CHAPTER FIVE

2182 Words
~Catalina's Point of View~ "Kung totoo ngang blood stain iyon, eh saan naman manggagaling iyon?" Sunod na tanong sa akin ni Hamida noong sabihin ko sa kanya ang tungkol doon sa blood stain. "'Wag mong sabihin na may menstruation siya dahil lalaki siya." Natatawa namang wika ni s*******r X "Well, 'di ba natagpuang patay si Teacher Adanya kahapon? Edi baka siya ang may gawa." Tugon ko Umiling silang dalawa. "Nope. Kung siya ang may gawa nun kay Teacher Adanya, bakit siya nagtuturo the time na nakarinig tayo ng pagsabog?" Si Hamida "What if ginawa na niya ang pagpatay bago pa man tayo pumasok sa class niya at inilagay na kaagad sa wide plaza nang walang nakakakita?" Pagpapaliwanag ko. "Basag ang bungo ni Teacher Adanya sa bandang likuran kaya posibleng hinulog siya mula sa mataas na lugar. At kung ganoon man ang totoong nangyari, malabong matalsikan ng dugo ni teacher ang damit ni Dr. Laveyan." Mahabang salaysay si s*******r X Sandali akong natahimik. Tama siya, nasag ang bungo ni Teacher Adanya at patay na rin siya noong time na nagtuturo siya. "Saka mainit pa ang dugo at fresh pa ang katawan niya kaya malabo talagang si Dr. Laveyan ang suspect sa pagpatay sa kanya." Dagdag pa ni Hamida "Paano mo nalaman na fresh pa ang dugo ni Teacher Adanya?" Nilingon ko si Hamida na diretso lang na nakatingin sa kawalan. "Because of this." Ipinakita niya ang Barbie doll na hawak niya kahapon. "Alam kong nakikita mo kong may mga binubulong at iyon ay para ma-feel ko ang dugo niya. Hindi mo ba napansin ang mga dugo na umaagos mula sa Barbie?" Nangunot ang noo ko sa narinig. How come na lumalabas sa Barbie ang dugo ni Teacher Adanya, eh malayung-malayo nga iyon? Posible kayang seryoso ang sinasabi nilang voodoo? Ano kaya siya, witch o wicked witch? "Napakabait pa man din niya. Naaalala ko sa kanya si mommy, eh. Tsaka simula pa nung napunta ako rito, malapit na agad ako sa kanya." Tugon ni Hamida habang nakapangalumbaba pa. "Hayaan mo, we'll find justice for her." Sabi ni s*******r X. "I-che-check ko lahat ng CCTV cameras sa buong academy para malaman kung sino ang huling kasama ni Teacher Adanya bago siya mamatay." "Talagang confident kayo sa deductions niyo, huh? Hindi niyo man lang ba inisip na nagpakamatay siya?" Nag-angat kami ng tingin sa nagsalita. Isa siyang maliit na lalaki na may nameplate na HAJI. "Kanina ka pa ba?" Tanong sa kaniya ni Hamida. "Of course, kaya ko nga narinig ang usapan niyo, eh." Mayabang ang pormahan niya't isnabero ang datingan. Nakataas din ang buhok niya na para bang ginlue imbes na i-gel. Lumapit ito sa amin ay naglahad ng kamay. "I'm Haji, from Damana Class." Sa una, medyo naiilang pa kami dahil nga sa impression namin sa kanya pero hindi rin nagtagal eh nakipagkamay din kami sa kanya. Tumabi ito kay s*******r X at saka ipinatong ang dalawang kamay. "Suicide. Iyon ang nakikita kong dahilan ng pagkamatay niya. Pansin naman natin sa kanya ang depression hindi ba? Nagsimula iyon nung mga last three months pa." Panimula niya. "And what about that?" Wala kayang nickname si s*******r X? "Alam natin na longtime boyfriend na niya si Dr. Laveyan at pinaghiwalay lang sila nung nalaman ni Ma'am Yula ang tungkol sa relasyon nila." Aniya Dr. Laveyan? Si Dr. Laveyan ang ex-boyfriend ni Teacher Adanya? Akala ko gay siya. Yung kilos kasi niya pang-gay. "Imposible na patayin niya si Teacher Adanya dahil siya ang ex-girlfriend niya pero posible na sinabotage siya para siya ang mapagbintangan sa crime." Paliwanag pa niya. "Ang mga lead suspects lang natin is yung mga tutol sa kanila at ang iba pang kaaway nila simula pa nung una." "So, paano natin malalaman kung sino ang mga suspects?" Diretso lang si s*******r X na nakatingin sa device niya. "Dapat nating malaman ang motives ng bawat teacher maging si Ma'am Yula. In short, kailangan natin silang i-stalk." "I love that!" Biglang sigaw ng katabi niya. Pero hindi pa nga kami matagal na nakakapag-usap, nabulabog na naman ang lahat dahil sa malakas na putok ng b***l. Dali-dali naming hinanap kung saan nanggaling iyon at doon na naman ako kinabahan nang makita ang grupo ng mga taong nagkukumpulan sa Wide Plaza. Hindi rin nagtagal at nalaman namin na si Teacher Dulce ang nabaril. Pero ang pinagtataka ko lang, hawak niya ang b***l. "Suicide?" Paninigurado ni Hamida pero wala ni isa man sa amin ang sumagot. "We need to put a secret camera in this place." Sambit ni s*******r X "Ikaw nang bahala," Aniko at tumakbo na palayo nang marinig ang bell. Imbes na sa canteen eh sa isang abandonadong room kami nag-ipon-ipon. "Ano na? Kahapon si Teacher Adanya tapos ngayon si Teacher Leanne naman?" Anang Haji "Pero may napansin kayo? Ganitong oras din tayo nakarinig ng malakas na tunog at sa Wide Plaza nakita ang bangkay." Wika ko. Nakita kong kinuha ni SX ang kanyang device. SX na lang kasi masyadong mahaba ang pangalan niya. May tinype siya roon at ipinakita sa amin. Ang copy sa room ni Ma'am Yula. Kausap ulit niya ang lalaki kahapon at kitang-kita na galit na galit ito. Para marinig namin ang sinasabi niya, inalis ni SX ang wire na nakakabit dito. "Ang t*nga-t*nga mo! Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko-" Hindi na naituloy pa ni Ma'am Yula ang sasabihin dahil sumingit agad ang lalaki. "Master Yula, can we just talk about it silently?" Sa puntong uyon, kinabahan ulit ako. What if alam niya na may nakikinig sa usapan nila kaya pinapahinaan niya ang pag-uusap nila? Kung ganun, paano naman niya nalaman na may nakikinig sa kanila? Wait. Nakita na naman kaya niya kaming pumasok sa room? May isinulat siya sa isang papel at ipinakita ito sa kausap. Nang makita naman ito ni Ma'am Yula, agad siyang napatingin sa CCTV at saka may itinype sa keyboard bago mawalan ng signal ang kopya. "Patay tayo niyan. Paano na tayo ngayon?" Nasapo ni SX ang noo dahil sa nangyari. "What if maglagay tayo ng body cams sa mga uniforms natin para masakop lahat nito ang ginagawa natin." Agresibo kong wika "At maglagay din tayo ng camera sa Wide Plaza." Si Hamida. "Tapos maglalagay din tayo ng secret audio sa office ni Ma'am Yula para marinig natin ang usapan nila ni Mr. Givons." Usal naman ni Haji "Mr. Givons? Givons pala ang pangalan niya." Bulong ko sa sarili. "Ako nang bahala sa apat na body cams pati na rin sa audio." Nagtype muli si SX sa device niya. "Asahan niyo sa Monday." "Ako sa sleeping spray." Pagpiprisinta naman ni Haji. Damana means potion in Bangla so tama lang sa kanya ang gagawin niya. "Sigurado akong iniba na nila ang lock ng pintuan kaya kailangan na nating makopya ulit ang bago." Nagsulat si Hamida sa papel niya. "Sa Monday may body cams na tayo, so ako na ang mag-aabang sa kaniya." Pagpiprisinta ko sa sarili. "Tapos dito ulit tayo magkita-kita. I-s-screen capture ko lang ang part ng video kung saan binubuksan ni Ma'am Yula ang doorknob tapos ikaw na Hamida ang bahalang kumopya doon sa susi." Ani SX habang patuloy lang din sa pag-t-type. Maya-maya lang, tumunog na ang bell, tapos na ang break time. Weapons training na naman. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago tinungo ang kani-kaniyang kwarto. Agad kong kinuha ang chains bago isinukbit sa aking leeg at sinuot ang g*n bag. May mga reserba na rin akong magazines para kung sakali mang maubusan ulit eh ready ako. Patakbo kong tinungo ang Big Top at humilera ulit sa mga batang nandoon. Namataan ko si Teacher Del na seryosong nagmamasid sa paligid. Binigyan na rin naman kami ng warning na magsisimula na kaya nagsipuntahan na kami sa mga pwesto namin. "Kumusta ang tainga mo? Wala bang side effects ang tunog ng b***l?" Bungad sa akin ni Teacher Del "Wala naman po. Hindi naman sumakit yung ulo ko 7 hours after kong magfire ng unang beses." Paliwanag ko at tumango na siya. "Ganun pa rin tayo. Kaliwang kamay pa rin ang gagamitin. Pero kung mas maaga mong ma-ma-master ang paggamit edi lilipat na agad tayo sa kanan. Sige, simulan na natin." Wala ngayong bala ang b***l ko kaya pinindot ko kaagad ang magazine release gamit ang thumb ko. Nagsanay ako kagabi kung paano palitan ang magazine ng mabilis kaya 12 na ako nakatulog pero okay lang, mukha namang worth it. Gaya lang ng kahapon ang ginawa namin at laking saya ko nang sabihin niyang nag-improve ako. Matapos noon, stunts training ulit. Minaster muna namin ang cartwheel bago lumipat sa round off. Para rin naman siyang cartwheel kaso nga lang kailangan dalawang paa ang lumanding sa sahig. Nakailang bagsak ako sa sahig dahilan para magtawanan ng paulit-ulit ang lahat. Para namang hindi sila bumabagsak sa sahig kung makatawa. "Okay lang 'yan. Better luck next time. Basta ulit-ulitin niyo lang at ma-ma-master niyo rin." Habang nagtuturo, apat na nakamaskarang lalaki ang pumasok sa loob ng The Big Top at tinutukan kami ng b***l. May mga nanlabang teachers pero hindi rin naman sila umubra at nabaril nila. Nagkaroon ng stampede at kasama na ako roon. Pagkalabas namin, agad kong nakita si Haji na nag-pa-panic na at hindi alam kung saang daan siya tatakbo. Nang makita naman niya ako, mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako sa braso. "Hanapin natin sila." Taranta niyang wika at nagpatuloy sa pagtakbo. Habang nagkakagulo ang lahat, may biglang humawak sa braso ko at paglingon ko, si Hamida pala at may hawak na namang Barbie doll. Sana magamit niya 'yan ngayon. "Si s*******r?!" Hindi ko siya gaanong narinig dahil sa sobrang lakas ng barilan. Umiling na lang ako at nakitakbo na rin. "Magtago tayo!" Hinatak ko silang dalawa palayo sa bugso ng mga tao. "Ano na naman bang nangyayari?" "May outsiders! Hindi sila tagarito!" Pasigaw na sabi ni Hamida. "Baka galing sila sa Endrilla!" Endrilla? 'Di ba nandoon yung pinakamalakas na mafia group? Binilisan na lang namin ang takbo at hinawi-hawi ang mga tao. Ilang beses kaming natalisod at nadapa pero tuloy-tuloy pa rin kami sa pagtakbo. Kailangan naming makaalis dito dahil kung hindi, baka mapatay nila kami at iyon ang pinakaayaw kong mangyari. "TEKA, TEKA! YUNG b***l KO!" Mas lalo akong kinabahan nang mapagtantong hindi ko pala nadala ang b***l ko. Naiwan ko iyon sa classroom tulad ng sa ibang estudyante. "MAGTIWALA NA LANG TAYO SA BARBIE KO!" "BARBIE MO 'YAN, PANSARILI MO LANG 'YAN PERO AKO, NAKALIMUTAN KO ANG WEAPONS KO!" "MAY NATIRA PA AKO RITONG SLEEPING SPRAY!" Nilingon ko si Haji na nilalabas na ang sleeping spray niya. "SAYO NA 'YAN! HINDI IYAN MAGKAKASIYA SA TATLO KUNG SAKALI MANG MAHULI NILA TAYO!" Hinatak ko sila patungo sa isang gilid at tinakpan ng napakalaking tela. "Dito lang kayo." "ZELOFINA!" Pahabol pa ni Hamida pero hindi ko na siya pinakinggan at tumakbo na palayo. Sinalubong ko ang mga tao dahilan para matumba ako at matapaktapakan. Pero kahit na ganoon, pinilit ko pa ring tumayo at tumakbo pabalik sa classroom. Napakalakas ng putukan at bukod doon eh tuluy-tuloy pa ito. Puno na ng dugo ang hallway dahilan para magbalik ang lahat sa alaala ko. Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi ako pwedeng matulad sa kanila. Nang marating ko ang classroom, mabilis kong kinuha ang g*n bag ko at isinukbit ang chains sa leeg ko. Chineck ko ang bala sa left primary g*n at nakitang ubos na ito. Mabilis ko itong pinalitan at isinuot ulit sa g*n bag. Nagtalukbong ako ng coat bago tumakbo palabas ng classroom. "ANO PANG GINAGAWA MO RITO?!" Binuhat ako ni Dr. Laveyan at inilayo sa mga tao. Habang tumatakbo, bigla niya akong nabitawan dahil sa isang baseball bat na ipinalo sa kanya. "DR. LAVEYAN!" Itinayo ko siya at tumawag pa ng isang teacher para alalayan siya. Pagkatapos noon, tumakbo na ako pabalik sa pwesto nina Haji nang may tumawag sa akin. Nilingon ko siya at nakita si SX na may hawak pa ring device. Tumakbo ako sa kanya at hinila siya palayo roon. Pero hindi pa kami nakakalayo, may humatak na kaagad sa kanya. "ZELOFINA!" Iniunat niya ang kanyang braso at hinila ko ito palayo doon sa mama. Lumapit ako doon sa mama at tinadyakan siya para mabawi ko si SX. "TARA NA!" Hinatak ko siya ng buong lakas bago tuluyang manghina. Niyugyog ko siya ng niyugyog nang mawalan siya ng malay. Pilit ko siyang hinatak kahit na sobrang bigat niya. Maya-maya pa'y may isang outsider ang humawak sa paa niya at pilit siyang inilayo sa akin. Sa puntong iyon, kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko. Paano kung dalhin siya sa mafia group at ibenta ang lamangloob niya sa mga Chinese? Paano kung i-t*****e siya? Ayokong maulit sa iba ang nangyari sa pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas lang sila. Mabilis kong kinuha ang b***l ko at saka kinasa gamit ang left thumb ko bago ipinutok sa paa ng lalaki. Napasigaw ito sa hapdi at tinutukan agad ako ng b***l ngunit hindi na niya ito naituloy dahil sa naunahan ko na siyang barilin. Sorry pero deserve mo 'yan. End of Chapter 5
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD