CHAPTER TWO

2047 Words
~Catalina's Point of View~~ "Villains? Gagawin niyo kaming masama." "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Anito at medyo pinakalma pa ako. "Villains. Ang ibig-sabihin ,eh villains tayo sa paningin ng mga villains. Para bang masama tayo sa paningin ng masama—" "Heroes sa paningin ng mga tao but villains sa paningin ng mga kalaban." Pagputol ko sa sinasabi niya. Gusto ko ring maisip sa kanya na hindi ako slow. "Well, simulan na natin ang tour." Sinabayan ko lang siyang maglakad hanggang sa marating namin ang unang room. "FU*K!" Napangiwi ako sa bungad ng isang batang lalaki sa amin, pagpasok na pagpasok namin. Sinenyasan ko siya na tumahimik dahil hindi maganda ang sinasabi niya. Bawal magsalita ng bad words! Binelatan niya ako at bumalik na sa upuan niya. "Welcome sa Room 3, ang classroom para sa mga section 1." Sabi niya at itinuro ang kabuuan ng classroom. "Dito ka mamaya ibibilang dahil for children with the highest honors lang ang nandito." Room 4. "This is the Room—" "Cher Adanya, look." Halos manlambot ako nang makita ang isang batang nakahiga sa ibabaw ng lamesa at puno ito ng tali sa katawan. May isa rin silang tinatawag na "Master" na siya namang may hawak ng kutsilyo. "What are you doing Jackie?" Bulyaw niya sa batang nagturo sa kalokohang ginagawa nila. "We're just trying to cook our dinner. See, it's good!" Proud na proud pa niyang tugon. Pinandilatan ko ito ng mata dahilan para matakot ito at bumalik sa upuan. Napa-tsk-tsk na lang si Teacher Adanya at in-untie ang kawawang lalaki. Mukha namang nalugian ng sampung milyon ang mga batang nagtali sa kanya sa lamesa. Inutusan niya ang mga ito na bumalik na sa kani-kaniyang pwesto na agad naman nilang sinunod. "Yeah! What was that?" Tanong ko nang makalayo na kami sa Room 4. "Laru-laro lang nila iyon." Sagot naman niya. "Really? Laru-laro? Eh totohanan na po iyon, eh. The way they look, they act, the silent cry of the kid and the way kung paano hawakan nung so-called 'Master' nila ang malaking lagari. Sa tingin niyo po, laru-laro pa ba iyon?" Nasapo ni teacher ang kanyang noo sa daldal ko siguro at iniharap ako sa kanya. "Look, lahat ng nandito normal lahat sila. Parang normal na bata, kaya wala ka dapat ipag-alala." Kahit na marami-raminna siyang sinabi, hindi pa rin talaga ako mapakali dahil hindi ko talaga alam ang gagawin kapag kknabukasan, may maibabalita na grupo ng mga kabataan, kumain ng sarili nilang laman. I just can't imagine that. "This is Room 5, the room for the average people. Sila ang mga batang nasa 80 to 90 ang grade sa former school. Lahat sila mababait. Look." Tinuro nila silang lahat.... but I found it weird. Very very very weird. "Are those are their toys?" Turo ko sa mga voodoo dolls na hawak nila. "Yes, favorite nila ang voodoo dolls. Medyo weird nga lang para sa mga normal children." "You told me earlier that they are normal kids, but look at their toys. Voodoos? I'll believe that they are normal kids if they hold doll, Barbie dolls but not VOODOO dolls." Nilingon ko siya sabay baling ulit sa mga bata. "Are you teaching them about witchcraft?" "Of course not! They are normal kids. They live like normal people. They are real kids who love to play and do whatever they want." "Yeah! They want witchcraft. Teacher Adanya, please tell me the truth, are you going to teach us how to be villains in the eyes of villains or are you going to teach and TRAIN us how to be REAL VILLAINS?" I waited almost ten seconds for hwr to answer my question, but no. Iniba niya ang usapan.. And I found it again WEIRD. "Well, sabihin na nating kakaiba ang school na ito but trust me, we will train you to be the best heroes in our city. So, tara na. Ituloy na natin ang tour." Nagsimula na ulit siyang maglakad at huminto naman kami sa isang isolated room. "This is the last classroom for kids, the Room 6 where—" "AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!" Napatakip ako ng tainga nang isang napakalakas na pagputoo ng b***l ang bumungad sa amin pagkabukas na pagkabukas pa lamang namin ng pintuan. Agad na bumalik sa akin isipan ang pangyayari sa bahay. Biglang nagbalik sa utak ko ang sunud-sunod na putukan ng b***l. "STOP IT JARED!" Dinig kong sigaw ni Teacher Adanya. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Teacher Adanya sa braso ko at itinayo ako. Marahas ko namang binawi ang braso ko tinitigan ko siya ng napakasama. "WHAT'S WRONG WITH YOU?! AKALA KO BA SCHOOL 'TO! MATITINO ANG MGA TAO! PERO BAKIT GANITO?!" Tumakbo ako papalayo at nagtago sa kung saan mang dapat magtago. Ilang minuto ring tahimik ang paligid hanggang sa may marinig akong mga yabag ng paa. Tinakpan ko aking bibig at pinagdikit ko ang ulo at tuhod ko upang wala akong magawang ingay. Hindi ko na rin inabala pa ang aking sarili upang silipin ang kung sinuman ang naglalakad papalapit. Maya-maya pa, nawala na rin ang mga tunog. Akala ko okay na ako pero hindi pa pala. "Anong ginagawa mo jan?" Nag-angat ako ng tingin sa isang batang lalaki na may hawak na isang device at nakasalpak sa tainga niya ang isang earpiece na hindi pamilyar sa akin kung para saan. May nameplate itong AXL. "Bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap?" Garalgal ang boses ko nang kausapin ko siya. "That's because of this!" Ipinakita niya sa akin ang device na hawak noya at binuksan iyon sa harapan ko. Medyo na-amaze naman ako nang makita ang tila ba CCTV monitor sa screen ng device niya. Naka-connect naman ito sa earpice na suot-suot niya. Is he a hacker? "Ang init-init jan, labas ka jan." Hinila niya ako palabas doon sa ilalim ng lamesa. "You're weird. Bago ka lang dito, noh?" "Kakapasok ko lang dito kanina. Mga isang oras na ata akong nandito." Tugon ko. "I am Axl Mendez but they call me 's*******r X'." Pagpapakilala niya "I am Catalina. " Nakipagkamay ako sa kanya at naglakad palayo roon sa pinagtaguan ko. Huminto kami sa isang pintuan. Pinihit niya ang doorknob at itinulak ang pintuan dahilan para mapanganga ako sa gulat. Sandamakmak na monitors ang nakadikit sa dingding na animo'y wallpaper na ito para sa kaniya. May mga nakasabit din na cameras sa ceiling at speakers sa bawat corner ng room. May nakita rin akong kama sa gilid ng kwarto at side table na may nakapatong na laptop na medyo advanced ang features. "So, confirmed. You're a hacker." Tumango ito. "But let me know, what kind of hacker are you?" Naglakad ito sa kama niya at umupo sa harapan ng laptop niya. Binuksan niya ito at pinagana ang cmd nito. "I can say that I am a grey hat hacker. I sometimes violate laws but I don't have malicious intent." Lumapit ako at tumabi sa kanya. "Paano mo nagagawa iyan?" "Pagkapanganak ko pa lang, as in computer agad yung unang tumatak sa isip ko. Not my parents, not my siblings, but computer." Ipinakita niya sa akin kung paano niya paganahin ang cmd. "So, isa ka rin ba sa mga estudyante rito o katulad lang kita na outsider at binigyan na lang ng tirahan?" Tinutukan ko ang ginagawa niya at pinag-aralan ang mga galaw ng bawat daliri niya sa pagpindot sa bawat key ng keyboard niya. "Nope. I am also a student here pero ang mga katulad ko eh i-na-isolate nila. So, bali marami pa akong katulad na technologist but malalayo ang agwat ng rooms namin sa isa't isa." Pagpapaliwanag niya . "Sa tingin mo, bakit kayo pinaghihiwalay?" "I don't know. Siguro para hindi namin magaya ang magkakaiba naming techniques?" Hindi sigurado niyang sagot sabay tuloy sa ginagawa niya. "Yung mga monitors na nakikita mo, iyan ang mga split screens sa CCTV na pinaghiwa-hiwalay ko lang para mas makafocus ako at mas luminaw sa akin ang mga nangyayari. Ang laki kaya nitong academy." Tugon niya. "And para saan naman ang speakers?" Tinuro ko ang mga malalaking box na nakasabit sa corners ng room. "Yan?" He chuckled then nilakasan ang volume sa laptop dahilan para marinig namin ang mga lugar sa labas. "So, hagip pala ang sound sa labas. Ka-impress naman!" Napapalakpak pa ako sa galing ng nakikita. Napag-aaralan ko rin naman iyan kaso nga lang hindi naman ganito ka-advance. Tumayo akonat inilibot pa ang buong kwarto. Maya-maya lang, may biglang kumatok sa pintuan. Hindi naman na siya tumayo at may pinindot lang na button doon malapit sa kama niya at kusa na itong bumukas. Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan nang makita ulit si Teacher Adanya. "Pinapatawag na kayo ni Ma'am Yula." Sambit nito at nauna nang maglakad. Nagtanguan naman kami ni Axl at lumabas na sa kwarto niya. Naglakad kami patungo sa gymansium kung saan nakaupo ang napakaraming estudyante na hindi ko nakita kanina sa tour. May dalawang bakanteng upuan sa medyo gitna na siya namang inupuan naming dalawa. Nasa harapan si Ma'am Yula na iyon palang matandang babae kanina sa opisina. May hawak siyang microphone at nakapatong ang dalawa niyang kamay sa podium. May binabasa rin siya habang nakatingin sa amin. "All students, stand up." Utos niya sa amin na agad naman naming sinagot. "Today will be your classification day. Ngayon natin malalaman kung saang class kayo nabibilang." Inasikaso ng iba pang teachers ang mga estudyante na nasa first to fourth row sa pag-akyat sa stage. May isa ring lecturer na may hawak na basker ang nagtungo sa harap. "Pull out one paper and read it loud." Dagdag pa ni Ma'am Yula. Nasa kaliwa siya kaya nauna ang mga estudyanteng nasa bandang kaliwa. Kung estudyante pa man ang tawag doon. Nauna ang isang babaeng nakatali ang buhok. "Grey hatters!" Sigaw niya dahilan para marinig ng lahat ang boses niya. Napakatahimik pa naman kaya kahit bulong eh talaga  namang maririnig mo. "Voodoos!" Sigaw naman ng isa. Sa sigaw niyang iyon, nagkakahont na ako kung ano ngang klaseng school ito. Pasimple kong nilingon si Axl na relax lang na nakikinig. "Is this really a school for villains?" "Maybe?" Nanlumo ako sa narinig. So, tama nga. Gagawin nga nila kaming masama. "Hindi nila tayo gagawing masama. Tuturuan lang nila tayo kung paano labanan ang kalaban in a very unique way." "Telepathic ka ba? Paano mo nalaman ang nasa isip ko?" "You're easy to read." Makalipas ang ilang minuto ang row na namin hanggang sa dulo ang tinawag. Nasa unahan kami ni Axl kaya naman kami ang unang tinawag. Si Axl muna ang kumuha ng papel at binuklat ito. "Grey hatters.." Mahinahon niyang tugon bago bumaba sa stage. Now, it's my turn. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa harap at sinundan naman ako ng lecturer. Nanginginig kong iniangat ang aking kamay papunta doon sa basket. Inihagod ko ang aking mga daliri sa mga nakarolyong papel na nandoon bago kumuha ng isa. Kinakabahan ko itong binuksan at binasa ang nakasulat doon. "S..Sarkasa!" Bumaba na ako at umupong muli sa inupuan ko kanina. Mga nasa sampung minuto bago naubos lahat ng papel at estudyante. "Ngayon, dahil alam niyo na kung saang class kayo nabibilang, maaari na kayong magpunta sa kani-kaniyang classrooms. Your facilitators will guide you. Good luck! Mag-aral mabuti." She said before she vanished from our sight. Sinamahan naman kami ng isang facilitator na may nameplate na DIVINA sa isang Big Top o ang tent na kadalasang pinagdadausan ng events, or should I say... a circus tent. Well... Sarkasa is the Bangla term for the word circus. "Good evening ladies, gentlemen, and in between! My name is Dr. Laveyan MadoTrezza! I will be your trainor for the whole SEMESTER!" Bungad sa amin ng isang lalaking mayroong tall hat at nakasuot ng leotard. Weird. "Dr. Laveyan, what is our first lesson?" Cute man ang boses pero hindi naman cute ang nagsalita. "Well, for the first four months, I will train you gymnastics. In your first grading, you will learn and master all the gymnastics skills that you can use in the upcoming Intramurals." Anito at pumalakpak ng tatlong beses na hudyat ng pag-aaya sa amin na magsimula na. Ngayon ang first day of school ko sa school na hindi ko naman inakalang mapupuntahan ko, hindi ko inaakalang mapapasukan ko. I just popped here unexpectedly. End of Chapter 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD