CHAPTER THREE

2193 Words
~Catalina's Point of View~ "Our first lesson os ang pinaka-basic sa lahat!" Panimula ni Dr. Laveyan. "ANG TUMBLING!" Really? Is tumbling a basic sport? "Pero siyempre, hindi naman tayo pwedeng magsimula kung walang stretching and warp up." Pumalpak muli siya na hudyat na kailangan na naming mag-ipon-ipon sa gitna. "First, ang pinakamadali, jumping jack!" Sinimulan na naming mag-jumping jack ng 50 times and in military countings. Halos maubo-ubo na ako sa pagod ngunit hindi pa rin kami pinapatigil nitong si Dr. Laveyan. Nakakainis na kasi parang hindi siya naaawa sa amin. Eh kung patayin ko siya? Joke. "WOOOOOKAAAAYY! Next basic exercise is the what we so-called DANCE!" Nagulat ako sa sinabi niya. Dance? What the— [Now playing I Wanna Dance with Somebody by Whitney Houston] ~Huh, yeah, woo Hey yeah, huh Ooh yeah, uh huh, yeah I wanna dance Clock strikes upon the hour And the sun begins to fade Still enough time to figure out How to chase my blues away I've done alright up 'til now It's the light of day that shows me how And when the night falls Loneliness calls~~ "Ang dapat niyo lang hawin ay ako ang gayahin! WOOOOOOHOOOOO!" "PERO HINDI PO AKO MARUNONG SUMAYAW!" Sigaw nung isa "Ako rin po!" "Lalo na ako!" Bulyaw ko sa kanya pero hindi niya lang kami pinansin. "Dancing is the key to living! Kahit hindi kayo marunong sumayaw basta lagi kayong sumasayaw, matututo rin kayong SUMAYAW!" Napairap na lamang ako sa hangin at sinundan na lamang siya. Kembot dito, kembot doon, moonwalk dito, moonwalk doon. UGH! I CAN'T DO THIS! ~Oh, I wanna dance with somebody I wanna feel the heat with somebody Yeah, I wanna dance with somebody With somebody who loves me Oh, I wanna dance with somebody I wanna feel the heat with somebody Yeah, I wanna dance with somebody With somebody who loves me I've been in love and lost my senses Spinning through the town Sooner or later the fever ends And I wind up feeling down I need a man who'll take a chance On a love that burns hot enough to last So when the night falls My lonely heart calls~~ Halos bumagsak ako sa lupa matapos ang sayaw. Well, lahat naman siguro kami. Hindi pa ako masyadong makagalaw dahil sa sobrang hingal. Well, ganun din naman sila. Inilibot ko ang paningin at nakita ang mga kasama ko sa klase na halos mahiga na sa sahig dahil sa pagod. Medyo natawa tuloy ako. Kakaibang class ito, ah. "Ngayon, dahil tapos na ang fuel up natin, let me introduce to m you our everyday schedule!" Tinapik niya ang isang board gamit ang kanyang magic stick at bigla na lamang itong umikot at ipinakita sa amin ang mga nakasulat doon. "7:00 ng umaga, gigising kayo at aayusin ang mga sarili niyo hanggang 7:30. Pagkatapos niyan, papasok na kayo sa classes niyo ngayon. 8:00 to 9:00, fuel up or yung ginawa natin kanina, 9:00 to 9:30 flexibility check, 9:30 to 10:00, split practicing, 10:00 to 12:00 stunts training, then 12:00 to 1:00, break time, 1:00 to 3:00, weapons training, 3:00 to 5:00, back to stunts training, 5:00 to 6:00, skills enhancing, 6:00 to 6:30, dinner, 6:30 to 7:00 posture check, and lastly, 7 o'clock which is sleeping time." Pinakatitigan kong mabuti ang mga letters na nakasulat sa board at minemorize iyon. Nang matatak na sa isipan ko'y inialis ko na ang paningin doon at pinag-aralan na ang bawat sulok ng classroom namin. "Ngayon, babaguhin niyo muna ang mga pagkatao niyo. Like, kukunin niyo muna sa Nameplates Office ang inyong mga nameplate at simula mamaya, ang mga pangalan na nakalagay sa nameplate niyo ang itatawag niyo sa isa't isa." Tugon nito at inalalayan ulit kami ng facilitator namin patungo sa Nameplates Office. Pila-pila kaming pumasok sa loob at kinuha ang random nameplates na kinukuha lang naman sa isang lumang basket. Noong ako na, nakita ko ang isang lalaking nasa mid-50's na ang kumuha ng isang kahoy. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago kinuha ang isang matulis na bakal at nagsulat doon. Matapos noon, may inilagay siyang clear na liquid doon sa ukit ng kahoy bago lagyan ng kulay itim na glitters. Inilagay niya ito sa isang oven at makalipas lamang ang tatling segundo, kinuha na kaagad niya ito. Pinalapit niya ako sa kanya at inilagay sa aking damit ang ginawa niyang nameplate. ZELOFINA... What is the meaning of this name? Hindi ko pa nakikita ito or naririnig sa kung saan man. Lumabas na ako at nagtungo naman sa Salon kung saan kami i-ma-makeover. Pagpasok ko roon, nawala lahat ng in-imagine kong makikita ko. Ang akala ko naman kasi, may dresser, may hair stylist, may makeup kits, but I was wrong. Puno ng paintings ang dingding at nasa dulo nito ang isang matandang babae na may hawak na karayom ang nakaupo sa isang kahoy na upuan. Kaming dalawa lang ngayon ang nandito at inaamin ko na medyo natatakot ako dahil sa kakaibang atmosphere dito. Tiningnan niya ako at sinenyasan na lumapit sa kanya at umupo sa isang carpet. Sinunod ko naman siya at umupo nga sa isang carpet na nasa harapan niya. Tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa bago inilibot ang paningin sa mga paintings. "Ilihis mo ang manggas mo hija," itinuro niya ang manggas sa kaliwa kong braso. Ginawa ko naman ang sinabi niya at sinimulan na akong lagyan ng.... "Tattoo?  Bakit po? Bawal pa pong lagyan ng tattoo ang below 18, four years old pa lang po ako." Pagpapaliwanag ko. "Matalino ka hija pero huwag kang mag-alala, wala itong masyadong kemikal na madalas mong nakikita sa labas. Sundin mo na ako hija." Her voice is so soothing, medyo naaalala ko sa kanya si Lola Mina. Sinimulan niyang lagyan ang balikat ko. Medyo nakakaliliti na mahapdi dahil tumutusok sa balat ko ang karayom niya. Nang matapos na siya, pinatuyo niya muna ito bago ako palabasin sa lungga niya. Tiningnan ko naman sa salamin ang tattoo ko at medyo naguluhan ako rito. Isang pabilog na chains na may mata sa gitna ang pinagitnaan ng isang pares ng pakpak ng agila. Color violet ito at nilagyan ng trace na color black. Ang astig niya tingnan, PROMISE! Sunod naming pinuntahan ay ang isang kwarto na puno ng weapons. Eto na siguro yung kailangan namin para sa weapons training namin. Inilibot ko ang aking paningin at isang bagay ang nakaagaw sa aking atensyon. Ang chain. Kamujha ito ng nasa tattoo ko kaya nilapitan ko ito at hinawakan. "That suits you." Halos mapatalon ako sa gulat . Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang babaeng nasa mid-30's na. GONDRA ang pangalan nito. "Hello po." Bati ko at ibinalik ang tingin sa chain. Inilihis niya ang manggas nv mmg damit ko at ngumiti nang makita ang tattoo ko. "Tama nga. Ang bagay na iyan ay para sa iyo." Binuksan niya ang drawer at may kinuha roon, mga b***l. Napaatras naman ako nang ilapag niya iyon sa akin harapan. Lumuhod siya para magpantay ang aming paningin bago ako kausapin. "Dapat matuto kang gumamit nito para maipagtanggol ang mga mahal ko sa buhay." Tugon niya. "Pero pwede naman pong lumaban nang hindi gumagamit ng dahas." Usal ko at napailing naman ito. "Sa mundo natin ngayon, lahat ng tao, gumagamit na ng dahas. Wala nang nadadala sa pakiusapan. Lahat kayo ng nandito ay may nakakakilabot na nakaraan. Kaya namin kayo kinuha ay para mapag-aralan niyo ang inyong nakaraan at paglabanan ang kasalukuyan." Mahinahon ang boses nito. Naalala ko sina mommy. "Ang ibig po bang sabihin nun, alam niyo po kung ano ang nangyari sa pamilya ko?" Natahimik siya bigla ngunit agad din naman niya akong sinagot. "Oo. Iniligtas namin kayo mula sa mga taong gustong pumatay sa inyo. Kaso nga lang, huli na kami. Ikaw na lang ang natagpuan namin. Nasa labas ka ng bahay niyo at ang pamilya mo.... wala na sila." Sandali akong tumahimik at maya-maya lang, naramdaman ko na ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nanlamig ako bigla at nanghina dahilan para mapaupo ako sa sahig at mapahagulgol..... "Pinatay nila ang pamilya ko...." panay hikbi lamang ako sa harapan ni Ms. Gondra "Hahayaan mo lang ba na manatiling tahimik at pagala-gala ang mga kriminal na gumawa sa inyo nito?" Mabilis akong umiling. "Bibigyan ko po ng katarungan ang pagkawala nila. Ipaghihiganti ko sila." Nangingig ang boses ko sa sobrang galit. "Tama iyan. Gawin mong instrumento ang galit mo para maipaghiganti ang mga taong mahal mo." Tinitigan ko ang apat na b***l na nasa gilid ng kadena. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat parte nito. Kailangan kong mamemorya ang mga ito nang mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko. Pinaghalong gold and black ang kulay nito at sa ibabaw ng trigger ay nakaukit naman doon ang pangalan ko. Hinawakan ko ito at itinutok sa target saka ipinutok dahilan para mabitiwan ko ito. Masyado itong mabigat at nakakabingi ang tunog. "Zelofina, what's happening here?" Biglang pumasok sa loob si Teacher Adanya at kinuha ang b***l na nasa sahig. Humarap ito sa akin at tinapik ako sa braso. "May tamang panahon para pag-aralan iyan." Anito bago umalis. Sinundan ko ang paglabas niya sa kwarto bago sumalampak sa kama ko. May kani-kaniya kaming kwarto kaya naman wala na akong dapat pang ipag-alala sa tuwing matutulog ako. Malki rin naman ang kwarto ko at sakto talaga sa weapons na napili ko ang disenyo nito.  *** Isang napakalakas na kalembang ang gumising sa natutulog kong katawan. Mabilis akong bumangon at tiningnan na ang oras. Saktong 7:00 na kaya kailangan na naming gumising. Mabilis kong kinuha ang uniform ko at naligo na. Pagkatapos ay pinatuyo ko na ang buhok ko't inayos ang sarili ko. 7:30 na nang magtungo ako sa Big Top at naupo sa sahig kasama ang iba pang bagong dating kong kaklase. Hindi naman na kami nagtagal sa paghihintay dahil wala namang nalate sa amin. Nang makumpleto kami, tumayo na si Dr. Laveyan at energetic kaming binati. Habang nagsisimula na ang fuel up, pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng mga kaklase ko at minemorya ang mga nameplates nila. Nang matapos na ang sayawan, sinimulan na namin ang flexibility check. Pinapila muna niya kami ng three lines so bali four rows kami. Sunod ay pinaupo niya muna kami ng pa-semi split. "Okay, so first, extend natin ang arms..."  Pilit kong in-extend ang magkabila kong braso hangga't makakaya ko. "Then slowly bend it to the right. As in dapat maabot ng palad niyo ang toes niyo." "Ang hirap naman!" Reklamo ng isa "Kaya nga slowly para hindi mabigla ang katawan. Saka tama lang iyan sa bagong sayaw dahil malawak pa ang na-s-stretch ng tissues ng katawan ninyo." Sagot niya doon sa isa. "Then sabayan ninyo ng exhale. Yan, so parang nag-yo-yoga lang kayo." Napangiwi talaga ako ng sobra dahil sa hirap ng pinapagawa niya. Bending at semi- split pa nga lang ito, eh pero paano na kung totong split na? Edi baka magkabali-bali na 'tong buto ko, ah. Maya-maya lang, pinatayo na kaming lahat at magsisimula naman kami sa split practicing namin. "So dahil medyo na-stretch na natin ang ating mga kasu-kasuan, ang gagawin naman natin ay ang SPLIT PRACTICING. So first, i-be-bend natin ang ating katawan but dapat nananatili pa rin ang legs natin na straight." Medyo dinulas niya ang magkabila niyang paa sa magkahiwalay na side dahilan para bumaba siya ng kaunti. "Sunod, dahan-dahan nating mas ipaghihiwalay pa ito." "Parang hindi naman po basic yan?" Tugon ng isang batang sobrang pula na sa sobrang paghihirap. "Because mas mabilis kapag hindi na dadaan sa basic. Tsaka soft pa naman ang mga bones niyo kaya hindi mababali 'yan." Agara naman niyang sagot. Hindi na ako sumagot pa't sinunod na lang si Dr. Laveyan. "Next, kapag malapit na kayo sa sahig, i-forward niyo lang ang sarili niyo at itukod ang kamay. At kapag natukod niyo na ang kamay, dahan-dahan niyo nang i-full ang split niyo." Sobrang hirap naman nito. Hindi ko kaya--- Isang tunog ang nakapagpatahimik sa aming lahat maging sa nagtuturong si Dr. Laveyan. "So... Sino rito ang napunitan?" Namilog ang mata ko at saka sinipat ang bawat tao na nandito. Isa-isa kaming nagtinginan sa aming mga pants at ganoon na lamang ang aking pagkadismaya nang mapagtantong sa aking pants pala ang nabutas. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tawanan dito nang malaman nilang sa aking pants ang butas. Si ARMIANNE kasi, eh kung makatulak wagas. Akala naman niya nakakatawa yung ginawa niya. "HAHAHAHAHAHAHAHA!!! BUTAS BUTAS!" Napairap na lang ako sa ugali nilang lahat. Napakabababaw naman ng kaligayan nitong mga ito? "Oh tama na yan. Mag-t-training pa tayo ng stunts!" Pagsuway niya sa amin. "Ang bababaw ng kaligayan niyo." Bulong ko sa sarili Magsisimula na sana kami nang may bigla kaming narinig na sumabog dahilan para magkaroon ng stampede. "STAY CALM KIDS! DON'T PANIC!"  Pinigilan kami ng mga facilitators pero dahil sa madami kami, wala silang nagawa. Todo takbo ako nun hanggang sa marating namin ang wide plaza. Naki-excuse ako sa mga tao na nandoon para makapunta sa gitna... Pero ganun na lang ang pagsisisi ko nang marating ang kinaguguluhan ng lahat. "Teacher Adanya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD