bc

Whatever It Takes

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
lighthearted
addiction
like
intro-logo
Blurb

Do you believe in love at first sight?It could be hormone-included; pwede ring nahawa lang siya sa love virus mula sa kanyang mga kapatid; or totoo lang talaga ang love at first sight. Iyon ang naiisip ni Dr. Hiro Ramirez na posibleng rason kung bakit gusto niya si Ivy Rose Mercado.Pero hindi pa man, basted na siya kaagad sa dalagang NBI agent. Mabuti sana kung broken heart ang dahilan nito kaya ayaw magkanobyo, pwede niya pa sanang resolbahan iyon, him being a cardiologist. Ang kaso, hindi. Because for her, being in a relationship with opposite s*x is not in her priorities. Pero hindi naman papayag si Hiro nang ganon-ganon lang. He was determined - as serious as a heart Attack - na mapa sagot ang mailap at napakagandang dalaga. So, Ivy should better brace herself. Because he'll do everything whatever it takes.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Nakangiti akong lumabas ng hospital room ng kababata kong si Kristine Laczamana, na future to be Mrs. Kristine Ramirez na. Sa harapan ng buong pamilya namin ay nag-propose ang kakambal kung si Harold sa pinakahuling babae sa balat ng lupa na inisip naming makakatuloyan niya. Mortal na magkaaway kasi ang dalawa noon, at wala kaming kaalam-alam na may kinasasangkutan palang undercover work si Kristine. Naging asset kasi pala ito ng NBI para maresolba ang kaso ng pagpatay sa Bestfriend niyang si Riley few months ago. Im happy for my Twin and Kristine. I loved them both, kung meron man mga tao na gusto kung maging masaya kasama sila do'n. May asawa na rin ang isa sa Eldest Brother namin, si kuya Reymond. Tapos Next month naman ikakasal na rin ang kambal niyang si kuya Rotmond, although not like kuya Reymond, may anak na si kuya Rotmond ngayon. And now engage na rin ang bunso naming si Harold. Kaya masasabi kung masaya na buhay ng mga kapatid ko. But of course I'm happy too, hindi naman porket single ako ay 'di na ako masaya. Mas gusto ko iyong ganitong buhay. Besides, I'm a Doctor, a cardiologist. Hindi biro ang propesyon ko, at lalo namang hindi rin biro ang schedule ko. Kaya hindi rin madaling mag girlfriend ako basta-basta, sa attention at oras palang sigurado kulang na kulang na ako. And I think it wouldn't be healthy, if I have one. Ngayon nga, binisita ko lang si Kristine saglit bago mag rounds. Overnight lang kasi ang pag-stay niya dito. Dahil under observation lang naman siya, ino-obserbahan kung may masamang epekto ng droga na nainom niya. Though wala naman daw siyang nararamdaman kakaiba. But of course my bastard twin brother didn't let her go home just like that. Paranoid, pina-examin lahat ng posibleng ipa-test sa girlfriend niya. Tsk! Ang OA lang diba? Na solved na rin daw yung kasong gustong tapusin ni Kristine kagabi. Napatay din sa engkwentro ang suspect sa pagpatay sa bestfriend niya. Nabaril ng dalawang NBI ng manlaban at tangkain daw siyang patayin nito. Ano ba yan! Wala bang hindi exciting ang buhay sa kanilang magkakapatid? Mukhang siya lang ata ang boring ang buhay, eh. But not that he did not like it that way. Mas okey sa kanya iyong may schedule na sinusundan kaysa sa bigla na lang sumusulpot ang mga pangyayaring gaya ng drug overdose o kaya raid ng NBI agents. Mabuti na iyong siya ang boring na Ramirez, iyong tatandang binatang Ramirez. Siya na lang ang i-spoiled sa mga future pamangkin niya. For sure a few years from now mapupuno ng mga little Ramirez ang bahay nila mommy. Dahil nasisiguro kung hindi santo ang mga kapatid ko. "Excuse me, Dr. Ramirez!" I heard someone call me from behind. Kaya nilingon ko siya. And there, parang tumigil ang pagtibok ng puso ko at bahagyang naninikip ang dibdib ko. Bigla rin akong nanlamig. Bago at hindi ako familiar sa nararamdaman kong ito. Matangkad ang babae, mahaba ang buhok at maganda. Maliit at bilugan ang mukha, may mapupulang labi at matangos ang ilong. She's definitely look like an angel. Kulang na lang sa kanya ang pakpak angel na siya na bumaba sa langit. Makikita rin ang confidence sa lakad at tindig niya. Maganda rin ang hubog ng katawan niya, kitang-kita ko iyon kahit simpleng skinny jeans at pastel color plain shirts lang ang suot niya. Paglamayan na lang ako kung hindi ko iyon mapansin. Damn! I think she had one hell of a body. "Yes?" kinailangan ko munang lumunok ng laway bago sumagot sa kanya. She looks familiar, but I really can't remember where I saw or met her before. Hmm— unless we're soulmates. Wtf! ano ba ang pinag-iisip ko? kailan pa ko na niwala sa mga soulmates-soulmates na yan! Wala namang scientific basis 'yon. Tumigil siya sa harap ko saka ngumiti, pero bigla rin nawala at parang nalito, nagsalubong kasi ang mga kilay niya. "Hindi ikaw si Harold." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Sa tanang buhay kasi namin, iilan lang ang nakaka identify saming kambal. Lagi nga akong binibiro ni kuya Rotmond na magsuot daw ng malaking name tag o kaya magpa tattoo mismo ng pangalan ko sa noo. Madalas kasi akong napagkakamalang si Kuya Reymond, or si Harold. We're two sets of identical twins sa pamilyang Ramirez. Pero halos magkaka mukha lang talaga kami, kahit na mas matanda ng tatlong taon sila kuya Reymond at Rotmond samin ni Harold. Aside from her. Ilan lang ang alam kong na nakakapag identify samin magkakapatid bukod sa parents namin. Si Ellen na asawa ni kuya Reymond, si Willa na fiance ni kuya Rotmond at si Kristine. Biro nga nila minsan kung sino daw babae ang makakapag-differentiate ng isang Ramirez saming magkakapatid ay siyang makakatuluyan nito. Joke lang naman 'yon, pero totoo nga kaya? Gusto ko ring malaman at mapatunayan kung totoo nga iyon. "I'm his twin brother, Hiro," sagot ko. At hindi ako nakatiis kaya tinanong ko siya, "Ahm— have we met before?" mabilis naman siyang umiling. "I'm Agent Ivy Rose Mercado. Dadalaw po sana ako kay Kristine." aniya. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagpapakilala siya sakin. Pamilyar kasi talaga siya, eh. Hindi pwedeng 'di ko pa siya nakilala before. Dahil sobrang familiar ang mukha niya sa'kin. s**t! Nakaka frustrate naman mag halungkat ng memorya. "Dr. Ramirez?" agaw pansin niya sa'kin habang kumakaway-kaway pa sa harap ng mga mata ko. Then biglang parang bumalik ako sa nakaraan, naalala ko na kung saan ko siya kilala noon. "Ikaw si Miss Ivy," mahinang sambit ko. "Yung social worker na naka-assign sa mga street children na nagpunta sa school ni Mommy two years ago." I have no idea how I knew or how I remembered it but I did. Hindi ko pwedeng kalimutan ang mukha niya, dahil para sa sa'kin noon pa man ito ang pinakamagandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko. And if i'm not mistaken, na love at first— or even in my second-sight ata talaga ako sa babaeng 'to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
6.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook