CHAPTER FIFTEEN

1149 Words
DEATH SLAYER "Magandang balita para sa akin ang makita ang progresyon ng pagsasanay ninyo," kaming tatlong lang nina Jared at Master Haidi ang nandito. "Nakakatuwang isipin na mabilis kayong matuto kahit tumatagal pa lang ang pagsasanay natin ng dalawang linggo." Inilagay namin ang mga kamao namin sa harapan at pinagkrus bago yumuko, "Salamat po, Master." "Tapos na tayo para sa araw na ito, kailangan niyo nang umuwi at dumalo ng klase niyo," Tumayo ako't sumabay sa pag-alis ni Jared. Na-interrupt pa talaga ang klase namin dahil sa ginawa ni Mr. Dalion. Bakit ba kasi siya nagsusunud-sunuran kay Ms. Yula? Baliw 'yon, eh! Sa 'di kalayuan, napansin ko ang mga batang nagkakaisa. Yung lalaking nakasalubong ko kahapon at ang dalawa pang babaeng kasama niya. Zelofina at Hamida ang basa ko sa nameplate nila. Natawa ako. Ano na naman kayang pinaplano nila? Sa pagkakaalam ko sila ang Brotherhood, nakakatawa ngang isipin na kung anu-anong pagpaplano ang ginagawa nila para lang mahuli ang Eagle-Eyed na sinasabi nila. "Death Slayer!" Pag-agaw ni Haji sa aking atensyon. Siya na naman? "Tara sama ka!" Umiling ako at lalampasan na sana sila pero tinawag pa ako ng isa niyang kasama, si Hamida. "Sali ka sa amin, masaya rito!" Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila pero noong hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko, sila na mismo ang naglakad patungo sa akin. "Bakit ba masyado kang suplado?" Hinampas ni Hamida ang balikat ko. "Maki-get in on ka naman paminsan-minsan. H'wag kang puro Jared." Paano niya nakilalasi Jared? "Palagi kasi kayong magkasama kapag nakikita naming naglalakad sa bridge," pagsagot ni Zelofina na para bang nababasa niya ang nasa utak ko. "Nabasa ko nameplate niya, Jared." "Ah, ganun pala," sabi ko na lang. "Gusto mo bang sumama sa group namin?" Invite sa akin ni kulit. "Kung curious ka kung sino si Eagle-Eyed, pwede kang sumali sa amin at tuklasin ang tao sa likod nito." Bahagya akong natawa. "Gusto niyo talaga, noh? Hindi niyo siya mahuhuli kahit ano pang gawin niyo." "At paano mo naman nasabi?" Si Hamida. "Kung makapagsalita ka parang kilala mo na siya." "Kilala ko talaga," mayabang kong ani Nanlaki ang mga mata nila at halos mayanggal na ang panga. "Sino?" Munt*nga si Haji. "Bakit ko sasabihin? Hindi ko naman kayo kilala-" "I am Hamida, Leanne Sandiego," inilahad niya ang kamay sa akin na sinundan naman ng dalawa pa niyang kasama. "Haji Malinao," "Zelofina, Catalina Abella," "Oh, ngayon kilala mo na kami. Sali ka na sa amin," pamimilit ni kulot. "Alam mo kasi, Zelofina..... uh..... hindi ako interesado kaya pwede ba, padaain niyo na ako!" Napagtaasan ko sila ng boses sa sobrang inis. Unting kibot na lang talaga nila, magagalit na ako. "Isipin mo na lang yung mga gusto mong paghigantihan," pumasok bigla sa eksena si s*******r X. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Axl Mendez, at your service." "s*******r X," I sighed. "Ang palaking higugot sa dilim." "Don't underestimate him," singit naman ni Zelofina. "Gaganyan-ganyan lang 'yan pero malaki ang tulong niyan." "Oo nga, pero kung wala siyang dalang laptop at headphones, wala siyang magagawa kundi ang umupo sa tabi—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sa pagdating naman ng panibago kong kaaway. "Balak mo rin bang sumali?" Nakakrus ang mga braso ni Jackie na naglalakad papalapit sa amin. "Oh, mas maganda kung isama mo na rin si Jared, mas lalakas tayo." Tinitigan ko si Jackie, mas mapapalapit ako sa kanya kung magkakasama kami sa iisang grupo. Nasa kabilang klase siya kaya minsan ko lang siyang makita pero kung sasali ako sa Brotherhood, mas mapapag-aralan ko ang mga kilos niya. "Oo. Matagal ko nang pinag-iisipan na makisama sa inyo," sana mapansin niya na galit ako. "Ayon," napapalakpak si Haji sa hangin nang marinig ang sinabi ko. "Si Master lang pala ang solusyon." "Master? Master ang tawag niyo sa kanya?" Tinuro ko siya. "Oo, kasi siya ang leader natin." Mas lalong nanlisik ang mga mata ko. "Pero hindi ba bago lang siya?" "Oo, kaso may experience na siya sa pagiging Master kaya siya na lang ang napili namin," paliwanag niya. Siya na naman. "Bakit? Ayaw mo ba?" Kakaiba talaga ang tono ng boses niya, halatang nang-aasar talaga. "Mas maganda nga naman kung ang may karanasan na ang mamumuno sa atin," sambit ko. "Tayong anim lang ba?" "Oo," maikling sagot ni Hamida. "Hindi ko naman alam kung sino pa sa mga estudyante ang nais sumali sa atin, hindi naman tayo ganuon kasikat para mapansin, 'di ba?" Nagawi ang tingin ko kay Hamida. "Good, edi welcome to the club!" Sinalubong nila ako ng isang nakakadiring yakap. "Brotherhood..." inipon nila ang mga kamao sa gitna, ganoon na lang din ang ginawa ko. "On the go!" Sabay pinasabog nila sa hangin ang mga kamay. Inakbayan ni Haji si Jackie at naglakad. Psh. Para-paraan. "Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Zelofina. "May bakanteng classroom sa Voodoo, doon na lang muna tayo," suhestiyon ng kaibigan niya. Sinundan lang namin siya hanggang sa makalabas na kami ng Sarkasa, tumawid kami sa malawak na tulay patungo sa department ng Voodoo. Dinukot ni Hamida ang keycard niya at itinapat sa pin scanner, kusa namang bumukas ang spooky na double door at bumungad sa amin ang isang madilim na hallway na napaliligiran ng mga kulay lilang kurtina. Pebbles ang sahig nito kaya medyo masakit talaga sa paa. Unting lakad pa namin at tumambad na sa amin ang isang napakalawak na lobby. May nakasabit na chandelier sa pinakatuktok na binubuo ng mga kulay lila ring ilaw. Basta ang mga nagbibigay liwanag na bumbilya na dapat ay kulay puti ay pinalitan ng kulay violet. Hindi ko alam kung ano ang sumisimbolo rito. Wala rin naman akong pake. "Eto yung sinasabi long bakanteng classroom," huminto kami sa tapat ng isang napakalaking pintuan. Pinihit niya ang doorknob at tinulak ito. "Whoa..." napatakip sa bibig si Haji sa nakita. "Akala ko ba bakanteng room ito?" Napupuno ito ng mga nakasabit na candle lights at malaking purple carpet. Nasa bandang kaliwa ang isang hanging shelf na naglalaman ng mga librong sa tingin ko pang-witchcraft habang sa kanan naman nakalagay ang mga likidong hindi ko alam kung ano ang gamit. Sa pinakadulo ng room nakatayo ang itim na baldachin na pinamumugaran na ng vines. Luma na kung tutuosin pero ang astig pa ring tingnan. "Dati ba 'tong chapel?" Iginala ni kulit ang mata habang pianoahid ang mag daliri sa sandalan ng upuan. "Hindi ko alam," nagkibit-balikat siya. "Basta nalaman ko lang ang tungkol dito nang i-tour ako ni Madam Ula sa buong department." "Madam Ula," Jackie chuckled. "Ano bang problema mo?" Nahati ang grupo sa dalawa. Ako at si Kulit ay inawat ang master samantalang sina Kulot at Axl naman ang umawat kay Hamida. "Bakit kaya hindi mo itanong sa loko-loko mong amo?!" Bwelta pa ng pinuno. "G*GO KA JACKIE! G*GO!" Tinakpan ni Zelofina ang bibig ni Hamida uoang hindi na niya matuloy pa ang sasabihin. Hin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD