CHAPTER FOUR

2464 Words
~Catalina's Point of View~ Naagaw ni s*******r X ang aking atensyon na ngayo'y nag-t-type sa kanyang makabagong device. Susulyapan niya ng paunti-unti ang bangkay at saka ulit mag-t-type. Nasa bandang harapan din si Hamida kaya hindi rin naging mahirap para sa akin na hanapin siya. Nakasuot siya ng fingerless gloves at may hawak na Barbie doll. Tutok na tutok siya kay Teacher Adanya habang bumubulong-bulong. Maya-maya pa, napatingin ito sa gawi ko na nagbigay naman ng unting kaba sa akin. Kakaiba kasi ang mga titig niya. Ang tatalim ng mga mata niya. Muli kong binalikan ng tingin si s*******r X na nakatingin na rin sa akin. Dahan-dahan siyang umatras dahilan para mawala siya sa paningin ko. Hindi ko na rin nakita si Hamida nang balikan ko siya ng tingin sa dating pwesto niya. Makalipas lamang ang ilang segundo, naramdaman ko na lamang na may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito at nakita ko ang nakapamaywang na si Hamida. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya na siya namang ginawa ko. "Sa tingin mo, sino ang may gawa nun kay Teacher Adanya?" Diretso niyang tanong nang makalayo-layo na kami sa mga tao. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam." Nasapo niya ang noo niya. "Oo nga, noh? Bakit kaya kita tinatanong eh kakadating mo pa lang pala dito kahapon?" Pangalawang beses kong makakita ng duguang tao simula noong nakaraang araw. Ang dugo pa niyang iyon ang nagtrigger sa akin para maalala ang malagim na nakaraan ng pamilya ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sobrang sama na ng kutob ko sa lugar na ito. "Kaya pala hindi sila naglagay ng CCTV camera sa wide plaza dahil meron silang balak na masama." Nagawi ang paningin ko sa nagsalita. "s*******r X. " Si Hamida Naglakad ito papalapit sa amin at umupo rin sa bench habang hawak pa rin ang device niya. Pinakita niya sa amin ang copies ng CCTV cameras at napansin ko nga na wala ang camera para sa Wide Plaza. "Pero bakit nga naman kaya nila gagawin yun?" Tanong ulit ni Hamida Sandali kaming natahimik at maya-maya lang eh nagkatinginan nang iisang ideya ang nabuo sa aming isipan. *** "Ano bang kinukuha mo?" Pilit kong sinisilip ang drawer ni Hamida para makita kung ano nga ba yung hinahalungkat niya. "Yung susi." "Susi para saan?" "Yung susi sa office ni Teacher Yula." Tugon naman niya habang todo pa rin sa paghahalungkat. "Bakit? Para saan yang susi?" "Gotcha!" Ipinakita niya sa akin ang susi na luma ang datingan. As in yung sinaunang susi pa. Lumabas na kami sa kwarto niya at nagtungo na sa office ni Ma'am Yula. Walang kahirap-hirap niya itong binuksan kaya mabilis kaming nakapasok. Wala pa si Ma'am Yula sa loob kaya jackpot na naman ang pagkakataon na ito ayon sa kanya. Tinungo niya ang drawer nito at umakyat sa upuan para makita ang laman. Gaya ng ginawa niya sa drawer niya, naghalungkat ulit siya ng kung anumang mahahalungkat. "Wala rito." Aniya at lumipat naman sa kabila. "Ano ba kasi yung hinahanap mo?" "Yung Log book ng mga teachers." Sagot naman niya. "Log book? Anong hitsura?" "Makaluma siya, yung parang log book nating mga students.  Alam mo na yung hitsura nun. Nakita mo na yun. Makapal siyang libro tapos puno na ng alikabok." Sabi niya with actions pa. Tumango naman ako at hinanap ang sinasabi niyang libro. Natuwa naman ako nang may makitang libro na tugma sa features na sinabi niya. Ipinakita ko ito sa kanya bago buklatin. 'Teachers' Log Book' ang nakasulat dito. Sobrang luma na nga ng libro, parang kapanahunan pa ni Rizal 'to, ah. Bumaba na siya sa lamesa at nagtago sa isang walang lamang cabinet kasama ako. Sakto namang may lampara doon kaso nga lang wala pang ilaw. Ipinasara niya sa akin ang cabinet bago sinindihan ang lampara. Ipinatong niya sa harapan namin ang libro saka ito binuklat. "So, hahanapin mo yung pangalan ni Teacher Adanya?" Paninigiradk ko at agad naman siyang tumango. Inisa-isa niya lahat ng pangalan hanggang sa makita niya ang hinahanap niya. Binuklat niya sa eksaktong page kung saan nakapantay ang pangalan nito bago basahin ang nakasulat doon. 'Jacinto, Erica, Ereño. 33 years old. Sun sign: Sagittarius. Height of 168 cm and 110 lbs.' Puro pictures niya lang na gumagawa ng kabutihan o kaya naman litrato niya na may hawak na trophy ang nakalagay lang sa page kaya naman binuklat pa namin ang kanyang sakop na pahina pero wala na kaming nakita. Palabas na sana kami nang marinig naming binuksan ang pintuan. Dahan-dahan kaming lumipat ng inuupuan sa kabila dahil sa tapat na pintuan lang naman namin ang nabubuksan at wala na sa kabilang part ng cabinet. Hinipan ko na rin ang lampara para dumilim na uli ang paligid. Habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang yabag ng mga paa pero nawala rin naman kalaunan. Mawawala na sana ng kaunti ang kaba ko pero bigla ko ulit narinig ang pagbukas ng pinto. This time, mas mabigat na ang paglalakad ng kung sinuman iyon. "Master Yula." Dinig kong sabi nung lalaki na sa tingin ko'y isang malaking mama. "News?" Nakakatakot ang boses ni Ma'am Yula dahil sa malalim ito. Matagal bago siya nagsalita. "Mayroon po akong mahalagang sasabihin sa inyo." Pabitin nito "Pwede bang diretsuhin mo na ako?" "Well, ganto po kasi iyan Master, noong araw na pinuntahan ko si Director Adanya, may iniinom siya. Para ngang kape iyon eh kaso nga lang color violet, so, baka nilagyan iyon ng foor coloring pero mainit naman yun tsaka mukhang niluto kaya hindi iyon ang dahilan ng pagkamatay niya." Paglalahad niya "So? Ano namang kinalaman niyan sa pinapagawa k—" ''At alam niyo ba, nung umamin ako ng feelings sa kanya, sinagot niya ako tapos iyon kami na." "Dalion? Ano bang pinagsa—" "Tapos ayun kanina nakita ko na lang na patay na siya kaya malungkot ako ngayon. Alam niyo ba nung nakita ko siyang duguan para na ring dinurog yung puso ko sa sobrang sakit at alam niyo ba, nung namatay siya nagmukmok ako. Sobrang tahimik ng paligid not until I saw two little girls entered your office." Sobra akong nagulat sa huli niyang sinabi. Nagkatinginan kami ni Hamida at doon na naman kami binalot ng kaba na mas matindi pa kaysa kanina. Biglang nanahimik ang paligid. Kailangan kong makaisip ng plan kung paano kami makakatakas. Nilingon ko si Hamida na sobra na ang pangangatog ng tuhod. Hinawakan ko naman ang kamay nito at binulungan. Matapos kong sabihin sa kanya ang plano, naghanap na kaagad kami ng tela at laking tuwa ko nang makakita ng dalawang malalaking telang nakabalunbon lang sa likuran namin. Pinakuha ko sa kanya ang lampara at sinindihan ito. Itinaklob namin sa aming katawan ang mga tela at inihanda ang sarili. Maya-maya pa'y bumukas na ang pintuan. "GOTCH—" BLAG! Todo ang pagsigaw nung lalaki dahil sa init na naramdaman niya nang isampal ni Hamida sa mukha niya ang basag na lampara. Agad ko naman siyang itinulak dahilan para magkaroon kami ng daan palabas. Sinubukan kaming pigilan ni Ma'am Yula pero hindi siya nagtagumpay dahil mabilis na kaming nakatakbo palayo. Nang makaalis na kami sa teritoryo niya, tinanggal na namin ang mga talukbong namin sa katawan at nagtungo na sa mga klase namin. Buti na lang at hindi nila kami namukhaan. "Okay class, ang nakita niyo kanina, kalimutan niyo na iyon. Dapat ipagsawalang bahala niyo na iyon dahil ang mga authorities na ang bahala doon saka masasanay din naman kayo." Malakas na wika ni Dr. Laveyan. "Now, dala niyo ba ang weapons niyo?" Tiningnan ko ang oras, Weapons Training na namin. Nakalimutan ko pa ang weapons na nakuha ko doon sa room. Nagpaalam muna ako na babalik sa kwarto ko pero hindi na niya ako pinayagan. Ang facilitators na lang daw ang babalik doon at kukuha sa weapons ko. Makalipas lang ang ilang minuto, nakabalik na sila sa Big Top at iniabot na ito sa akin. "Wow! A g*n warrior!" Nakangiti nitong sabi sa akin. Pinatayo na niya ulit kami at pinapila ng maayos. "Ang facilitators ang magtuturo sa inyo ng tamang paggamit sa inyong weapons dahil iba-iba kayo ng nakuha at mayroon lamang tayomg limited time for the training. So, may assigned facilitators kayo na silang magtuturo sa inyo all through out the school year." Ikinalat na kami sa iba't ibang parte ng classroom at sinamahan na kami ng facilitators namin. Si Teacher Del ang naka-assign sa akin. Nasa mid-50's na siya at medyo kulubot na rin ang mukha at malalim na ang mga mata. "Una mong i-ma-master ay ang guns." Isinuot niya sa akin ang apat na g*n band sa front and back hips ko. "Ang nasa harapan mo ang tinatawag na primary guns. Tandaan mo ang kulay." Tiningnan ko ang dalawang b***l sa front part ng hips ko. Color gold with a touch of black ang kulay nito at mabigat. "Sa likuran mo naman nakalagay ang secondary guns." Itinuro niya sa akin iyon. Black with a touch of gold naman ito. "Kaya nahahati sabdalawa ang apat na b***l ay dahil ito sa mga gamit nila. Ang una mo dapat gamitin ay siyempre ang primary guns dahil mas malakas ito kumapara sa secondaries." Pagpapaliwanag niya. Sinuotan niya ako ng finger less gloves at itinuro ang primary g*n na nasa kaliwa. "Kailangan mong matutong humawak ng b***l sa magkabila mong kamay. Hindi dapat dalawang kamay ang hawak mo sa b***l kapag may target ka kundi isa lang." Sinenyasan niya ako na kunin iyon. "Kung saan ang b***l, doon din ang kamay na gagamitin mo." Sinubukan kong kunin ang b***l na nasa kaliwa nang bigla ko itong maihulog. Mabigat kasi tsaka sumabit iyon sa belt. Mabagal ko itong kinuha saka ibinalik ulit sa g*n band. Inulit ko itong kuhain at hindi na tulad ng kanina, nakuha ko ito ng maayos. "Level it with your shoulders." Tugon niya na ginawa ko naman. Nanginginig ang kamay kong itinuwid ang braso ko saka itinutok sa target. "Hindi na kita lalagyan ng earpiece nang masanay iyang tainga mo sa putok ng baril." Inayos niya ang braso ko at tinigasan upang hindi ito gumalaw at manginig. "Pagbilang kong tatlo, hihilain mo na ang trigger." "Agad po?" "Yes. Sunod niyan, ang kabilang b***l naman." Aniya pa. "One.... Two.... Three... FIRE!" BANG! Hindi ko napigilan ang sarili ko't napaupo sa sahig dahil sa lakas ng impact ng bala. Napatingin tuloy sa akin ang lahat at maya-maya lang, napuno na naman ng tawanan ang paligid. Hindi rin naman ito nagtagal dahil sinuway ulit sila ng mga facilitators nila. Kung makatawa naman sila, akala mo master na master na nila ang weapons na hawak nila. "Isa pa." Ipuputok ko na ulit ang b***l nang pigilan niya ako. "Ipuputok mo na 'yan nang hindi mo pa nakakasa?" Napayuko ako sa narinig. May kinuha siya sa bulsa niya at isinuot iyon sa magkabila kong thumb. Matigas ito dahil sa bakal ito. "Para saan po ito?" "Iyan ang pangkasa sa b***l. Matututo ka ring gumamit niyan at darating ang araw na ikakasa mo iyan gamit lang ang hinlalaki mo." Tiningan ko ito at nagtuloy na ulit sa training. Muli konh itinutok ang b***l sa target at iniatras ang isang paa upang magkaroon ng mas malakas na balanse. Nang makitang tapat na tapat ito sa color red, inilihos ko ito pakanan gaya ng sabi niya at pagkabilang ulit niya ng tatlo, ipinutok ko na ito. "Tsk. Tsk. One more time. Pero this time, sanayin mo na ang sarili mo na ikasa ang b***l gamit ang isa mong hinlalaki." Itinuro niya ang pausling bakal na nasa ibabaw ng b***l. "Diyan mo itatapat ang thumb mo para mahila ito. Sinadya talagang lagyan iyan ng ganyan at lambutan ang slidevpara mas madali mo iyang maikakasa." Inilagay ko ang hinalalaki ko sa bakal at hinila ito kaso ganun na lang ang pagpikit ko dahil sa paglagutok ng buto ko. "Masasanay ka rin. Try one more time." Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit pagalawin ang slide at nagawa ko naman ng maayos. Muli, itinutok ko ito sa target at saka pinindot ang trigger. Pinigilan ko ang pagbagsak gamit ang isa kong paa bago tingnan kung saan ito tumama, nasa labas ito ng target. "Masasanay ka rin. One more time." Muli kong kinasa ang b***l kahit mahirap saka ipinutok sa target. Nakawalong putok ako nang wala man lang tumatama at nang hihilaun ko ulit ang trigger, wala na itong bala. "8 maximum bullets, exact for 32 targets." Sambit ni Teacher Del. "Kapag dumating sa point na wala ka nang bala, kailangan mo nang palitan yan. Ngayon, para mapalitan, pipindutin mo ang magazine release..." Pinindot ko ang sinasabi niyang magazine release at nahulog mula sa b***l ang isang rectangular bar na siyang lalagyan ng bala. "Pagkatapos, kukunin mo ang reserba gamit ang kaliwa mo ring kamay." Nangunot ang noo ko. Paano magkakasya sa isa kong kamay ang dalawang malalaki at mabibigat na bagay? "Mas magandang masanay ka na hangga't bata ka pa." Seryoso siyang nakatingin sa target. "Remember, kakaiba ang school na ito at hindi dumadaan sa basic ang lahat ng nag-t-training. Basic training is for the weak." Basic training is for the weak? Ibig ba nun sabihin, lahat ng pulis at authorities ay weak? "First day of training mo ngayon pero marami na kaagad ang nalalaman mo. Limang araw kang mag-t-training para sa left primary g*n. Lahat na dapat alam mo, kung paano humawak ng b***l, kung paano palitan  at kung paano i-assemble. Tig-li-limang araw ang training mo sa bawat b***l, exact for three weeks. Then after that, you'll be training for the chains." Tumunog na ang bell hudyat na stunts training na namin. Bumalik na kmai sa aming mga pwesto at ganoon din ang mga facilitators. "So, let's start our stunts training. Forst, ang pinakabasic, ang tumbling." Pinakinggan kong maigi ang tinuturo niya. Una raw ang cartwheel dahik iyon ang pinakamadali. Walang foam para raw masanay kami sa matigas na surface. Tapos kapag "First, bend yourself to the right then slowly touch the surface with your right hand. Next, dahan-dahan niyong iaangat ang left leg niyo kasabay ng pagtukod ng left hand niyo sa lupa, tapos kapag naitukod niyo na, saka niyo ipitik ang toes niyo sa right foot para magkaroon ng buwelo." Ginawa ko nga ng eksakto ang sinabi niya. Wala naman siyempreng nakadiretso agad ng cartwheel kaya pinaulit kami. Nang unti-unti nang dumi-diretso ang mga katawan namin sa pag-c-cartwheel, nagtawag naman si Dr. Laveyan ng isa sa amin na nakita niyang close to perfect na ang ginagawa. "Watch the g*n Warrior." He's referring to me. Ginawa ko naman ang cartwheel na sinasabi niya bago ako binigyan ng compliment. Nagpalakpakan naman ang lahat maging siya. Aksidente akong napatingin sa kanya but something is wrong. Mayroon akong napansin sa bandang laylayan ng costume niya. A blood stain... End of Chapter 4
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD