Astrid's Pov Sumilip ako sa pintuan at saka pa lang 'yon binuksan ng maayos nang masigurado na si Ate Brooklyn lang 'yong naro'n at wala ng iba pa. Oh come one, Astrid. Sino ba ang inaasahan mong pupunta rito? Tuluyan na 'kong lumabas ng pinto saka nakahalukipkip na humarap sa kanya. "Bakit po?" Maya-maya pa'y bumukas na rin ang pintuan ng kwarto nina Daddy at lumabas ro'n si Mom na nakabihis na sa mas kaswal na damit. "Naihanda na 'yong dinner?" She asked her. Ate Brooklyn nod and smile after that she walked away. "Astrid, it's dinner time shall we? Naghihintay na ro'n ang Dad at Kuya mo." Si Dad at Kuya lang? Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Mabuti't wala na ang mga kabanda ni Kuya. Flash Krenth to be exact. Ngumiti lang ako sa kanya at isinara ang pintuan ng kwarto ba

