~Catalina's Point of View~
"Please... Stop... Please.... Ayoko na... Ayoko na please... Hindi ko sinasadya.... Hindi... HINDI!"
"ZELOFINA!" Isang napakalakas na sampal ang gumising sa akin.
"Hamida..."
"Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi naman kita kinulam, ah." Tumayo siya at kumuha ng tubig. "Uminom ka. Walang lason 'yan."
Agad kong nilagok ang tubig at ipinatong sa lamesa. "Paano ako napunta rito?"
"Bigla ka na lang nawalan ng malay. Basta hinahanap ka namin tapos nakita ka namin na nakabulagta sa gitna ng Wide Plaza." Mahabang sagot ni Hamida
"Akala nga namin patay ka na kasi sa Wode Plaza na naman, eh." Si Haji.
Hinanap ko si SX pero wala pa siya.
"Nasa clinic siya. Gusto mo makita?"
Sumama ako sa kanila at nagpunta sa clinic. Nakita ko nga siya na natutulog sa isa sa mga kama. Mahimbing pa ang tulog kaya hindi na muna namin siya ginambala. Pero mas pinili kong dito muna mag-stay kasi mas malamig dito kumpara sa kwarto ko.
"Isang week muna raw walang pasok kasi inaayos pa yung mga nasira jung outsiders." Kumuha si Hamida ng isang magazine na naka-display sa shelf at binasa.
"Bakit ba kasi nagpunta rito yung mga taga-Endrilla?" Tanong ko sa kanila
"Kasi nga malaki ang galit nung Walton League sa pamilya ni Ma'am Yula kaya sila nanggugulo." Sagot naman ni Haji
Nagtimpla na lang ako ng milk at uminom. Gabi na pala. Akala ko isang araw akong nakatulog pero three hours lang pala.
"Pero nakakapagtaka lang, noh? Kasi matagal ding hindi nagparamdam yung Mafia group na iyon tapos after one decade, ngayon lang ulit sila magpapakita." Nandidiri man pero pinahigop ko na rin si Hamida ng milk ko.
"Ten years? Bakit? Ilang taon na ba kayo rito?"
"Seven years old na ako tapos si Haji, 6 na tapos si s*******r eh 7 na rin. Napunta kami rito ng sabay-sabay nung may isang puting van ang kumidnap sa amin galing school."
Kidnap?
"Gusto mo story telling? Madaldal 'tong si Hamida. Hinding-hindi 'yan nauubusan ng kwento." Talagang nagprisinta pa 'to, ah.
Nilingon ko naman siya na nakangiti na sa akin ngayon. Mukhang gisto na talaga niyang magkwento kaya tumango na lang ako.
"Ganito kasi yan. Two years ago, 5 years old ako. Ilan taon ka na ba?"
"Four na ako."
"Okay. Five ako nun. Magkakasama kaming tatlo sa school kasi classmates kami tapos yung parents pa namin is close din sa isa't isa. Tapos ayun na nga isang araw, pagkauwi ko sa bahay, wala na yung parents ko. Hindi na sila umuwi....." Napansin ko ang panginginig sa boses niya kaya inalu-alo ko siya.
"Pagkabukas ko ng tv, nakita ko sa headlines yung parents ko, patay na. Pinatay sila, inambush daw."
Ganun din ang nangyari sa family ko. Kaso nga lang, ang pinagkaiba, nandun alo nung time na binaril sila.
"Ganun din naman pala yung nangyari sa parents nung dalawa. So, isang week kaming hindi nakapasok kasi nga sobrang lungkot namin tapos malas pa nga dahil nung time na pumasok iami, yun din naman pala yung araw na ki-kidnap-in kami." Pagpapatuloy niya. "Then, pinatulog muna kamintapos paggising namin nandito na kami. Isang araw kaming naghanapan kasi nga masyado itong malaki. Akala nga namin hindi na namin makikita yung daan pabalik sa mga kwarto namin. Tapos ayun, inalagaan nila kami rito. Akala namin nung una, masasama sila kasi kailangan pa talaga nila kaming kidnap-in para lang mapunta rito, pero mali kami kasi hindi naman nila kami sinasaktan. Ang gusto lang nila ay maging magaling kami sa mga napili naming professions at iyon ay ang mga nabunot naming papel nung first day of assignment day."
"Voodoo ang nakuha niya. Ang kailangan niya lang gawin, kulamin ang mga dapat kulamin." Pagsingit naman ni Haji.
"Yeah, I'm a wicked witch in a modern way."
Wicked.
"Ako naman, sa potions. Ako yung gumagawa ng lason tapos sakit sa mga taong masasama tapos ayun, gagawin ko na ang nasa plano." Dagdag niya
"Pagdating naman kay s*******r X, siya naman ang in-charge sa mga computers. Isa siyang black hat hacker pero ang mga binibiktima niya ay yung mga masasamang tao rin."
"Ang sabi ni Teacher Adanya nung una kaming napunta rito, isa itong academy for villains. Akala ko nga na gagawin kaming masama pero hindi pala. Ang sabi niya, we are villains in the eyes of villains." Nang matapos na si Hamoda sa binabasa niya, agad naman niya itong pinalitan ng isang pocket book.
Habang nag-uusap-usap kami, nagising naman sa wakas si SX. Tiningnan niya kami isa-isa bago hanapin ang paboritong device niya. Ibinigay ko sa kanya ang device niya at agad naman niya itong kinuha. Binuksan niya ito at kinabit ulit ang earpiece bago nagsimulang mag-type.
"Good evening." Bati ni Hamida na natatawa pa.
"Ang gandang bungad naman sa amin niyan." Natawa na lang ako sa sinabi ni Haji.
"Kailangan ko na talaga kasing gawin yung body cams tsaka audio. Ginagawa ko lang yung attachment ng wires dito bago ko ilipat sa mas malaking machine."
"Ikaw, sa Sarkasa ka which means kailangan mong gawin ang mga ginagawa ng mga taong nasa circus." Nakisali na rin si SX
"Labas na tayo rito. Magtambay muna tayo sa kwarto ni Slatorino." Tumayo na si Haji at inaya kaming tatlo na sumama sa kanya
Kahit pa hindi kami pinapalabas, tumakas naman kami para makapunta na sa kwarto ni 'Slatorino', baka kasi mas humina siya kapag hindi niya nakita ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Baka hindi pa magawa yung body cams.
"Ito yung imsinasabi kong machine. Nandito lahat ng wores at mga kailangan para magawa ang Body cams." Tinuro niya ang isa pang malaking machine. "Iyon naman yung kailangan para magawa ang audio natin. I mean—secret audio."
Umupo kaming dalawa ni Hamida sa sofa habang si Haji naman, naggala-gala sa loob. Pinanood naman namin si Slatorino kung paano niya gawin ang apat na body cams.
"Simula pa nung bata 'yan, techy na 'yan. As in nauna pa niyang makita ang gadgets kaysa sa family niya." Bulong ni Hamida.
"Sino namang nagpakita niyan sa kanya?"
"Basta kapag kapanganak daw niya, iyon agad ang una niyang nakita." Tugon niya
Tumango na lang ulit ako at nagtungo na sa kinauupuan ni Slatorino para makita kung paano niya iyon ginagawa.
"Impressed." Dinig kong bulong ni Haji.
Tiningnan kong mabuti ang ginagawa ni SX dahil gusto ko ring matuto kung paano maging techy. Nakakatuka kaya saka mukhang astig.
"Anong arae na ba ngayon?" Tanong ko sa kanila
"Saturday na." Binuksan ni Haji ang ref bago kumuha ng egg pie
Eh kaya naman pala walang pasok.
"Ang boring naman pala dito sa loob." Reklamo pa ni Hamida. "Labas tayo. Tara Zelofina, labas tayo."
"Sige. Tara." Sumama ako sa kanya sa labas at nag-ikot-ikot sa labas. Wala namang curfew tsaka 6:30 pa lang naman.
"Saan tayo?"
"Kuha na lang tayo ng mga drinks at chips sa vending machine."
Nagdire-diretso kami ng lakad at pumiko sa 2nd hallway sa kanan bago narating ang vending machine na sinasabi niya.
"Really? Vending Machine ba talaga 'to?"
"Yes. Walk-in vending machine."
Binuksan niya ang glass door gamit ang key card niya na nasa bulsabat inaya na akong pumasok sa loob. Napakalamig dito na halos maikukumpara na ito sa loob ng ref. Hindi ko pa naman nadala ang jacket ko.
"Pili na." Kumuha si Hamida ng dalawang Pop Cola at isang Piattos samantalang isang Nova naman at Sarsi sa akin.
"Dalawa yang iinumin mo?"
"Hindi, noh. Kay Haji yung isa. Pareho kasi kami ng favorite. Ikaw, kuha ka rin ng para kay Slatorino." Tinuro niya ang pinagkuhaan ko ng Sarsi.
Sinunod ko na lang siya at umupo muna sa isang fuzzy-fluffy bench na nandoon sa tabi. Buti nga may ganito, eh.
"Oh, tara na. " aya niya pero hindi muna ako tumayo.
"Malamig dito. Mamaya na tayo lumabas." Tinapik ko ang tabi ko para maupo na rin siya. Alam ko rin kasing naiinitan siya kaya mas mabuti pang tumambay muna kami rito.
"Hay naku," wala rin naman siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ko dahil hinding-hindi rin naman ako aalis dito.
Sandali kaming nabingi sa sobrang tahimik bago siya nagsalita. "Nga pala, ang astig mo dun, ah."
"Saan?"
"Doon sa Wide Plaza. Nakita ko 'yun." Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. "Buti nga sa braso mo lang tinamaan yung outsider, eh dahil kung hindi baka may napatay ka na."
Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala ang nangyari sa Wide Plaza kung saan ko pinagtanggol si Slatorino laban doon sa outsider. Natahimik tuloy ako bigla. Hindi pa rin talaga kasi ako makapaniwala na nagamit ko ang b***l ko sa ibang tao. Sobrang bata ko pa para matutong gumamit noon pero nagawa ko. Buti na lang talaga at hindi ako nakapatay dahil sigurado akong magagalit sa akin si mommy.
"Alam mo, okay lang yun. Sabi ni Teacher Adanya nung teacher ko pa siya, okay lang daw makapatay, basta masama yung pinapatay." Proud na proud pa siya sa sinasabi niya.
"Pero bawal nga ang death penalty tapos pwedeng pumatay?" Binuksan ko na ang Sarsi at nagsimula na itong inumin.
"Eh basta self defense tsaka walang bawal bawal dito. Basta kung kapatay-patay naman 'daw' ang tao, edi patayin mo na. Wala nang paliguy-ligoy pa."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Okay.
"Yung mga bullies din. Isa pa yung mga iyon. Nambubully sila 'di ba? Edi patayin mo kapag may pag-asa ka. Kasi kung hindi mo sila papatayin, edi magpapatuloy lang sila sa ganun nilang gawain. Mas marami pang madadamay. At least kung yung mga bullies lang edi unti lang. Iyan pa ang sabi sa akin ni Teacher Adanya." Nang maubos na niya ang iniinom, ang chips naman niya ang pinagdiskitahan niya.
"Ibig sabihin, pwede na pala ako pumatay."
Nilingon niya ako. "Bakit? Marami bang nam-bu-bully sa'yo?"
Tumango ako. "Sobrang dami. Nung nasa pre-school ako hanggang grade 1, pati nga grade 2, eh sobrang dami talagang bullies."
"Weh, kwento mo nga,"
~Flashback Saturday~
"Kawawa ka naman...." sobrang hapdi ng skin ko nang maramdamang tinapon ni Ashley sa akin ang hawak niyang noodles.
"Dapat kasi hindi ka lumalaban sa amin kasi hindi mo kami kaya!" Si Che naman ang nagbuhos sa akin ng hawak niyang soda.
Palagi na lang silang ganyan. Simula noong dumating ako rito, mas naging active na sila pam-bu-bully. Hindi ba nila alam na pwede ko silang kawawain kapag nainis ako?
"Che, Ashley? What are you doing?" Nagpasalamat ako kay Teacher Mae dahil sa pagtatanggol niya na naman sa akin.
Lahat ng magkakaklase sa amin, magkakakampi pero ako kakampi ako ang mga teachers pati na rin ang Principal kasi super cute lo daw at talented kaya hinding-hindi sila naiinis sa akin. Kaya nga nila ako pinagkakaisahan kasi naiinis sila akin. They hate smart people.
Binigyan ako ni Teacher Mae ng pamalit pagkatapos, sinamahan niya ang dalawa sa office. Ayoko sanang dinadala sila sa office dahil mas lalo lang lumalala ang mga ugali nila—
"OUCH!" Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa lakas ng pagtama ng upuan sa akin. Nilingon ko si Dong na siyang nagpalo ng upuan sa akin.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! KAWAWA!"
"NAG-D-DAY DREAMING KASI!"
"KAWAWA NAMAN SI SARIWAWA!"
Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tawanan at palakpakan ng mga estudyante rito. Ang lalakas talaga nilang mantrip ng mga walang kalaban-labang tao... except me siyempre.
Naiinis na ako. Hindi ako pwedeng magalit. Kailangan kong pigilan ang sarili ko—
"ARAY!" Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman naman ang isang walang lamang bag na hinahampas sa ulo ko.
Bakit ba tinotolerate ng school na ito ang mga ugali ng mga batang 'to?
Huminga ako ng malalim bago pasinpleng tinongnan ang mga pangalan nila sa ID. Wala man akong masamang gagawin pero mas mabuti nang alam ko ang mga pangalan ng isusumbong ko kay mommy.
"LOSER!" Tinapunan nila ako ng chocolate drink for the last time bago lumabas ng canteen.
Tiningnan ko ang kahera na pinapanood lang ako. Hindi niya kasi pwedeng kalabanin ang mga estudyanteng iyon dahil malalagot siya sa mga magulang nila. Pero kung ako ang tatanungin, talaga namang—
"Ang lamig na dito. Labas na tayo." Nahimasmasan ako sa boses ni Hamida.
Malamig na nga talaga.
"Tara na." Nauna na akong tumayo at kinuha ang snacks ko bago lumabas.
Naglalakad kami sa kalagitnaan ng hallway nang biglang mamatay ang ilaw. Napakadilim na talaga ng paligid kung pati ang dim light sa gitna ay namatay pa. Dahan-dahan lang kaming naglakad para makasiguro sa tinatapakan. Sobrang tahimik ng paligid pero bigla kaming nabulabog noong may narinig kaming kaluskos.
"Sino yan?" Nanginginig ang boses ni Hamida.
Muli kaming nakarinig ng kaluskos kaya agad kaming lumingon sa likod. Naghawak kami ng kamay at mas naglapit pa para mas mabawasan ang takot namin. Sino na naman kaya ang may pakana nito?
"Psst."
"Sino 'yan?"
"Psst."
"S—SINO NGA 'YAN!"
"Psst."
"Sin—"
"Give me your key card." Isang malamig pero maliit na boses ang narinig namin mula sa likuran.
Nilingon ko ang batang natatakpan ang mukha at may hawak na isang matulis na bagay. Nanginginig naman ang kamay ni Hamida nang iabot niya sa bata ang key card na kanina lang niya ginamit para mabuksan ang vending machine. Tumakbo naman ang bata noong makuha na niya ang key card. Pero pagkalihis niya sa dinadaanan, doon ko nakita ang nameplate niya.
Jackie? 'Di ba siya yung babae sa room kung saan nakatali ang isang batang kawawa sa ibabaw ng lamesa? Eh ano na naman kayang trip niya at kinuha pa ang key card ni Hamida?
End of Chapter 6