CHAPTER NINE

2341 Words
~DEATH SLAYER'S POINT OF VIEW~ Siya na naman ang nagwagi. Natalo na naman ako ng babae. Mahigpit kong hinawakan ang samurai na nakasabit sa uniporme ko. Kailangang mawala na siya daraanan ko. "The 8 year old baby boy is plotting a trap against the Master." Nagmura ako ng malakas. Yung mura talaga. Bakit ba kasi kailangan pa niyang umepal? "Utol p*ki naman ng mama mo! Epal ka talaga, ano?" Itinusok sa mesa ang hawak-hawak kong Katana "Oh, chill! Wala naman akong gagawin! Eto naman, oh?" "Eh ba't ka ba pumunta ritong hayop ka?" Napairap ito sa hangin sabay upo sa harap ko. "Eh kasi... May ipinag-uutos si Master sa atin." "Sa atin? Sa atin lang?" "Oo sa atin lang talaga. Pinapapapunta niya tayo sa opisina niya." Opisina... May opisina na pala siya. Kay bata-bata pa niya tapos halos makahilera na niya ang mga Seniors? Ano bang pinakain niya sa mga 'yon at nauto niya? "Oh, ayan ka na naman! Galit-galit ka na naman kay Master , e alam mo naman na hindi ka kahit kailan uubra dun." Tinapik niya ako at hinatak hatak palabas sa auditorium. Nilakad namin ang kahabaan ng hallway hanggang sa mapadpad na kami sa madilim na daanan. Doon na ako dinapuan ng kaba kasi patungo ito sa restricted area. Tanging mga Masters lang at Seniors amg may karapatang pumunta rito. "Bakit parang iba na 'to? Saan ba tayo pupunta?" Binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Para rin mabawasan na ang aking kaba. May ipinakita siya sa aking libro na nanggaling pa sa ilalim ng aparador. Binasa ko ang nakasulat sa unang pahina nito. "May bago na naman siyang pinublish na libro. Kalat na ito sa Dikarsa, Endrilla, at maging sa Medivall." Anito sabay buklat sa gitnang pahina Natawa ako. "Sold out ba?" "Yep! Oo naman!" "HAHAHA! Ka-proud talaga. Nakakatuwa pa rin kahit nakakulong," Dadalhin ko na sana ang libro nang pigilan niya ako "Hindi ka pwedeng makita ng mga taga-rito na may hawak na ganyang librong galing sa labas lalo na't galing pa iyan sa kanya," Mabilis niyang binawi ang hawak ko at ibinalik sa pinagkuhaan niya. Naalala ko. Oo nga pala. Kaaway siya ng nga taga-rito at hinding-hindi kailanman matatanggap sa lugar na ito. Nakakaawa nga dahil wala naman siyang ginawang masama pero nakulong siya. Napakasama talaga ng mga alagad ng batas. Basta lang makapanghusga kahit wala namang sapat na ebidensya. "Kayong dalawa," Halos mapatalon kami sa gulat nang makita ang Master namin na bida-bida na nakatayo sa aming harapan. "Master," Sabay kaming nagbow sa kanya at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Sumama kayo sa akin. May ipag-uutos ako," Nauna na siyang maglakad patungo sa opisina niya. Pagdating doon, may kinuha siyang envelope at inilagay sa harapan namin, "Kilala niyo ba siya?" "Si s*******r X po ng Grey Hatters," Tugon ni Jared. "Gusto kong hanapin niyo siya at dalhin sa akin ng buhay," Wala na siyang ibang sinabi at pinaalis na kami Napailing-iling ako sa sobrang taas ng tingin sa sarili niya. Kung makapag-utos siya akala mo siya na ang anak ng Sorceress.  Nakakagalit. Naturingan lang na pinuno ng Corion nanging ganyan na? "H'wag mo na lang siyang pansinin." "Bida-bida kasi, e" "Ganun talaga, kaya siya nagbibida-bidahan, kasi walang pumapansin sa kanya. Kaya niya nga pinilit na makuha ang posisyon na iyon para kapag naging pinuno natin siya, e titingalain na natin siya,"  Mas binilisan namin ang paglalakad para mabilis kaming makarating sa Grey Hatters Department. Pagdating namin doon, sandamakmak na guardia kaagad ang sumalubong sa amin. Lahat sila ay may hawak na b***l at ang iba naman na nasa loob ng glass, may nakasabit na laptop sa mga suot nila. Hinarang kami ng apat sa kanila. "Saan kayo galing, sino kayo, at bakit kayo nandito?" Sunud-sunod na tanong nung lalaking may number plate na 0374930. "Ako si Death Slayer at siya naman si Jared, galing kami sa Corion at nandito kami para hanapin si s*******r X" Natigilan siya ng panandalian. Tumingin sa relo sabay titig muli sa amin. "Hindi pwede. Bumalik na kayo sa lungga ninyo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Papasukin niyo na kami. Wala kaming gagawing masama. Ang kailangan lang namin ay makausap si s*******r X." "Hindi nga pwede. H'wag na kayong makulit." Hinigpitan nung lalaki ang hawak niya sa kanyang b***l na animo'y nanakot. Napayuko kaming dalawa ni Jared at nagsenyasan ng palihim. Lulugu-lugo kaming tumalikod bago naglakad palayo sa kanila. "Ngayon na?" Tanong niya noong makalayo-layo na kami sa grupo ng mga guwardyang kawawa. "Oo." Palihim naming tinungo ang unang poste na nasa tapat ng gate ng Department. Nagtago kami sa likod sabay hawak ng mahigpit sa mga nakasabit naming Samurai. Hinintay muna naming tumalikod ang dalawa sa kanila bago kami lumabas sa pinagtataguan. Sabay naming hiniwa ang likod nila dahilan para bumagsak sila sa lupa. Isa-isa nilang dinukot ang mga b***l sabay tutok sa amin pero mabilis kaming nakailag at hiniwa ang mga binti nila upang mawalan sila ng balanse. 3 sa akin at 4 sa kanya. At para matapos na ang laban, sabay-sabay namin silang ginilitan ng leeg. Kinuha ko rin ang b***l nung isa bago pinaputukan ang nagmamanage ng CCTV camera sa loob at labas ng Department. Puno ng dugo ang aming katawan  nang pasukin ang main gates nito.  Sa unang tingin, mapagkakamalan talaga na lara kaming nasa ibang uniberso dahil sa ganda ng lugar, at lalo na ang mga makabagong device na nakasabit at nakadikit sa iba't ibang corner nito. May mga teachers kaming nakakasalubong na gulat na gulat sa tuwing nakikita kami. May ibang namumutla at may iba namang kusang umiiwas. "Takot salot pala kayo, e. Haha." Bulong ko pero pinatahimik kaagad ako ni Jared. "Computer pros sila kaya talagang matatakot silang kalabanin tayo. Pero once na kalabanin sila, matinding kaparusahan ang matatanggap natin. Magaling silang manghack ng kung anu-ano kaya hindi malabong masiraan nila tayo sa mga Senior ng Corion. Kaya pwede ba, tumahik ka na lang jan." Psh. Ayan na naman si Epal man. Binuklat namin ang mapa ng buong department at hinanap ang lungga ni s*******r X. Nasa 4th floor ang dorm niya. Mas pinili niya roon sapagkat mas  marami siyang access sa mga antennas at signals ng school. Nasa harapan na kami ng pintuan ng unit niya. Pinindot ko ang doorbell at hinintay na may sumagot. Mga tatlong minuto na kaming nakatayo pero wala pa ring lumalabas na tao. "Baka walang tao." "Meron 'yan." "Paano kung wala?" "Paano kung meron?" "Paano kung pareho?" Naagaw ang aming atensyon ng lalaking may sukbit na laptop. Nakasalamin ito at may earpiece na suot. Matangkad ito, payat ang pangangatawan, at sobrang putla ng kulay ng balat. Natutulog pa kaya ito? "8 hours of sleep. Sakto. Bakit?" Nabasa niya ang nasa isip ko. "I'm not telepathic.  Sadyang mabilis kayong basahin." Nilinis ko muna ang lalamunan ko bago tumayo ng diretso. Isinuksok ko ulit ang hawak kong Samurai para mas pormal ang aming pag-uusap. Saka mukhang hindi rin naman siya dinadapuan ng takot. "Kailangan ka namin. Sumama ka sa amin," Diniretso ko na siya para tipid sa oras. "At bakit?" Gaya ng inaasahan, ganoon nga ang sinabi niya. Pero kahit alam ko na ang sasabihin niya, hindi pa rin ako nakapaghanda ng isasagot ko. "Gusto kang makita ni Master." Dumako ang kanyang tingin sa mga suot naming badge. "Corion. You're from the other department? Huh, I don't care if your wholesome master or what sent you." Englishero ampotek! "Alam mo, Mr. English, pwede ka naman naming madala sa pakiusapan pero kung hindi—" "Hindi," Pagputol niya sa sinasabi ko. "Eh namumuro na sa'kin 'to—" Pasimpleng hinawakan ni Jared ang kaliwa kong braso upang pigilan. "Shht. Wala tayo sa teritoryo natin." "I'll wave you goodbye, then," Isasara na sana niya ang pintuan nang iharang ko ang aking kamay. "No. Hindi pwede. Kailangan mong sumama sa amin sa ayaw at sa gusto mo." Kinuha ko ang dulo ng Samurai saka ipinukpok sa kanyang ulo dahilan para mawalan siya ng malay. Sinenyasan ko si Jared na tulungan akong buhatin siya na agad naman niyang ginawa. Doon kami dumaan sa shortcut na nakita namin sa mapa na hawak nitong makulit na ito para naman hindi na maghinala pa ang mga tao. Paglabas namin sa department, agad namin siyang dinala sa opisina ni Master-masteran. Kumatok kami ng tatlong beses bago kami pagbuksan. "Good job," Walang emosyon niyang sinabi. Pinabuhat niya ang biktima sa kanyang hospital bed at nilagyan ng kung anu-anong mga dextrose at wires.  "Ano po bang gagawin niyo sa kanya, master?" Si Jared "May ipapagawa ako sa kanya." "Pero hindi naman siya kasapi ng Corion kaya hindi mo siya pwedeng utus-utus---" "Eh ano naman?" Napabaling ang kanyang paningin sa akin. "nandito na siya sa teritoryo ko kaya ako na ang pagsisilbihan niya simula ngayon." Psh. Para namang hindi siya tatakas. "Sige. Maaari niyo na akong iwan." Nauna nang lumabas si Jared pagkatapos ako. Doon na muna kami dumiretso sa cafeteria. Hindi naman hiwalay ang cafeteria dahil para ito sa lahat. Nasa main building kasi ito kaya kahit sino maaaring makapasok. Hindi na kailangan ng sandamakmak na guards. "Do you want me to train you?" Napalingon kaming dalawa sa isang matandang may hawak na Samurai. "Good afternoon po lolo," Sabay naming bati "Ako nga pala si Master Haidi. Ako ang dating tagapangasiwa ng Corion. " Aniya at inaya kaming lumabas sa cafeteria. Sumunod naman kami sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa Stadium. Ipinapwesto niya kami sa gitna at siya naman sa aming harapan. "Kapag sinabi kong eka, i-a-abante ninyo ang inyong kanang paa kasabay ng inyong kamay. Dui, iiikot ninyo ang kamay upang mapailalim ang talim. Tina, balik lamang sa dating posisyon, at cara, para ring sa una ngunit isasama niyo na ang kaliwang paa sa pag-abante." "Bakit niyo kami tinuturuan?" Ibinalik ko muna sa lagayan ang aking Samurai. "Sapagkat nais kong palakasin kayo," Naglakad ito palapit sa amin. "Nais ninyong lumakas, hindi ba? Para matalo ninyo ang naghahari-harian sa Corion?" Natigil ako. Tama. Tama siya. Pero paano niya nalaman ang tungkol doon? "Kitang-kita ko sa mga mata ninyo ang galit kay Jackie," Yumuko ito upang maging lebel ang aming mukha, "Siya na ang bago ninyong pinuno, tama?" Bahagya akong tumango. "Opo. Hindi ko nga alam kung paano siya naging pinuno." "Dahil kakampi niya si Master Yula. Malapit sila sa isa't isa kaya hindi malayong makuha niya ang posisyon." Si Master Yula, ang Head Senior ng Dikarsa. Talagang makukuha niya ang gusto niya kapag siya ang kaibigan niya. "Magsimula na tayo." Bumalik na kami sa aming pwesto at sinimulan na ang pagsasanay. "Eka!" Inabante ko ang kanang paa kasabay ng kanang kamay. Hinintay ko na magsalita siya ngunit hindi na. Hindi ko alam kung kailan niya sasabihin ang salitang 'Dui'. Makalipas ang limang minuto, tagaktak na ang pawis ko pero hindi pa rin talaga siya nagsasalita— "Dui." Ano? Kada-limang minuto siya magsasalita? Edi nakakangawit 'yon. Limang minuto.... "Tina." Sa Tina, okay lang kasi balik lang naman sa dati ang pwesto pero talagang malalagot itong katawan ko pagdating ng— "Cara." WHHHOOOOOOO! Todo na ang panginginig nitong tuhod ko pero hindi pa rin natatapos ang limang minuto. Ito na siguro ang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko. ~THUD!~ Nagawi ang paningin ko kay Jared na lumagapak na sa lupa. "Sorry Master. Hindi na kinaya ng binti ko." Itinaas niya ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko at pinilit na tumayo. "Sa umpisa lamang 'yan. Masasanay din kayo," Iniangat niya ang kamay upang tingnan ang oras. "Bukas ulit. Ganitong oras din." Nauna na siyang lumabas. Naiwan muna kami rito upang makapagpahinga. Pero hidni pa nga kami nakakatagal, bigla nang nagring ang bell hudyat na kailangan na naming bumalik sa classroom. "Good day, Knights!  Ngayon ang araw ng pamimili niyo ng weapons. Pero hindi gaya sa ibang mga departamento,  isa lamang ang weapon na pipiliin niyo," Naglakad si Madame palabas sa classroom. "Paalala, piliin lamang kung ano ang kailangan." "Habambuhay niyo nang dadalhin ang napili ninyong panlaban kaya pag-isipan." Sumunod na kami sa kanya patungo sa Weapon Room na nasa main building. Pagpasok, bumungad kaagad sa amin ang iba't ibang ranged weapons. Hindi na kami pinapila para mas mabilis ang pagpili ng gagamiting sandata. Una kong kinuha ang bolas. Isa itong mahabang lubid na may tatlong mabibigat na bola sa dulo. Sa pagkakaalam ko, ginagamit ito upang makahuli ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpapapulupot nito sa kanilang mga paa. Sunod ay ang Boomerang na kapag hinagos, tatama ito sa ulo o kaya naman sa katawan ng kalaban. Paramg Shuriken. Pana naman ang kasunod kaso nga lang ang gusto ko sana ay yung magagamit ko ang dalawa kong kamay sa dalawa kong sandata. Ang flamethrower naman ang sunod na nakaagaw sa aking atensyon. Isang pindot ko lang sa trigger, sasabog na ang napakalakas na apoy at may specific na direction lang talaga iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis na dinampot ang flamethrower. Iniabot ko iyon iniabot sa tagapangasiwa na mabilis naman niyang tinatakan ng aking pangalan. Natutuwa ako dahil may panibago na naman akong pag-aaralan— BANG! "AAAAAAAAAAHHHHHH!" Mabilis na napuno ang Weapon Room ng mga sigawan dahil sa isang malakas na pagsabog. Agad kaming tumakbo ni Jared at kasabay namin si Jackie patungo sa Wide Plaza kung saan nagaganap palagi ang mga sakuna. Pagdating namin doon, usang bugkos ng tao ang aming nadtnan. "Sino na naman kaya 'yan?" Dinig kong bulong nung babaeng may nameplate na Hamida. "Isa siya sa mga faculty members," Sagot naman nung lalaking may pangalang Haji. Magkahawak sila ng kamay at nasa likod naman ang babaeng kaibigan ata nila. May kwintas itong gawa sa kadena at may holster na suot. "Wait, tingnan niyo. May symbol na naman ng agila sa bandang leeg niya. Kapareha ng mga natagpuan dito," Kinuha niya ang papel ni Hamida at sinulat doon ang nakita niya. "Si Eagle-eyed na naman ang may kagagawan. Apat na ang napapatay niya. Kailangan na natin siyang mapigilan." Pasimple akong tumawa sa narinig. Mga hibang! Hinding-hindi niyo siya mahuhuli lalo na't malalakas at matitibay ang proteksyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD