CHAPTER 5

1221 Words
Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko pa uli nakikita si Sir Lance. Tuwing hapon ay mag-iiwan ako ng pagkain sa dining pero paggising ko sa umaga ay ganoon pa rin iyon at hindi man lang nagagalaw. Araw-araw naman pumaparito si Mang Nestor kaya hindi rin ako nababagot at si Xyl na lamang ang lagi kong kasama. Tulad ngayon. Lumabas kami ni Xyl para magpunta sa park na narito din lamang sa loob ng subdivision. Sabi kasi ni Mang Nestor ay matagal na rin daw hindi naipapasyal si Xyl doon dahil walang naglalabas sa kanya. Hawak ko ang leash ni Xyl at paikot-ikot lang kami. Wala ring ibang tao roon bukod sa aming dalawa. Maaga pa rin kasi. Habang naglalakad kami kanina paparito ay kita ko rin ang paglabas ng mga sasakyan ng iba pang naninirahan dito. Papunta na rin siguro sa kanya-kanyang trabaho. Nakwento rin sakin ni Mang Nestor na mayayaman raw talaga ang nakatira dito. May mga artista, politiko at kung sino-sino pang may sikat na personalidad at may maipagmamalaki. Si Sir Lance raw ang nagmamay-ari ng subdivision na ito kaya nasisiguro ko na sya ang pinakamayaman dito. Ang mabagal na paglakad ni Xyl ay bigla na lamang naging takbo kaya nagulat ako at nabitawan ang kanyang leash. Nanlalaki ang mata ko syang sinundan ng tingin bago hinabol. s**t. Sabi pa naman ni Mang Nestor ingatan ko si Xyl dahil kapag may nangyari doon ay siguradong malalagot ako kay sir. "Xyl wait! Stop! Xyl!" I shouted as I run fast to be able to get him. Sobrang bilis nya at halos magkandadapa-dapa na ako. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makita ko syang tumigil sa tabi ng kalsada sa harap ng isang itim na sasakyan. Agad akong tumakbo roon at ng makalapit ay agad na kinuha ang kanyang leash at pinaikot sa kamay. Letse. Napagod ako. "Xyl why did you run!? Jusko ang bilis mo!" pagsesermon ko pa at ng tignan ko ang aso ay nakatingala lamang ito sa sasakyan. Nilingon ko rin ang kanyang tinitignan at nanlaki ang aking mata ng makita amo ko roon na nakatingin sa akin. Nakababa ang bintana ng kanyang sasakyan at kitang kita ko ang kanyang suot na suit na pangtrabaho. Bakit andito to? Monday ah? "s..sir. Good morning po" I greeted him. I don't really feel comfortable around him. He's so handsome naman kasi! "What are you doing here?" Bakit ba ganon sya magsalita! Walang kaemo-emosyon kala mo bato e. "Pinasyal ko lang po si Xyl sir. Pauwi na rin po kami maya-maya" "Get in" ha? Get in? Sa kotse nya? "po?" tinitigan naman nya ako na kala mo ay may kaharap syang bingi. Narinig ko naman e, nililinaw ko lang. "I said get in!" Napatalon naman ako sa sigaw nya kaya agad kong nahila si Xyl at binubuksan ang back seat pero ayaw. Bakit ayaw s**t! "Seat here in front. I'm not your driver" Natigilan ako ng saglit pero agad ring nakabawi ng marinig kong binuhay na nya ang makina ng sasakyan. Agad akong pumasok at umupo at s**t! Sobrang uncomfortable! Kinalong ko na lamang si Xyl dahil pauwi na rin naman siguro kami. He start maneuvering his car and ako naman ay nagfocus kay Xyl. Hinihimas ko ang balahibo niya at inaayos ang kanyang pwesto sa binti ko. I can't even wear the seat belt because he is so big. This is so unsafe. Paano na lang kapag bigla kaming nabangga? Edi sure na patay ako? Nakatitig lang ako kay Xyl na parang inaantok na sa pagkakakalong sakin. Sobrang komportable nya samantalang ako ay hindi na magkaintindihan. Bakit naman kasi biglang dumating si sir. Kala ko ba may trabaho sya lagi? Tapos hindi nya pa kami sa bahay nadatnan. Napalingon ako sa kalsada kase parang sobrang tagal naman namin makarating sa bahay ngunit nabigla ako ng makita na nasa labas na kami ng subdivision base sa nakikita ko. Pasaan kami!? "sir pasaan tayo? Wala na po tayo sa subdivision" hindi ko alam kung paano ko nasabi ng hindi nauutal yon pero nagpapanic na ko talaga. Baka makita ako ng mga alagad ni Mr. Perez dito! Wala pa ako ni isang libo sa kalahating milyon na sinisingil nya! "Somewhere" what the!? Anong somewhere!? Napatingin naman ako sa suot ko at halos mapahilamos sa sariling mukha ng makita ang maong kong short at isang simpleng plain na white tshirt. Nakatsinelas lang din ako at walang dala maliban sa phone ko na nasa bulsa ko. "Sir saang somewhere? Malayo po ba? Bakit po ako kasama? Kailangan po ba ako doon?" Marami pang tanong ang gusto kong sabihin pero hindi na ako magkaintindihan dahil nagpapanic ako talaga. Ayoko lumabas. "Can't you just shut up?" Napatanga naman ako sa sinabi nya. Kahit pa kakatrabaho ko lang at ang pogi nya, hindi naman ako papayag ng ganito! "pero kasi sir saan ba tayo pupunta? Kailangan ba ako doon? Sir walang tao sa bahay" Ipinipilit ko talaga kahit medyo imposible dahil alam kong malayo na kami sa subdivision. "I need Xyl" he answered seriously. "Si Xyl po pala e. Sa bahay na lang po ako. Bababa na--" Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong tinignan ng masama. Bakit ba bawal ako kumontra? Itutuloy ko pa sana ang pagrereklamo kaso ay hindi ko kayanin ang titig nya. Sobrang lamig at nakakalunod kaya nanahimik na lang ako at napabuntong hininga tanda ng pagsuko at napatingin na lang sa kalsada. Bahala na. Saglit lang naman siguro kami don. Sigurado naman ako na naisarado ko ang bahay ng maayos at bibisita naman si Mang Nestor doon upang tignan. Nang tumigil si Sir sa isang tabi ng grocery store at lumabas ay hindi na ako nagtanong. Baka may bibilhin sya. Patuloy lang ang paghimas ko kay Xyl na nakatulog na talaga at ginawan ko naman ng paraan na makapag seat belt ako. Ingat na ingat lang ang galaw ko dahil baka magising si Xyl. Ang bigat nya! Nang maayos ko ang sarili ay nagmasid ako sa labas ng kotse at naagaw ang atensyon ko ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ng isa ring kotse. Si tatay. Bakit narito si Tatay? Malayo ito sa bahay namin. Nag-aano sya dito? Kakabahan na sana ako ng lumingon sya sa pwesto ng sinasakyan ko pero nakahinga rin ng maluwag ng maalalang tinted nga pala ang sasakyan ni Sir. Mayroong lumapit sa kanya na isa pang lalaki at nagkamayan sila. Ano na naman to 'tay? Bakit pakiramdam ko ay hindi na naman maganda ang patutunguhan nito? Nakita ko pa na may kinuhang isang itim na bag ang lalaki sa loob ng kotse at iniabot iyon kay tatay. Kitang kita ko ang malaking ngiti sa labi ni Tatay. Patuloy lang ako sa pagmamasid kay tatay at hindi ko na namalayan na nakasakay na palang muli si Sir at nagmaniobra na muli ng sasakyan. Habol ang tingin ko kay tatay hanggang sa mawala na sya sa panigin ko. Buong byahe ay iyon lamang ang iniisip ko. Ano na naman bang pinasok ni tatay? Ano ang meron sa bag na yon? Bakit iniabot sa kanya? Hindi pa nga nababayadan iyong kalahating milyon ay mukhang may bago na naman syang pinagkakaabalahan. At bakit mukhang ako lang ang namomroblema? Napailing na lamang ako at napapikit. Grabe. Pagod na pagod na ako sa tatay ko. Sukong-suko na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD