CHAPTER ONE

2396 Words
'Academic Excellence Award (Rank 1) is awarded to Catalina Tatiana G. Abella, 2- Titanium for obtaining an average grade of 98 in the Final Grading Period' Masaya kong ibinaba ang certificate na natanggap ko noong recognition nang tawagin na ako nina Mommy para kumain. Nakangiti nila akong pinagmasdan habang tinutungo ang daan patungo sa upuan ko. "Kamusta naman?" Bungad sa akin ni Ate Mae. "Masaya ate siyempre kasi top 1 ako tapos 98 pa yung grade ko!" Tugon ko Ginulo naman ni Daddy ang buhok ko. "That's my girl!" Nagtawanan kami bago kumain. Buti nga walang nabulunan sa amin, eh. Ang saya naman. Sana ganito na lang kami palagi. "Pinag-e-enroll ka na pala ni Mrs. Browns bukas dahil mayroon pa kayong entrance examination para sa mga kukuha ng scholarship. Galingan mo, ah!" Paalala pa ni Mommy. "Opo." Ang sarap naman ng ulam namin ngayon, Sinigang. "Sana lahat matalino!" Panggugulat sa amin ni ate. "Matalino ka rin naman, ah." Si Mommy "Siyempre naman po matalino pero yung GANYAN! Hindi naman po ako katulad niya na GRADE 2 pa lang tapos naka-98 na, tapos FOUR YEARS OLD PA LANG! OH DIBA! Lahat po ng utak natin napunta na sa kanya." Natatawa pa si Ate habang nagsasalaysay. Madaldal talaga siya kahit kailan. Napailing na lamang sina mommy and daddy dahil sa sobrang kadaldalan ni ate. Mayapos naming kumain, nagbato-bato pik muna kami kung sino ang maghuhugas ng plato and hiwala! Talo si ate so ako ngayon ang hayahay. Habang nasa kwarto, binasa ko muna ang Pride and Prejudice na book ko na kabibili lang sa National bookstore kahapon. Marami nga akong pinagpilian kaso mga lang ang sabi ni Mommy na isa-isa lang daw. Kapag natapos ko na ito edi yung ibang book naman na nakahilera sa utak ko ang bibilhin ko. **** "CATALINA!" Napabalikwas ako sa lakas ng boses ni Mommy. Dali-dali akong bumaba at uminom ng tubig bago soya puntahan sa kusina. "Maligo ka na roon at baka ma-late ka na sa entrance exam mo." Bilin pa niya. "May mainit na tubig na akong hinanda sa'yo." Tumango naman ako at nagtungo na sa cr saka nagbuhos. Paglabas ko, dumiretso na agad ako sa kwarto namin ni ate at nag-ayos. Nakabili na rin pala kami ng uniform namin para sa bago kong papasukang school kaya hindi ko na kailangan pang mag-civilian. Si Ate na ang maghahatid sa akin papunta sa Santa Monica Academy habang sa work naman sina mommy and daddy. "Goodluck, ah. And just be a kid." Paalala pa niya na siya namang nagpagulo sa isipan ko. "Ate, kid pa po ako. HAHAHA!" Biro ko pa bago sumakay sa kotse niya. "Buksan ko muna ang radyo, ah." Mahinahon kong wila sabay pindot sa radyo ng sinasakyan namin. [Baby I Love Your Way by Big Mountain] ~Ooh baby, I love your way, everyday yeah, yeah Ooh, baby, I love your way, everyday Shadows grow so long before my eyes And they're moving across the page Suddenly the day turns into night Far away, from the city But don't, oh no, hesitate 'Cause your love just won't wait (Hey yeah, yeah) Ooh baby, I love your way, everyday I wanna tell you I love your way, everyday yeah, yeah I wanna be with you night and day~~ "Hindi mo naman sinabi na yan na pala ang mga tipo mo." Anito sabay tawa. Wala naman na akong nagawa, eh iyan ang kantang tumapat sa amin, eh. Saka favorite station ko ito kaya hinding-hindi ko 'to ililipat sa iba. Mga thirty minutes lang naman ang tinagal ng biyahe namin dahil wala namng traffic. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na sa sasakyan. Kumaway naman na ako sa kanya at hinayaan nang umalis. Kaya ko nang pumasok sa loob at mayroon namang guards sa bawat sulok ng campus. May isang lady guard ang nakakita sa akin at tinanong kung saan ako mag-e-entrance exam at sinabi ko namang , incoming Grade 3 na ako kaya sinamahan noya ako sa second floor kung saan nandoon ang mga mag-t-transfer papuntang 3rd grade. Nagpasalamat ako sa kanya bago umupo sa bandang likuran. Malakas kasi ang aircon kaya mas makakapagfocus ako kapag malamig na ang paligid ko. Yung ibang students, nakayuko lang habang naggihintay ng teacher samantalang ang iba'y nagbabasaba at nag-re-review. Ako, nandito lang, walang kasama sa last row habang tinatapos ang storybook ko. Makalipas lamang ang ilang minuto, dumating na rin ang teacher namin na nagngangalang Marian. Tumayo kami at binati siya ng good morning at ganoon din naman siya. Ako ang naatasang mag-opening prayer  bago magsimula ang test. "Get one and pass!" Aniya at dinistribute na sa mga nasa first row ang exam papers na hawak niya. Dahil wala naman nang nasa likuran ko, hindi na ako nag-abala pang ipasa ang papel, siyempre. Binigyan niya kami ng 1 hour and 30 minutes para sagutan ang four major subjects na naaa examination namin. Tiningnan ko ito at saka pinasadahan ng tingin ang iba. Natawa na lamang ako sa sobrang dali ng exam. Huminga muna ako ng malalim bago sabay-sabay na sinagutan ang lahat ng papel na nag-he-hello sa akin. Nang matapos na ako, tumayo na ako at ibinigay kay Teacher Marian ang aking papers na naging dahilan naman ng pagkagulat niya. "Tapos ka na?" Binuklat niya ang papers at mas lalo pang nagulat nang makitang nasagutan ko na nga ang lahat ng iyon. "Pero three minutes pa lang simula nung pinapasa ko 'to, ah?" Nginitian ko na lamang siya at nagpaalam na mag-c-cr muna. Gaya ng kanina, sinamahan ulit ako ng isa pang lady guard para raw hindi ako maligaw.  Wala namang nangyari at nang matapos na ako, bumalik na ako sa classroom and guess what, hindi pa rin sila natatapos magsagot. Tiningnan muna ako ni Teacher Marian sabay tawag sa akin. Tinanong ko kung bakit at inabutan niya lamang ako ng isa pang papel, isa pang test. "Meron ka pang isa pang exam na sasagutan." Mahinahon niyang wika at tumango na lang ako. Nagpunta ulit ako sa pwesto ko kanina bago sagutan ang bagong exam. Medyo nag-iba ng kaunti ang structures ng question at sa tingin ko, pang-higher level na ito. Matapos kong sagutan eh pinasa ko na ulit ito sa kanya. Binuklat niya ulit uto at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Nasagutan mo ito within.... six minutes only?" "Opo." Tugon ko at pinabalik na ako sa seat ko. Nakita ko siyang may tinawagan muna bago umalis nang dumating na ang kapalit niya. Dinala niya ang test papers ko at lumabas na ng room. Hinintay ko namang magbreak bago kami palabasin ng classroom. May kanya-kanya kaming guide na para bang mga yaya namin sila. Medyo naiilang ako sa kanila dahil hindi naman ako masyadong sanay na may nagbabantay pa sa akin. Gaya ng ibang transferees, umupo na lang din ako sa isang silya sa may canteen pagkatapos bumili ng pagkain. Habang kumakain, pinatawag ako ni Teacher Marian sa Principal's Office. "Hello po—" Matigilan ako nang makita si Mommy na nakaypo sa harap ng Principal na si Teacher Eli. "Hi Catalina!" Bati sa akin ni Teacher Eli. "Bakit niyo po ako pinatawag? Pasaway po ba siya?" Anang mommy pero sa tono ng pananalita niya. sa tingin ko nagbibiro lang siya. "Hindi naman po ma'am. Well, kanina po kasi, pagkatapos kong maipamigay yung test papers, three minutes after naipasa niya na po ang sa kanya and mas mataas pa po sa average grade ang nakuha niya, actually nga po na-perfect pa niya, eh. Then pagkatapos po nun, ang examination naman po na para sa 5th grade ang ibinigay ko and gaya po ng kanina nasagutan niya po lahat iyon ng tama within six minutes." Mahabang pagpapaliwanag ni Teacher Marian. Medyo natawa naman si Mommy sa pagpapahayag ng teacher namin. "Naku po, hindi naman po sa pagmamayabang pero parang ganun na nga, alam niyo po ba na etong anak ko, pang-ibang level po ang talino niya. Nakakuha nga po siya ng average na 98 eh sa former school niya. Oh 'di ba? At kung hindi niyo na rin tatanungin, 43 times na siyang nagchampion sa quiz bee competitions all over the world. Yeah! That's my girl!" Napailing na natatawa ang dalawang officials na nasa hatapan namin. Grabe naman si Mommy. Ang yabang! "Well ma'am, would you mind if... mag-pa-pa-take ulit po kami ng examintion sa kanya na applicable sa lahat ng grade levels nang malaman po namin kung saang grade level po siya dapat ibilang." Tumango na lamang si mommy sa sinabi ni Teacher Eli at iton, binogyan na nga nila ako ng exam papers na nasa 10 pages. Gaya kanina, pinasadahan ko lahat ito ng tingin bago sagutan ng tuluy-tuloy. Medyo nakakailang pa nga dahil lahat sila, nakatingin sa akin lati na rin sa the way kung paano ako magsagot. Nang matapos na ako, iniabot ko na ito kay Teacher Eli saka niya pinaghiwa-hiwalay ang mga papel bago ilagay sa scanner. "15 minutes and 34 seconds." Iniangat ni Teacher Marian ang kanyang braso upang makita ang oras sa kanyang relo. "Mrs. Abella thank you for coming. I-i-inform ko na lang po kayo tungkol doon sa updates ng schedule po bg anak niyo." Sabi ni Principal. Ngingiti-ngiti namang tumayo si mommy at nagpaalam na rin bago kami lumabas sa napakalamig niyang office. Pasigaw-sigaw naman si Mommy sa sobrang tuwa hanggang sa makarating na kami sa bahay. Buti nga nasa kotse kami dahil kung wala, mapagkakamalan siyang may mental illness. Tuwang-tuwa siyang pumasok at laking gulat ko nang makitang may napakalaking chicken na buo sa ibabaw ng lamesa. Ano na naman bang pakulo ito? "CONGRATS!" Napatulala ako nang makita ang mga pinsan ko na nakadungaw sa akin habang may pa-confetti pa. "Ano po ito?" Inilipat ko ang paningin kay Mommy na halos mapunit na ang bibig sa kangingiti. "Congratulations dahil na-perfect mo ang exam!" Seriously? Dahil lang doon? "Oh ano pang hinihintay natin? Tara na!" Tila ba mga gutom na lobo ang mga pinsan ko kung makatalon sa mesa para lang makaagaw ng favotite nilang food. Natawa na lang si Ate at inaya akong lumabas matapos kumain. "Kwek-kwek lang sapat na." Aniko sabay turo doon sa mama na nagtitinda ng street foods. Naglakad kami papalapit sa kanya at bumili ng sandamakmak na kwek-kwek. Doon na rin namin kinain dahil hindi namain gustong mabugbog at madumog ng mga pinsan namin. Nang matapos na kaming kumain, bumalik na kami sa bahay ngunit isang hindi maintindihang pangyayari ang aming nadatnan. Lahat ng pinsan ko at si Mommy maging si Daddy ay nakatayo ng sama-sama sa sala habang ang grupo naman ng mga kalalakihan na hindi bababa sa pito ang siyang nasa harapan nila at nasa pinakagitna ang amo nila't nakaupo pa ito mismo sa sofa namin. "Mommy? Daddy?" Tumakbo ako papalapit sa kanilabat niyakap silang dalawa. "Oh, what a very sweet family." Hindi ko alam kung paano maipapaliwanag ang kilabot na naramdaman ko nang marinig ang boses ng lalaking nakaupo sa gitna. Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at para ba akong nabingi nang sunod-sunod na putok ng b***l ang aking narinig. Nagsitalsikan sa akin ang dugo ng aking sariling pamilya at kasabay noon ang sabay-sabay din naming pagbagsak sa lupa. Mommy... Daddy.... Ate... Dahan-dahang nagdilim ang aking paningin at kasabay noon ang unti-unting pagtigil ng aking paghinga. *** Nagising ako sa napakaingay na paligid at the same time, napakalamig. Iminulat ko ang aking mga mata at umupo sa malambot na kama. Inilibot ko ang aking paningin, nasa kwarto akong madilim ngunit salamat na lang sa dim light dahil kahit papaano, may nakikita pa rin ako. Biglang sumagi sa aking isipan ang lahat ng nangyari. Pagkarating namin ni Ate galing sa kainan, nakita na lang namin sina Mommy, Daddy, at ang iba ko pang pinsan. Tapos may mga grupo ng kalalakihan ang nandoon sa harapan namin na silang dahilan ng pagkakabaril sa amin. Nawalan ako ng malay at paggising ko nandito na ako. Pero buhay ako, ang ibig-sabihin noon buhay rin sila... Tumayo ako at binuksan ang pinto. Maglalakad na sana ulit ako nang isang babae ang humarang sa aking dinaraanan. Bata rin siya katulad ko at mukhang approachable naman siya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko rito na masayang naglalakad habang hawak-hawak ako sa braso. "I am Leanne but they call me Hamida." Pagpapakilala naman niya. "Eh ikaw?" "Catalina." "WOW! Ang ganda naman ng pangalan mo." Sinundan ko lamang siya sa kung saan siya pupunta. Hindi na ako sumagot at sumabay na lang sa kanya sa pagpasok sa isang opisina. Nakaupo sa dulo ang isang matandang babae na nakasuot ng salamin at may hawak na libro na para bang 100 years na ang tanda. Pinaupo niya ako sa harapan niya at tinanong ang buo kong pangalan. "I am Catalina Abella, 4 years old." Nakayuko kong pagpapakilala Binuklat-buklat naman niya ang kanyang libro at nahinto sa bandang gitna. "Introduce yourself." Utos niya sabay bantay sa mga nakasulat sa libro niya. "I am Catalina Tatiana Garcia Abella, 4 years old, my blood type is AB negative and my sun sign is Leo. My height is 122 cm and 45 lbs..." Hindi pa rin talaga mawala sa aking boses at tono nito ang pag-aalala sa mga nangyari. Hindi ko alam kung nasaan na sina mommy, daddy, ate, at ang mga pinsan ko. Pinindot niya ang bell at wala pang isang minuto nang isa na namang babaeng medyo bata sa kanya ang pumasok sa opisina. May nameplate ito na ADANYA at sa tingin ko, siya ang personap assistant nito. "Paki-tour siya rito." Maawtorudad niyang tugon at inalalayan na niya akong makalabas. "Gusto kong ma-familiarize na kaagad siya sa lahat ng bagay pati sa lahat ng tao." "Ate Adanya, saan niyo po ako nakita? Paano po ako napadpad dito?" Diretso kong tanong sa kanya pagkalabas na pagkalabas namin doon. "Nakita ka naming nakabulagta sa tabi ng daan. Nasa labas ka ng bahay niyo ay walang lasama ninuman." Agad niyang sagot. "Noong nakita niyo po ako, sinilip niyo po ba ang bahay kung saan niyo ko nakitang nakabulagta? May mga tao po ba roon?" Sunod kong kuwestiyon. "Hindi. Basta ang ginawa lang namin, kinuha ka namin at dinala na rito sa school." Mahinahon niyang tugon. "Nasaan po pala ako?" Naglakad pa muna kami bago huminto sa isang arch kung saan nakaukit ang pangalan ng lugar kung saan ako naroroon. "Welcome to Dikarsa Academy, the School for Villains!" End of Chapter 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD