CHAPTER EIGHT

1980 Words
~JACKIE'S POINT OF VIEW ~ "Magandang araw, ako nga pala si Jackie pero pwede niyo akong tawaging  Master, ako ang tatayo bilang bago niyong leader." Tiningnan ko isa-isa ang mga batang nakatayo at may hawak na Samurai. Ngumisi ako bago tumaas ng isang baitang sa stage. Kinuha ko'ng sarili ang pin at inilagay sa aking uniform. Nagbow silang lahat sa akin at bumaba na ako. I am now the leader of Corion. I can do whatever I want. Pagkalabas ko sa Auditorium, nakapa ko ang key card ng kawawang aso sa aking bulsa. Natawa ako ng mahina sabay hugot nito. Medyo mabigat ito dahil gawa ito sa purong metal kaya naman maibibigay ko ito sa kanya ng maganda. Habang tinutungo ang kahabaan ng corridor, may isang babaeng dire-diretso lang sa paglalakad ang sumagi sa aking balikat. Napahinto ako at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. "New victim spotted." Naglakad ako pabalik at papunta sa kanya. Hindi naman siya nagmamadali kaya madali lang sa akin na habulin siya. Inakbayan ko ito at sinabayan sa paglalakad. Noong una, nagtataka pa ito kung bakit ko siya inaakbayan pero habang tumatagal unti-unti na siyang tinutubuan ng kaba. Alam na alam ko iyon dahil magaling akong humusga ng tao. "Sorry... Miss Jackie—" "Correction. MASTER." Ngumiti ako sa kanya at inisprayan ng pampatulog nang makalayo-layo na kami sa dagat ng mga tao. Mabilis ko siyang sinalo at hinila patungo sa kuta ko. Malansang atmospera ang bumungad sa akin pagbukas na pagbukas ko sa napakarumi at nangangalawang na pintuan. Masaya kong pinagmasdan ang mga putol na uli na nakasabit sa ceiling bilang dekorasyon. May iba pa ngang naagnas na at mas masaya ako roon. Dumako naman ang tingin ko roon sa isang malaking stante na punong-puno ng mga puso ng tao. Yung iba, medyo mainit pa dahil kakakuha ko lang noon sa mga biktima ko pero ang iba naman ay tuyot na tuyot na sa sobrang tagal. Marahas kong hinila paibabaw ng kama ang kawawang katawan ng bago kong laruan at pinulupot sa magkabilang kamay at paa ang sobrang kadena. Sunod niyan, binusalan ko ang kanyang bibig ng waling magkakapatong na duct tape para hindi masyadong malakas ang pagsigaw niya. Pinalibutan ko rin ang kanyang higaan ng mapupulang rosas na nakuha ko sa garden kanina. Pero yung iba bigay lang sa akin. Sunod noon, kinuha ko ang lumang camera na nasa maalikabok at maduming drawer na nasa kanto ng kwarto. Binuksan ko iyon bago tumuntong sa upuan at kuhaan siya ng litrato. Paglabas ng picture, sinulatan ko agad ito. Step 1 10 minutes tatagal ang sleeping spray na ibinigay sa akin ni Boss kaya naman mayroon na lamang akong tatlong minuto para maghintay. Pero matagal na iyon para sa akin. Kaya ang ginawa ko, pumunta na lang muna ako sa canteen at bumili ng popcorn, pagkatapos bumalik na ako sa kuta ko at ibinuhos ang maliit na kahon noon sa aking bowl. Kumain muna ako habang naghihintay sa kanyang paggising na makaraan lamang ang ilang segundo, nakita ko nang gumalaw ang kanyang mata. Medyo matagal bago niya na-realize na bihag ko na siya at gaya ng inaasahan, buong lakas siyang sumigaw nagbabakasakaling may makakarinig sa kanya. Mas lalo siyang nasindak noong makita niya kung sino ang dumukot sa kanya. Kitang-kita ko talaga sa mukha niya ang pagmamakaawa kahit hindi ko siya naririnig na nagsasalita. "'Wag mo kasi akong babanggain." May halong panghihinayang kong wika sabay dampot ulit sa popcorn. "Baliw ka, noh? Hindi mo dapat ako tinititigan sa mata." Nakita ko siyang nagpupumiglas ng sobra Natatawa ako dahil nagpapakahirap pa siyang gumalaw-galaw e alam naman niya na hindi siya makakawala jan. Seryoso ako, nagpapagod lang siya. "Kawawa ka naman. Tapusin na nga kita." Kinuha ko ang lotion at ang camera. Pinicturan ko ito kasama siya sabay lagay muli sa litrato ng 'Step 2'. Sunod nun, ibinuhos ko sa aking palad ang kaunting amount ng lotion at ipinahid sa kanyang balat. Maya-maya lang nakita ko na kaagad ang pamumula nito at pagbabalat. "Expired na expired na 'yan. Oh, sinagot ko na yung tanong mo." Habang nakikita siyang nagdurusa, mas ginanahan naman ako ng loob. Kumuha ako ng ballpen at minarkahan ang leeg nito ng X, ibig-sabihin, iyon ang una kong hihiwain. Sunod kong minarkahan ang kaliwa niyang dibdib, iyon kasi ang hihiwain ko para makuha ang puso niya at maidagdag sa collection ko. Gaya ng ginawa ko kanina nilagyan ko ulit ng numero ang mga litratong nakuha ko. Nakakatuwa nga dahil may maidadagdag na naman ako sa lesson plan. Salamat na lang talaga sa'yo. Tinulungan ko na rin siya na kalasin ang balat niya para naman kaunti na lang ang paghihirap niya. Medyo naaawa kasi ako, eh. Tao pa rin naman ako may puso, ang ayoko nga lang ay kapag sinusuway na ako at kapag nilalabag ang mga patakaran ko. Wala na sa akin kung magsorry siya, basta nagawa na niya edi tapos, nagawa na niya, wala nang bawian pa roon. Kahit ano pang ibigay niya sa akin tatanggapin ko lang pero hindi na mawawala sa isipan ko ang goal ko, ang kunin ang kaniyang puso para sa koleksyon ko. Nakita ko siyang lumuha talaga ng todo at kasabay noon ay ang pagpalahaw niya ng iyak. Nakakabingi nga dahil mas malakas pa ang iyak niya sa akin nung kinuhaan ako ng candy samantalang nakabusal naman ang bibig niya. Medyo nairita ako kaya tinutukan ko siya ng kutsilyo sa mata sabay sabing... "Huwag ka nang umiyak, mas lalo mo lang akong iniinis, e," Muli ko siyang kinuhaan ng litrato at inilagay sa lesson plan ko. Tuturuan ko kasi ang mga estudyante ko ng tamang pagkuha sa puso ng tao. Step 1 to 7 nagawa ko na. Napahirapan ko na siya, so for the 8th step, hihiwain ko na ang leeg niya para may maisabit na ako sa kisameng bagong ulo. Buti nga at malaki-laki rin ang kwartong ibinigay sa akin ni Master para mas maraming ulo at puso ang ma-collect ko. 9th step, matapos kong hiwain ang ulo, sunod ko namang nilagyan ng butas ang kanyang kaliwang dibdib upang magkaroon ito ng space sa pagdukot ko sa puso niya. Nakakatawa nga kasi paiyak-iyak pa siya. Hindi ko na pinatagal pa nga ang pagdurusa niya't dinukot na ng tuluyan ang kanyang puso. Hinipan ko ito at inilagay sa stante kung saan nakalagay ang 74 na iba pang puso galing sa iba't ibang mga tao. Sunod, kinuha ko ang ulo at saka pinuluputan ng kadena at isinabit aa ceiling. May panibago na naman akong naidagdag sa aking collection. Lumapit ako sa kanyang katawan at saka buong pwersang ipinasok sa sako. Ipinalupot ko iyon bago hilain palabas sa kuta ko. Nagtungo ako sa basement saka binuksan ang pintuang pabaliktad ang pagkakalagay bago itapon sa mortality pit ang kanyang bangkay. Napatawa ako ng mahina bago ipagpag ang aking mga kamay. "Don't mess with a psychopath." Ngumiti ako sa mga estudyante at mga official na nakakasalubong ko. Alam naman na nila ang mga ginagawa ko kaso nga lang may mga tao talaga nakatulad nung... nakalimutan ko na yung pangalan.. basta kagaya niya na binabalewala lang ang mga threat sa paligid. So, sorry na lang sa kanya pero hanggang doon na lang talaga ang buhay niya. Malay niyo sa langit pala siya mapupunta, edi mas masaya! "So, happy for you Ericka—uhm whatever!" Kinapa ko ang key card nung Hamida na kawawa at napangiti. Nagdire-direrso ako sa paglalakad hanggang sa makita ko sila nung bago niyang friend na wala ring kwenta na kumakain sa cafeteria. Tumayo lang ako at sumandal sa isa sa mga lamesa hanggang sa mapadako ang tingin sa akin nung dalawa. Ngumiti ako sa kanila at kinawayan habang hawak-hawak ang key card niya.  Wala na akong pakealam dito dahil nakuha ko naman na ang posisyong gusto ko kaya naman nararapat lang na ibigay ko na ito sa kanya. Baka kasi umiyak pa. Kinalabit niya ang kasama niya bago nagpaalam dito na aalis muna. Siyempre alam ko naman na pupuntahan niya ako para kunin ang key card niya, so ang ginawa ko naglakad ako palayo sa kanya at papalapit sa railings ng second floor. Doon ako pumwesto sa dulo para walang mga sagabal na tao. "Good araw!" Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko na nakakatawa. Pero nakakainis kasi hindi siya nahawa. "Walang good sa araw." "Siyempre may g ka bang nakikita dun? Wala naman talaga." Pamimilosopo ko sabay abot kunwari jung key card sa kanya at bawi naman noong akmang kukunin na niya. "Ano ba kasing problema mo?!" And WOW! Pinagtaasan niya ako ng boses. Kagaling mo naman! Na-excite tuloy ako bigla sa kanya. Parang gusto kong madagdagan kaagad ang collection ko, ah. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang kasi. Tara, laro tayo!" Pag-aaya ko at pinagmasdan ang napakagandang tanawin sa labas. Malayo pa ito sa sibilisasyon dahil tago ang lugar na ito. Malamang alangan naman i-public ito gaya ng Ateneo o kaya UP, edi mahuhuli na kaagad kami. Itinapat ko at iwinasiwas sa pagmumukha niya ang key card sabay bawi ulit saka tumawa ng napakalakas. Wala na akong pakealam kahit pagtinginan pa kami ng mga estudyante rito sa loob, takot din naman sila sa akin, e. Sumipol-sipol pa ako sabay wasiwas ulit sa hangin ng key card, actually inaasar ko lang talaga siya. May balak naman akong ibigay sa kanya uto kaso nga lang mas maganda pa rin ang paghirapan niya ang bagay na gusto niyang makuha.  "AKIN NA KASI!" Akmang hahablutin na niya ito nang bigla kong ihagis ang hawak ko sa labas. Nasa third floor kami at madamo ang babagsakan noon kaya good luck na lang sa paghahanap. "Alam mo kasi Hamida, lahat ng bagay pinaghihirapan 'yan. Parang ako, pinaghirapan ko itong posisyon ko, kaya dapat ganoon din ikaw." Nginisihan ko siya at tinuktukan ang bumbunan upang mas lalo pa siyang maasar. "Good luck mahal ko." Naglakad na ako papalayo sa kanya, sa friend niyang walang kwenta at sa mga taong nag-tsi-tsismisan sa cafeteria. Tatawa-tawa akong bumaba sa ground floor kung saan naroon si Master Yula. "Good day, Master," yumuko ako sa harapan niya bilang paggalang "Masaya ako dahil nakuha mo na ang pinakamataas na posisyon," tinapik niya ako sa balikat nang may ngiti sa labi Nakakatuwa nga naman dahil isa na ako sa pinakaginagalang na mga tao rito. Kung tutuosin, mas mataas pa nga ang posisyon ko kaysa sa mga ordinaryong guro sa akademyang ito. At higit sa lahat, kakampi ko pa ang headmistress nila. "Hindi ko po ito makukuha kung hindi dahil sa inyo. Salamat po." Tumango siya at inilebel ang taas niya sa akin. "Tumulong lang ako, pero ikaw pa rin, ang dedikasyon mo para makuha ang posisyon ang dahilan kung bakit mo nakamit ang matagal mo nang pinapangarap." Ngumiti akong muli pero sa pagkakataong ito, totoo na ang ipinapakita ko. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Marami na siyang naitulong sa akin kaya naman gagawin ko ang lahat para lamang masuklian iyon. Nagpaalam na siya sa akin noong may tumawag sa telepono niya. Nagbow ako sa kanya at umalis na sa lugar na iyon. Ako lamang at ang iba pang officials ang may karapatang tumapak sa Red Zone dahil ito ang area kung saan nakatayo ang pinakamahalagang building sa lahat, ang Sorceress's Empire. Kailan kaya ulit magkakaroon ng labanan sa pagitan ng Dikarsa at Endrilla? Sana isa ako sa mapiling soldier. Talagang paghahandaan ko ang araw na iyon. Makalipas ang isang siglo, hindi pa rin natatapos ang hidwaan sa pagitan ng dalawa. At mas maganda kung ako talaga ang tatapos doon. Ihahanda ko na ang aking sarili upang patayin ang lahat ng miyembro ng Walton League. Kaso nga lang may problema ako, hindi ko na kabisado ang mga bagong miyembro noon dahil siguradong nagretiro na ang karamihan sa kanila at siyempre, may mga bagong umusbong. Teka, may isa akong kilala na magaling sa gadgets.  Sigurado akong mabilis niyang ma-a-access ang loob ng Walton Gates.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD