Nagdaan ang umaga at tanghali ng si Xyl lang ang kasama ko. Aso pala sya susginoo. Kaya pala pinaliliguan pa at pinapakain kasi hindi naman talaga nya kaya.
Ang amo ko naman ay nasa trabaho na. Pagkatapos niyang kumain na hindi man lang nabawasan ang fried rice ay umakyat din sya at nagbihis. Hindi na din kami nag-usap pagkatapos ng introduction-keme niya kanina dahil hiyang hiya na rin ako. Buti na lang at hindi nya pinansin ang huli kong sinabi.
"Xyl tara na kasi sa loob" kanina ko pa niyayaya si Xyl pero ayaw nya talaga. Iniwan ko na sya pero hindi talaga sya nagpapatinag kaya wala din akong choice kundi ng balikan siya at samahan.
Mag-aala singko na at kailangan ko ng iinit ang mga niluto ko na pang hapunan talaga kanina kase baka dumating na ang amo ko. Maaga kasi akong nagluto dahil hindi ko alam kung anong oras siya umuuwi. Baka biglang dumating tapos gutom pala bago walang makain. Mukha pa namang masungit yon.
"Xyl malamig na dito. Let's go inside please?" kausap ko pa na akala mo ay sasagot siya sa akin. Hinaplos ko ang malago niyang balahibo na puting puti. Napakalambot niyon at talaga namang napakalaki rin ni Xyl.
Nagulat pa ako kanina ng bigla niya akong dambahan. Napaupo pa ako sa sahig at muntik ko na syang maitulak ng malakas kundi ko lang nakita ang amo ko na nakamasid sa amin habang patungo sa kanyang sasakyan.
Nakaalis na siya ay hindi pa ako nakakatayo dahil hindi umalis sa ibabaw ko si Xyl at patuloy pa rin ang pagdila sa mukha ko. Si Mang Nestor naman ay matagal bago nakabawi at tinulungan ako sa pag-alis kay Xyl. Mailap daw kasi si Xyl sa tao at kahit siya ay matagal bago nakuha ang loob nito. Para daw itong ang amo. Kaya takang taka sya at ganoon na lamang ang reaksyon ng aso ng makita ako. Mukha ba akong aso rin sa paningin ni Xyl kaya ganon na lamang sya sa akin?
Napatigin akong muli sa relong pambisig ko at napahinga ng malalim ng makitang limang minuto na lamang bago mag-ala singko.
Napailing akong nakatingin kay Xyl ng makitang nakatingin din siya sa akin.
"haynako Xyl." Sumusukong sabi ko bago sya nilapitan at kinarga. Nahirapan pa akong itaas siya dahil ang laki nya talaga pero nagawa ko naman. Bakit naman kasi tinanggal ni Mang Nestor ang leash ni Xyl tapos hindi naman niya sinabi kung saan nya nilagay. Dinala ko na rin sya papasok sa loob ng bahay at agad na isinarado ang pinto.
Kanina pagka-alis ni Sir ay agad akong nagpaturo kay Mang Nestor ng aking mga dapat gawin. Ipinaalam din niya sa akin ang mga kwarto na maaari ko lamang pasukin at alin ang hindi. Nahirapan ako sa paglilinis dahil sa laki ng bahay pero natapos ko rin naman. Pagkatapos ko naman maglinis ay saka ako nagluto ng panghapunan at ngayon lang talaga yung pinaka-pahinga ko.
Naaalwanan ako sa trabaho ko dahil ako lamang naman mag-isa at wala pa ang amo ko. Hindi ako naiilang kumilos. Baka kasi kapag andito ang amo ko puro paglandi at pagpantasya ang atupagin ko.
Nagkwento rin si Mang Nestor sa akin kanina tungkol sa amo ko. Ang pangalan daw ni sir ay Lance Isaiah Miranda at 30 years old na raw ito. Nagulat ako ng malaman ang edad nya dahil akala ko ay magkasing edad lamang kami. Napakabata niyang tignan. May kapatid raw si sir Lance na isang lalaki rin pero nasa ibang bansa raw kasama ang mga magulang nila. Mag-isa lamang daw itong naninirahan dito sa Pilipinas at namamahala ng negosyo nila dito. Tinanong ko pa kung may asawa na si Sir dahil nasa trenta na siya pero wala daw. Hindi rin daw iyon nag-uuwi ng babae rito at wala din daw syang nababalitaan na may girlfriend ito. Hindi ko maintindihan kung bakit parang natuwa ako ng marinig iyon pero agad ko ring pinagsawalang bahala dahil katulong ako at sya ang amo ko. Hindi rin pala maganda na isipan ko ng kung ano-ano ang amo ko. Kailangan ko ng pera kaya narito ako at hindi kung ano man na kakaiba.
Sinabi niya na hindi raw talaga si Sir kumakain ng rice kapag breakfast. Dapat daw lagi ring may kape. Ayaw din daw ni sir ng maingay at gusto nya ay laging malinis si Xyl at dahil daw ako na ang narito at kasundo ko naman si Xyl ay ako na raw ang maglilinis at magpapakain lagi sa kanya. Lagi rin daw si Sir wala at hindi umuuwi dahil may condo itong malapit sa company nila at siguro ngayon ay hindi iyon uuwi. Hapon na rin kasi.
Naghintay ako ng hanggang alas otso sa sala at muntik pa akong makatulog roon pero hindi dumating ang amo ko.
Tumayo ako at inalis ang inihain ko sa dining table para sana kay Sir at pagkatapos kong maligpit iyon ay sinilip ko muna si Xyl na nakatulog na sa sofa sa living room. Hinayaan ko na sya roon at sinigurado muna na nakalock ang lahat bago ako nagtungo sa sariling kwarto para magpahinga.
Nakahiga na ako sa kama at handa ng matulog ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Kinuha ko ang phone ko na may basag na sa tabi dahil naroon pala ito sa bulsa ko ng itulak ako ng isa sa mga tauhan ni Mr. Perez kahapon at nabasag iyon. Napangiti naman ako ng makitang ang kababata ko pala iyon.
From Kellian:
"Where are you? Wala ka sa inyo kahapon pa ah"
Kellian and I are friends since we were kids. Magkapitbahay kami at sya ang apo ni Lola Mandy na pinaglalabahan ko kapag may bayarin sa school para may pambayad ako. Ang mga magulang nya ay nasa probinsya at sa lola nya na talaga sya tumira mula nung bata pa sya. Naging magkaibigan kami noon dahil parehas ang aming paaralan na pinasukan noong elementary at high school pero nung college ay magkaiba kami ng course. Education ako habang sya naman ay nag-engineering. Gusto nya pa nga noon na mag-education na lang din para magkasama daw kami pero isang sapok ang inabot nya sakin. Hindi sya pwede doon ng dahil lang sa andon ako.
Hindi ko kasi nasabi sa kanya na inalok ako ni Tiya Loring ng trabaho. Wala kasi sya dahil mayroon silang project na bahay na kelangan gawin sa Bulacan. Siguro ay kahapon lamang sya nakauwi.
To Kellian:
"May trabaho na ko! Stay in ako dito sorry di ko nasabi."
Napangiti naman ako ng agad syang nagreply.
From Kellian:
" Saan yan? Anong trabaho? Kelan pa?"
To Kellian:
"kahapon lang. Katulong ako sa Miranda"
From Kellian:
"Okay ka lang naman ba dyan? Alam ni tito?"
Hindi alam ni tatay kung nasan ako pero alam nya na may trabaho na ako. Hindi ko na rin binanggit na dito sa Miranda dahil baka magpumilit pa yon na pumarito at manggulo pa.
To Kellian:
"Okay lang ako. Hindi alam ni tatay, ayoko sabihin."
From Kellian:
"Okay. Andito lang ako lagi. Mag-iingat ka. Let's meet soon."
Napangiti ako ng mabasa ang huling mensahe nya bago ko pinatay ang phone at hindi na sya nireplayan. Pinatong ko naman yong phone sa maliit na lamesa sa tabi ng kama.
Mula noon ay si Kellian na talaga ang karamay ko sa lahat. Iyakan ko sya noong bata pa kami kapag pinapalo ako ni tatay, sya lang ang lagi kong kalaro dahil ayaw ng ibang bata sakin dahil matapang daw si tatay, siya ang lagi kong kasabay sa canteen pagkain noong high school, siya din minsan ang nagbabayad ng pamasahe ko sa tricycle kapag wala akong pera para hindi ko na lakarin. Noong college naman ay kahit magkalayo ang building namin ay lagi nya akong hinahatid at sinusundo at sa tanghali naman ay lagi rin kaming sabay kumakain. Tinutulungan nya rin ako sa mga projects ko kahit na magkaiba ang aming kurso at sabay kaming nag-aaral palagi. Matalino kasi yoon.
Muntik pa akong magrepeat noon sa fourth year nung college dahil naging pabaya ako dala na rin ng problema sa amin ni tatay at ng malaman nya yon ay hindi nya talaga ako tinigilan. Sinamahan nya ako mag-aral at nireview nya ako kahit na meron din silang exam. Sobrang tuwa namin ng makapasa ako at nilibre nya pa ako sa sinehan noon. Maging nung graduation namin ay mayroon syang regalo sa akin pero wala man lang akong naibigay sa kanya. Pero tuwing birthday nya at pasko ay nireregaluhan ko sya at pinag-iipunan ko talaga yon.
Kahit Engineer na sya ay hindi nya ako nalilimutan. Lagi syang naroon sa bawat pangyayari ng buhay ko at hanggang ngayon ay ganoon pa rin.