CHAPTER SIXTEEN

1208 Words
AXL Masyadong intense ang kaganapan sa bago naming hideout. Gaya nga ng nakita kong ekspresyon sa mukha ni Death Slayer, sumasang-ayon ako na medyo imature sila. "Magsisimula na ba tayo?" tanong ko, hindi pa rin natatapos ang g**o. Sinamaan lang nila ako nang tingin at hindi ako pinansin. Dapat nga matuwa sila kasi kinakausap ko pa sila. "Hintayin na lang natin brad na matapos ang boxing," inakbayan ako ni Haji, wala akong ibang makita sa kanyang mukhakundi ang labis na tuwa. "Ang lalakas ng mga miyembro natin, noh?" "Mamamatay din naman sila pagdating ng panahon," sabat ko dahilan para mapakunot ang kanyang noo. "Ano ka ba? Walang malalagas sa atin, strong kaya tayo!" Iniangat niya ang kamao, "Ewan ko na lang sa'yo." Napangisi ako, "Lalabas na ako." "H'wag muna, malapit na rin sigurong matapos ang komusyon," hinarang niya ako ng bisig niya at iniharap sa stage kung saan naglalaban ang tatlo. Si Jackie laban kina Hamida at Death Slayer. "Psst. Zelofina," Lumingon siya at lumapit sa amin, "Bakit---" inakbayan din siya nito. "H'wag mong sabihin na makikisama tayo sa g**o nila?" "Balak ko nga sana pero naisip ko na mas maganda kung manunuod na lang tayo," hinila niya ang tatlong upuan at pinaupo kami roon. "Tsaka wala rin naman tayong ambag. Alam niyo ba trivia lang 'to, pansin niyo, mas magandang manuod ng away kaysa ang mang-awat." "Pero marami ang masasaktan kapag nagpatuloy ang g**o," si Zelofina "Mali, mas maraming masasaktan kapag may umawat. Kasi tingnan mo, may dalawang nag-aaway, ta's may umawat na isa, edi damay na siya. Paano kung yung umawat eh may kasama, edi naki-resbak na rin siya hanggang sa yung simpleng away-bata naging riot na," napakahabang pagpapaliwanag niya. May point naman siya roon, kaso nga lang pang-imature ang utak niya. Ano 'yon, mas gugustuhin niya ang g**o kesa kapayapaan?  "Nasa Dikarsa tayo. Tinuturuan nila tayo kung paano magpakasama kaya dapat habang bago pa talang kayo, sinasapuso niyo na ang mga tinuturo nila," dagdag pa niya. "Alam ko Zelofina na magtatanong ka pero tama ang narinig mo, tinuturuan nila tayo maging masama para makaganti sa mga umagrabyado sa atin." "Paano si Jackie?" pag-agaw ko sa atensyon nila "Anong si Jackie?" kunot-noong sabi ni Haji "Walang masamang nakaraan si Jackie kaya ano ang dahilan kaya siya napunta rito?" isinara ko ang device at tumingin sa kulay berdeng kurtina. "Hindi ko alam," nagkibit-balikat siya. "Baka kasi isa siyang athlete sa former school niya," sagot ng katabi niya. "And then na-discover siya kaya siya kinuha." Napatangu-tango ako, "Ayon sa records niya, ilang gabi lang siyang tinuruan ng hand-to-hand combats at natalo na kaagad niya ang guro niya,"  "Sa pagkakaalam ko, lahat tayong andito ay kinidnap nila," usal ni Zelofina. "Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon, hindi ko alam kung bakit sila desperadong makuha tayo. Para saan ba at para kanino kaya nila ginagawa ang mga bagay na ito?" "Para sa Walton League," napadako ang tingin namin kay Hamida, kasama na niya ang dalawa. "Tada! Bati na kami!" masaya niyang sabi at inaya na kaming tumayo. "Ganun-ganon lang?" nataawa pang tugon ni Haji. "Tae naman, oh. Nakatutok kaming tatlo sa inyo tapos hindi ko namalayan na nagkakabati na pala kayo." "Wala naman kasing mangyayari kung ipagpapatuloy namin ang away," itinago na ni Death Slayer ang Samurai.  "Nagsasayang lang kami ng oras," inihagis na niya sa nagmamay-ari ang flamethrower. "I am the leader kaya dapat ako ang nagpapasimuno ng magandang asal--- I mean, masamang asal." Inayos namin ang upuan at pinaikot. Para kaming nasa household at mag-sh-share ng kung anu-ano.  "So, itutuloy natin ang primary mission niyo na hindi naman natuloy," panimula ng master, "Sa pagkakaalam ko na balak niyong subaybayan ang lahat ng kilos ni Master Yula kaso nga lang may nangyari. Naisip ko sana na mas maganda kung mas marami tayo, tama?" "Yepzzz," singit ni Haji. "The more the merrier," "Pero bago 'yon, kailangan muna nating maging handa sa mga kagamitan," dagdag niya. "Kailangan ng secret cam, ilalagay na lang natin ang lens sa isang maliit na chip kasama ng audio recorder para hindi nila mahalata." "Tama na ba ang isa?" Inilista ko kaagad ang mga kailangan. "No, walo ang kailangan. Chip para sa loob ng opisina, chips para sa atin at para sa kanya," ipinatong niya ang magkabilang kamay sa mesa. "Pero ang satin ay naiiba, para rin siyang chip na merong audio recorder at lens kaso pa-contacts ba. Ilalagay natin ang mga iyon sa mata natin, para hindi na tayo mahirapan pang kalikutin ang mga chip na isisiksik natin sa bag natin.  Tsaka para kung ano ang hagip ng mata, iyon ang hagip ng camera." "Paano ako?" Tinuro ko ang sarili, "Ako ang mag-mo-monitor sa bawat galaw niyo kasi sa wide screen lang naman ako nakaharap, kailangan ko pa ba noon?" Agad siyang tumango, "Hindi mo maiiwasang lumabas sa dorm mo, mas maganda na rin ang handa." "Kailangan ko ng dalawang araw," paninigurado ko. "Dadalhin ko na lang dito ang mga chip sa Linggo, alas-dose ng tanghali, saktong break ng mga faculty members." "Tutulong ako," itinaas ni Haji ang kamay. "Ako rin, para mas mabilis," si Zelofina "Sige, kayong tatlo ang gagawa ng chips," inilista ni Jackie sa papel ang mga gagawin namin at ibinigay sa amin. "Okay, paano naman kapag natapos na niyang gawin?" Usal ni Death Slayer. "Kailangan ko ng blueprint ng Dikarsa," Naghanapan sila kung sino sa kanila ang may dala ng blueprint, medyo nainip na si Jackie kaya ako na lang ang nagprisinta. "Meron akong soft copy," in-expand ko into 9 screens ang device na hawak ko. Inilipat ko ito sa folder kung saan nakalagay ang blueprint. "Eto na, nakahanda na rin ang pins jan para sa kung saan mo kami i-aasign." "Ganito, sakto ang limang departments sa inyo. Kung saang klase kayo nabibilang, doon kayo. Ako naman ang sa Main Building dahil ako ang may access doon. Free rin akong makapasok sa opisina ni Master Yula kahit kailan ko gusto." "So, maglilibot lang kami buong araw?" Tanong ni Hamida. "No. Gagawin niyo lang ang gusto niyo, unless na umilaw ang mga contacts niyo. That means na nasa paligid lang sina Master Yula at Mr. Givons na assistant ni Mr. Dalion." Okay so, may idadagdag pa pala. "And since nasa Sarkasa ang Wide Plaza, kailangan mas maingat at maging mas vigilant ka, Zelofina." Tumango lang siya. "Paano pala sa Restricted Area?" Sabat ko. "Hindi ba nakakapunta rin doon si Master Yula dahil siya ang kanang kamay ng Sorceress?" Ngumiti ito, "May chip akong ilalagay sa singsing niya kaya wala na tayong dapat ipag-alala pa." Naputol ang usapan namin nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Master Yula. "Good morning kids!" Bati niya. "Wala ba kayong mga klase ngayon?" Nanigas kami sa kinauupuan. Mabuti na lang at naitago ko kaagad ang device dahil kung hindi, malalaman niya na nay pinaplano kami. "Are you plotting something?" Walang sumagot ni isa sa amin. "Bakit kayo nagkakatipon dito?" "Sayang po," tumayo si Zelofina. "Malapit na po kasi ang Main Event kaya napag-isipan po naming magplano ng surprise para po sana sa seniors at masters," bahagya pa siyang tumawa. "O—oh, sorry. Nakaistorbo ata kami sa inyo," napansin kong sumulyap muna siya kay Jackie bago umalis. Okay so... what's with that glimpse?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD