni Iona bago ito nagsalita, "Bilisan mo na, hinihintay kita rito sa labas ng café.” Pinatay na niya ang cellphone at itinuon ang mata sa daan. Hindi na niya sinabi sa kaibigan pero malakas ang kutob niya na talagang sinusundan siya ng kotse kanina. Mas naging alerto siya, panay ang tingin niya sa side mirror. Ilang minuto pa ay narating na rin niya ang Metro Café-bar, nasa labas nga nito si Iona. Inihinto niya ang kotse sa tapat ng café-bar at agad na bumaba. “'Asan si Dylan?” tanong niya at hinagkan sa pisngi si Iona. “He’s not here, may lakad sila ng mga kaibigan niya,” ani ng babae na nagpatiuna na sa pagpasok sa café. “Pinag-alala mo ako. Akala ko may nakasunod na talaga sa 'yo kanina.” “Stress lang siguro ako kaya kung ano-ano ang naiisip ko,” kunwari ay balewala na ring sabi niya pero ang totoo hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Naupo sila sa lamesa na malapit sa counter, agad silang inasikaso ng crew na naroon. Hinayaan niya si Iona na pumili ng kakainin niya. Pakiramdam kasi niya ay nawala ang kanyang gutom sa nadamang nerbiyos kanina. “So you’re leaving pala next week?” tanong niya kay Iona pagkaalis ng tauhan ng babae. Nakuwento sa kanya ni Scarlet kanina na may pinirmahang kontrata si Iona at pupunta ito ng New York sa susunod na linggo. “Yeah, one week lang naman ako doon sa New York. After ng show babalik na rin ako,” tugon naman ni Iona. Isang kilalang modelo ang kaibigan niyang ito. “Anyway, do you—” Kapwa sila napatingin ni Iona sa cellphone niyang nasa ibabaw ng lamesa. Dinampot niya iyon at sinagot. “Where are you, Hija? Tumawag ako sa bahay ang sabi wala ka pa roon,” ang kanyang ama ang nasa kabilang linya. Nangunot ang noo niya, may kakaiba sa tinig ng ama niya. “Andito ho ako sa café nila Iona. Why?” “Wala naman, Hija,” tugon ni Senator Colmenar. “Hanggang ano’ng oras ka riyan?” “I’m not sure, 'Pa. Kararating ko lang po kasi rito, eh,” tugon niya. “Huwag ka na munang umalis diyan, Anak. Tatapusin lang namin ang dinner at uuwi na rin kami ng Mama mo. Susunduin ka namin diyan, okay? Hintayin mo kami,” pagkasabi niyon ay nawala na sa kabilang linya ang ama niya. Ibinitang niya muli ang cellphone sa lamesa, lalong nanlalalim ang pagkaka-kunot ng kanyang ulo habang tinitingnan ang awdotibo. Parang may nararamdaman siyang kakaiba sa tono ng pagsasalita ng ama. At isa pa, ang alam niya ay mag-o-overnight ang mag-asawa sa bahay ng mga magulang ng Papa niya, pero bakit bigla-bigla ay nagbago ang isip ng mga ito? At bakit kailangan pa siyang sunduin ng mga ito rito? Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya nang maalala ang nakasunod sa kanyang kotse kanina. May koneksiyon kaya iyon sa dahilan ng pagtawag ng kanyang ama? “Hey, are you alright? You look pale,” untag sa kanya ni Iona na hindi niya namalayang pinagmamasdan pala siya. “Ano ba’ng sinabi ni Tito Ernesto?” Mabilis siyang umiling. “Hintayin ko raw sila rito, dadaanan nila ako para sabay-sabay na kaming umuwi," kunwari ay kaswal niyang sabi. Ayaw na niyang pag-alalahanin pa ang kaibigan dahil baka i-kuwento pa nito sa mga magulang niya mamaya ang nangyari kaninang patungo siya rito. “Eh, bakit parang namumutla ka?” “Pagod lang ako. Ano nga pala 'yong sinasabi mo kanina?” naisip niyang itanong upang iligaw ang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD