CHAPTER FOURTEEN

1280 Words
HAJI Hindi pa nga natatapos ang usapan, isang sigaw na agad ang pumuno sa buong pasilyo. Nalingon kami sa kinaroroonan ng tunog, doon banda sa Corion. Hinablot ko ang keycard na hawak ni Jackie at tinakbo ang Corion, kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari. Bumukas ang naglalakihan nitong mga pinto at iniluwa ang mga gwardya habang hawak-hawak ang nagpupumiglas na si Mr. Dalion. "What's happening?" Nasa likuran ko na kaagad ang babae. Hindi ko lang siya pinansin at palihim na sinundan ang mga lalaki. Dinala nila sa ilalim si Mr. Dalion, patungo iyon sa Miyerto Prison. "Bakit siya ang kinukuha nila?" Nagtatakang tumingin si Axl sa kasama. Nakita ko siyang ipinasok sa isang selda, sa isang ordinaryong selda kasama ang iba pang mga preso. Nagawi ang tingin niya sa amin at pinalisikan kami ng mata. Sinulyapan ko ang dalawa na tila ba hindi natitinag sa mga titig niya. Inagaw muli ni Jackie ang keycard at ipinakita sa mga gwardya, nag-bow sila rito at pinatawid sa sliding bars. Lumapit siya sa rehas at kinausap si Mr. Dalion. Isinuot na ni Axl ang headphones samantalang ako'y nakatanaw lang. "Ano pong nangyayari?" Kinausap ko ang isa sa mga bantay. Wala naman itong ginagawa kaya mabilis niya akong nasagot. "Nahuli na ang may kagagawan ng pagsabog sa Sarkasa," hindi man lang siya nag-angat nang tingin sa akin at inayos na lang ang mga papel na nasa harapan niya. "Kung ako sa'yo, boy, aalis na ako rito bago pa ako matulad sa mga preso." tinuro niya rin ang kasama ko. Wala naman na kaming nagawa kundi ang umakyat palabas ng kulungan. "Bakit siya naiwan sa loob?" Naguguluhan ako. Ayokong aminin na b*bo ako pero mahina akong umintindi ng mga bagay-bagay. "Siya kasi ang ahead," tinanggal niya ang nakasalpak sa tainga. "Kahit ba sabihing bawal ang bata roon, nasa kanya pa rin ang special keycard na naibibigay lang sa mga Master at Seniors." "Nandito ka na pala," pinasadahan ko nang tingin ang buo niyang katawan, sinisipat kung meron siyang nakatagong chip o ano. "Naniniwala ka na ba?" Hindi lang nagsalita si Axl. "Paano naman kami nakakasigurado na siya talaga ang may gawa?" Inilipat niya ang tingin sa katabi ko. "May ipinasa sa iyong footage ang mga guards, nakalagay doon ang mga naganap bago at pagkatapos ng pagsabog. Sagap niya ang buong school kaya mas nakabubuti kung sa wide screen ka manunuod." Napayuko siya at naglakad na palayo. Nawalan ulit siya ng ganang magsalita. Bilang lang talaga ang mga oras na ganuon siya. Bigla kong naalala ang utos sa akin ni Jackie, kailangan ko nga palang bantayan ang dalawa. Dali-dali akong nagpunta sa ER. Ganoon pa rin ang posisyon nila, ang kinaibahan nga lang, mas naging kumportable na sila. Umupo ako sa gitna ng mga kama nila at sumandal. Ano kayang magagawa ko kung sakali mang may umatakeng kalaban? Hindi naman ako magaling sa hand-to-hand combats kaya ipagdarasal ko na lang sila. Minsan nga iniisio ko kung ano kayang dulot ko rito sa mundo? Napahangad ako dahilan para mahagip ng mata ko ang dalawang dextrose sa ibabaw nila. Pinanuod ko ang likidong dumadaloy patungo sa kanila. "Ayshe! Ang b*bo ko talaga!" Nakotongan ko ang sarili dahil sa naisip. Pinagmasdan ko ang mga nagbabantay, mukha naman silang mapagkakatiwalaan tsaka wala pa naman akong naririnig na mga naaksidente at namatay sa loob ng ospital. Lumabas ako roon at tinawid ang masukal na tulay patungo sa department namin. "Welcome back, boy!" sinalubong ako ng grupo ni Nia ng kotong. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Oy, masyado ka namang suplado!" nagpahabol pa sila ng dalawang tadyak. "Kinakausap ka pa—" Napahiyaw na lang sila nang paganahin ko sa kanila ang flamethrower na napuslit ko sa Weapon Room noong isang gabing tahimik. Saka ako kumaripas nang takbo bago pa may makakita sa akin. Kinuha ko ang dalawang paper clip at binuksan ang naka-lock na laboratoryo.  Dito namin madalas ginagawa ang mga activity namin tuwing Sabado. Binuksan ko ang Potion Book na naka-display sa bookshelf. Binuklat ko ito sa bandang hulihan at binasa ang mga kakailanganin. Sinunod ko ito at pinaghalo ang formula sa isang maliit na bowl. Nang lumabas na ang tamang kulay nito, agad ko siyang nilagay sa plastic at isinilid sa maliit kong backpack. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng building at pabalik sa ospital. Pero papalapit pa lang ako sa entrada, hinarang na kaagad ako ng isang epal na gwardya. "Bawal 'yan dito, boy," may hawak siyang kulay gray na metal detector. "Ang alin?" pagmamaang-maangan ko "Iyan mismo, bawal ang backpack dito sa loob." "Huh? Magdadala lang ako ng pagkain," pagpapalusot ko. "Nasa loob yung mga pinsan ko." Nagtipa siya sa harap ng monitor at tinanong ang pangalan ko. Maya-maya pa, napailing siya sa nakita. "Hindi mo naman pinsan sina Zelofina at Hamida." "Ah... e... basta mga... parang pinsan ko  na rin sila sa sobra naming close tsaka dadalhan ko sila ng pagkain," pagpupumilit ko. Napa-tsk-tsk na lang siya. "Hindi nga pwede, h'wag ka nang makulit," itinuwid niya nang todo ang kamay para maharangan ang daan. Sinamaan ko siya nang tingin at unatras na. Wala akong laban sa kanya. Kung sasabuyan ko siya ng apoy, magkakaroon lang ng eksena. Lalo lang lalala ang g**o, baka nga mapatapon pa ako sa Miyerto. Nakasalubong ko ang isa sa mga tauhan ni Jackie sa Corion. "Death Slayer..." nginitian ko siya. "Bakit ka nandito? May dadalawin ka ba sa loob?" "Naligaw lang ako," mahina pero naiitindihan niyang sambit. "Tabi." Napaatras ako nang sabihin niya iyon, "Teka, may tatanong lang ako." "Wala akong interes makipag-usap," aalis na ulit sana siya pero aksidente kong nahatak ang kwelyo ng damit niya. "Wait, teka. May tatanong ako tungkol sa—" natigil ako noong bigla niyang hugutin ang Samurai sa bulsa niya at itutok sa leeg ko. "Sabing h'wag mo 'kong kausapin," pinandilatan niya ako ng mata. "Pwede kitang kausapin pero hindi mo ako pwedeng kausapin." Ibinaba niya ang bolo at tuluyan nang lumayo. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang problema niya? Nagtatanong lang, eh! Palaging galit. "Talo ka lang ng babae kaya ka ganyan!" Pahabol ko pa para maasar siya lalo. "Magpaka-bakla ka na lang kasi! Available naman ako, eh!" Tatawa-tawa akong umakyat sa second floor at tumapat sa isang vault, binuksan ko iyon at pumasok sa loob ng vent. Nagpagapang-gapang ako sa masukal at nakakadiring lugar na 'to bago huminto sa tapat ng ER. Tahimik kong kinalikot ang keyhole gamit ang susi na nadukot ko sa bulsa nung supladong Death Slayer. Natagalan ako bago nakapuslit sa loob. Buti na lang at tutulug-tulog sa pansitan ang mga nagbabantay kaya hindi nila ako napansin. Tumalon ako sa gitna ng kama nila at umupo sa pwesto ko kanina. Inilabas ko ang formula at ang dalawang syringe. Pinuno ko iyon at saka itinurok sa mga balat nila. Mabilis kong naitago sa ilalim ng kama ni Zelofina ang backpack bago pumasok ang isang nurse. Nagtaka pa siya noong una nang makita ako pero binalewala rin naman niya. Pinalitan niya ang dextrose at umalis na kaaagad. Paglabas ng nurse, agad kong tinanggal ang mga nakakabit sa kanila, baka kasi hindi gumana. In-orasan ko, isang minuto, dalawang minuto, tatlo hanggang sampu at para bang wala pa ring epekto. Hanggang sa umabot na ng dalawampu. May naramdaman akong kakaunting paggalaw. Inatras ko ang upuan para mas makita ko sila. Maya-maya pa, narinig ko na ang halinghing ni Hamida, dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Sumunod naman si Zelofina. "Twenty minutes," "Twenty minutes alin?" saad ni Hamida. Parang walang nangyari kung magsalita siya. Hindi bakas ang labis na paghihirap sa boses niya. "Saktong twenty minutes ang itatagal ng potion na ginawa ko bago umepekto sa katawan niyo," sagot ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD