CHAPTER TWO

2918 Words
MAAGA siyang gumising upang makaiwas sa mabagal na pag-usad ng trapiko. Isa pa’y gusto niyang sorpresahin ang kanyang papa. Tiyak na ikagugulat nito ang makita siya sa araw na ito. Don Ignacio hates surprises, taliwas naman dito si Jeannie. Kung sa bagay, wala silang pagkakapareho ng hilig ng kanyang papa. But she loves her father so much, she just don’t like the idea of staying in hacienda. Mabuburyo lamang siya kapag nagkataon. The old man is too serious pagdating sa negosyo. He loves playing golf, chess, and hunting—a kinda boring hobbies na hindi nababagay sa tulad niya. Ganoon pa man ay suportado niya ang kanyang ama. Napapangiti siya habang naglalaro sa imahinasyon ang magiging hitsura ng ama kapag nakita siya nito. Hindi niya lubos akalaing mami-miss niya ito nang sobra. Tanaw na niya ang kanilang mansion na kasing edad na yata ng kanyang papa ang katandaan. At last, after less than three hours of driving, she reached the place where she grew up. The boring place she hated the most. Tsk! Bumusina siya nang magkasunod upang mabilis na pagbuksan ng sino mang kasambahay sa mansion. Ilang segundo lang ang kanyang hinintay at bumukas na ang higanteng bakal na tarangkahan. Pagpasok pa lang niya sa garahe ay tumikwas na agad ang kilay ni Jeannie nang makita ang nakaparadang sasakyan sa mansion nila. At kailan pa naging bagets at nagkahilig ang papa niya sa pagmamaneho ng Ferrari? Ito ba ang epekto ng umuusad nitong edad? Ibinaba niya ang windshield ng kotse niya. “Bumili ba ng bagong kotse si Papa, Mang Kardo?” tanong niya sa kanilang hardenero na sa tantiya niya ay maraming taon na ring naninilbihan sa kanilang pamilya. “Senyorita? Ikaw nga! Naku, kay ganda-ganda mu na ngayong bata ka,” sagot ng may edad na lalaki na halos hindi pumikit sa pagkakatitig sa kanya. “Ako nga ho, Mang Kardo, kumusta naman ho kayo?” Ayaw sana niyang pag-aksayahan ng panahon ang matanda pero nagustuhan niya ang papuri nito. “Mabuting-mabuti naman, hija, nagagalak—” “Kay Papa ba ang bagong sasakyang iyan?” mabilis na putol niya sa iba pang sasabihin ng kausap. “Kay Senyorito Terrence po iyan, senyorita,” anitong sinulyapan ang kotse. Umangat muli ang kabilang kilay niya sa pangalang binanggit ng hardenero. Wala yata siyang pinsan na nagngangalang Terrence. Paarangkadang ipinasok niya sa garahe ang kotse. Pagkatapos ay bumaba ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Wala sa sala ang Don. Inikot niya ang mga mata na tila hinahanap ng mga pares na iyon ang bulto ng ama. Ngumiti siya’t humakbang. Sa library? Paakyat na siya ng hagdan nang marinig niya ang halakhak ng papa niya. Nagmartsa siya patungo sa swimming pool. Tama nga siya, naroon ang kanyang papa, kausap ang lalaking tinutukoy ni Mang Kardo. Napahinto siya sa paghakbang, ngunit hindi niya mabigyan ng kasagutan kung bakit. Naka-side view ang lalaki na bagamat nakaupo ay alam niyang matangkad dahil sa haba ng mga binti nito. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, at kulay kayumanggi ang makinis nitong balat na binagayan ng edukado nitong kasuotan. Sa kabuoan ay guwapo ang lalaki. Mabilis niyang sinaway ang sarili kasabay ng pag-iling. At kailan pa siya naakit sa lalaki? At kailan pa natutong makipagkaibigan ang kanyang papa sa halos kaedad niya? Muli niyang ipinilig ang ulo pagkatapos ay naglakad siya palapit sa mga ito. Bahagya siyang tumikhim upang agawin ang atensiyon ng dalawang lalaki na hindi man lang naramdaman ang pagdating at paglapit niya. Geez! Bigla ang pananalasa ng kaba sa dibdib niya nang magtama ang mga mata nila ng panauhin ng kanyang ama. Oh my! Hindi niya akalaing mas magandang lalaki ito sa malapitan! Tila nag-aanyayang hagkan ang nang-aakit nitong mga labi, at ang malapad nitong dibdib ay waring iniimbitahan siyang yumakap ang damhin iyon. Mas matangkad din ito kompara sa inaakala niya. Lalo tuloy bumilis ang pagpintig ng puso niya na sa unang pagkakataon ay ngayon lamang niya naranasan. Subalit kaagad din niyang sinaway ang sarili at mabilis na bumawi ng tingin. Isa lang ang natitiyak niya, kulang ang ilustrasyong ginawa niya rito kanina. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit magkasalubong ang makapal nitong kilay nang makita siya. Hindi ba ito natutuwa na makakita ng magandang dalaga na tulad niya? Hindi man lang ba ito nagagandahan sa kanya? Bigla tuloy siyang nagkaroon ng duda sa sarili. Strange, indeed! “Hija? What a surprise!” Bagamat nasorpresa ang Don sa biglaang pagsulpot ng nag-iisa nitong anak ay agad ding lumapad ang pagkakangiti ng huli. Tumayo ang ginoo at niyakap siya nito. “Don’t you want me to be here, Papa?” aniyang gumanti ng mahigpit na yakap. “Of course, I am more than happy to see you, my princess.” “I miss you, Papa.” “I miss you, too, hija.” Nararamdaman niyang miss na miss din siya ng Don base sa higpit ng mga yakap nito sa kanya. Kung dati-rati ay pinupugpog niya ito ng halik, ngayon ay hindi na niya iyon magawa. Iyon ba ay dahil malaki na siya? O dahil naasiwa siya sa presensiya ng lalaking matamang nakatitig sa kanilang mag-ama? Good heaven! Bakit ba siya kinakabahan ng ganito? God! This is insane! “By the way, I want you to meet Terrence Escudero. Hijo, she is my daughter, Jeannie.” Ngumiti ang binata at inilahad ang palad upang makipagkamay sa kanya, pero sinulyapan lamang niya ang palad nito pagkatapos ay ibinalik ang atensiyon sa ama. Hindi niya pinansin ang nakalahad na palad ng lalaki pero ang totoo ay nababahala siya sapagkat nanlalamig ang kamay niya and this is because of this man! Naiinis siya sapagkat hindi niya nagugustuhan ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Higit sa lahat ay ang inaakto ng katawan niya. Que horror! “I have a gift for you, Papa, samahan n’yo ’kong kunin sa kotse,” aniya at inangkla ang kamay sa braso ng ginoo. Naipamulsa ni Terrence ang napahiyang palad. Pagkatapos ay tiningnan ang pambisig na orasan. “We have to leave, Tito,” wika ni Terrence na ikinalingon niya. “Nice meeting you, Miss Jean,” nakangiting anito na lalo yatang nagpabilis sa pintig ng puso niya. Sinuklian niya iyon ng pag-irap. “Titingnan ko na lang ang regalo mo sa akin pagbalik ko, hija. May importante lang akong lalakarin.” “But . . .” “Baka late na rin kaming makabalik, hija. See you at dinner. Take some rest, too,” anang kanyang papa na humalik sa noo niya bago sumabay sa paglalakad ni Terrence. Inis na nasundan na lamang niya ng tingin ang mga ito. Noon lang siya tinanggihan ng ama. Dati-rati ay inuuna siya nito gaano man kaimportante ang lakad nito o kahit sino pa ang kausap o ka-meeting nito. Inis na tinawag niya ang mga pangalan ng mga kasambahay upang ipakuha ang mga gamit niya sa kotse. Marami pa naman siyang dalang pasalubong para sa kanyang papa. Nabili niya ang mga iyon noong nagpunta siya ng Paris pero hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang mga iyon. Dismayado siya sapagkat hindi niya makakasama sa araw na iyon ang ama. She expected to spend the whole day with him pero umalis naman ito kasama ang lalaking iyon. Ano naman ang gagawin niya sa mansion? Magmumuni-muni at makikipagkuwentuhan sa mga katulong nila? Huminga siya nang malalim pagkatapos ay nagmarakulyong pumanhik sa ikalawang palapag ng mansion. Nagtungo siya sa kanyang silid. Wala pa rin iyong ipinagbago, maging ang mga dekorasyon na siya mismo ang gumawa at nagdesenyo. Bigla tuloy niyang naalala ang namayapang ina. Buhat nang mamatay ang kanyang ina ay hindi na muling nag-asawa pa ang papa niya. She shook her head just to ignore the past. Ayaw niyang maging emosyonal. Ang totoo, kaya ayaw niyang manatili sa mansion ay dahil sa mga alaala ng namayapa niyang ina. Nalulungkot lamang siya at naluluha sa tuwing nananariwa sa diwa niya ang mga alaala ng ina. She loves her mother so much pero maaga naman itong kinuha sa kanila ng Diyos. Humakbang siya’t hinimas ang larawan nilang mag-ama. Kuha iyon noong nanalo siya sa karera four years ago. Nakangiti siyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama hanggang sa tuluyan na siyang hinila ng antok. ***** Sinipat ni Jeannie ang kamay ng oras, mag-aalas-siyete na nang gabi. Nakatulugan niya ang paghihintay sa pag-uwi ng ama. Nakaligtaan na rin niyang mag-agahan at tanghalian. Nahimas niya ang nagrereklamong sikmura. Nag-inat siya bago mabilis na bumangon upang maligo. Magkasabay na lumabas ng kani-kanilang silid sina Terrence at Jeannie. Parehong natigilan ang dalawa at kapwa nagkatitigan. Katulad niya’y bagong ligo rin ang lalaki. Napakapresko nitong tingnan, amoy rin niya ang ginamit nitong sabon at pabango na mabilis na nanuot sa kanyang ilong. Lalaking-lalaki ang amoy nito, at kung wala lang siya sa matinong pag-iisip, marahil ay kanina pa niya ito nasugod ng halik sa mga labi. She merely stared at his gorgeous muscles na halatang alaga sa gym. Bakat na bakat din ang matikas nitong dibdib sa suot nitong white T-shirt na bigla yatang nagpanuyo ng lalamunan niya. Bigla na naman ang pananalasa ng pamilyar na kaba sa dibdib niya. Inangat niya ang kabilang kilay at lihim na sinaway ang sarili upang itago ang mabilis na atraksiyon niya rito. Bakit naririto pa sa pamamahay niya ang lalaking ito? At nagawa pa talaga nitong maligo? She looked at him with dislike. “Good evening, Jean.” Hindi niya pinansin ang lalaki bagkus ay inirapan niya ito at binagtas ang hagdan pababa patungong dining area, ngunit bakit tila kay sarap sa kanyang pandinig ang pagbigkas nito sa pangalan niya? Marahil kung hindi lang nito inagaw ang atensiyon ng kanyang papa kanina ay baka magtatatalon siya sa kilig. Umayos ka, Jeannie! Hindi ang mga tipo niya ang magugustuhan mo, muling kastigo niya sa sarili. Ano nga ba ang pakialam niya sa bisita ng kanyang ama? Pero bakit biglang bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito? “Good evening, Papa,” aniyang hinalikan sa pisngi ang Don bago hinila ang katabing silya. “You’re beautiful in this evening, hija,” anitong pinisil ang kamay ng nag-iisang anak. “How was your—” “Good evening, hijo.” Hindi na naituloy ni Jeannie ang sasabihin sapagkat naagaw na naman ng panauhin ang atensiyon ng Don. “Magandang gabi rin sa inyo, Tito,” nakangiting bati ni Terrence na kampanteng naupo sa katabing silya. “Tito?” muling tumikwas ang malditang kilay ng dalaga sa itinawag ng lalaki sa kanyang papa. Iyon ang pangalawang beses na narinig niyang tinawag ng lalaki ng ganoon ang papa niya. Kaano-ano ba ito ng kanyang ama? Kasosyo sa negosyo? Pero bakit kailangan sa mansion pa ito makituloy? May hotel naman sila sa bayan na maaari nitong tuluyan, a? Lahat din ng mga kamag-anak niya ay kilala niya at sigurado siyang kailanman ay hindi pa niya ito nakita noon. Bigla nanlaki ang mga mata niya dahil sa isang ideyang pumasok sa isip niya. Hindi kaya— “I haven’t told you yet, hija. Terrence is living with us.” Naudlot ang ano mang katanungan sa isip ng dalaga nang magsalita ang Don. “W-what?!” Gulat at napatingin si Jeannie sa gawi ng binatang maganang kumakain. “Yes, hija, you heard me right. Dadalawa lang naman tayo rito sa mansion at mga kasambahay. And besides, I need him to handle the hacienda and the company.” What’s her father trying to point out? Kanang kamay niya ito sa pagpapatakbo ng kanilang mga ari-arian? But even though, he don’t have to live with them. Pero aminin man niya o hindi, nakadama siya ng kasiyahan dahil mali ang nasa isip niya na kapatid niya ito sa labas. Kung sa bagay, saksi siya sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Subalit sa isiping nasa iisang bubong lang sila ng binata ay lalong dumagundong ang kanyang dibdib. “But, Pa—” “I have no one to trust except Terrence. I wish you’ll respect my decision, sweetheart.” Matalim na pinukulan ng tingin ni Jeannie ang binata na ginantihan nito ng matamis na ngiti na lalo yatang nagpabilis ng pintig ng puso niya. Devil, take him away! Labag man sa kalooban niya ay wala na siyang magagawa kung hindi ang tumalima sa desisyon ng ama. Wala rin siyang alam kung paano pamahalaan ang hacienda at kanilang kompanya. At mas wala siyang balak na isingit o bigyan iyon ng pansin. Saka na niya pag-aaralan ang lahat kapag nagsawa na siya sa gigs and parties. Bata pa siya’t matalino kaya alam niyang mabilis niyang matututunan ang pamamahala sa kanilang mga ari-arian. E ano nga ba sa kanya kung patirahin ito ng papa niya sa mansion? Bihira din naman siyang lumuwas ng San Carlos. Nasa living room silang mag-ama nang iabot ni Jeannie ang pasalubong niya sa Don. Bakas din sa aura ng matandang ginoo ang tuwa at pagkagiliw nang makita ang nilalaman ng paper bag. Dalawang polo shirt na kulay asul at puti mula sa paboritong brand nito. “Nagustuhan n’yo po ba, Papa?” kay lapad ng mga ngiting tanong niya rito. “Of course, hija, I really like it. Thank you, sweetheart.” Tumayo siya buhat sa pagkakaupo sa mahabang sofa at lumapit sa ama. Pagkatapos ay niyakap niya ito nang mahigpit. “You’re welcome, Papa. Wala po ’yan kompara sa pagmamahal ko sa inyo,” madamdamin at totoo sa loob na pahayag ni Jeannie. “I love you, too, sweetheart,” anitong gumanti ng yakap sa nag-iisang anak. Batid ng matanda na hindi magtatagal ay maiiwan na rin niya ito. Bigla ang pagguhit ng lumbay sa mga mata ng ginoo. Pero hindi niya maaaring ipahalata sa dalaga ang tunay niyang kalagayan. Mataman namang nakatitig si Terrence sa mag-ama. Particular na kay Jeannie na kahit yata ipikit niya ang sariling mga mata ay memorado na ng kanyang kamalayan ang bawat anggulo nito. “Anyway, ako lang ba ang may regalo? Napaka-unfair naman yata, hija?” may himig pagbibirong wika ng Don na sinulyapan ang papalapit na binata. “Well, I never knew na may ampon ka pala rito sa bahay, Papa,” may diing bigkas ni Jeannie sa katagang iyon na hindi nakaligtas sa pandinig ni Terrence. Nagtama ang kanilang mga mata pero tinaasan lamang ito ng kilay ng dalaga. Wari bang nagsasabing sampid lang sa pamamahay niya ang lalaki. Hindi niya maintindihan ang sarili. Kung tutuusin ay wala siyang pakialam kahit ilan pa ang patirahin ng kanyang papa sa mansion dahil minsanan lang naman siyang umuwi. Pero iba si Terrence, hindi niya gusto ang presensiya nito. At mas hindi niya nagugustuhan ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito o tinititigan siya nito katulad na lamang ngayon. “Jeannie, watch your mouth!” bigla ang pagtaas ng boses ng Don na ikinabigla ng dalaga. “It’s okay, Tito, it’s not a big deal for me. Mauuna na ho akong matulog,” balewala at nakangiting saad ni Terrence pero ang mga mata nama’y matalim na nakapukol sa dalaga. “Did I say anything bad?” nagmamaang-maangang ani ng dalaga. “Jeannie!” muling saway ng Don sa malakas na tono na ikinainis niya. Kailanman ay hindi nilapastangan ng ama na tawagin ang buo niyang pangalan. Ngayon lang! At sa harapan pa ng lalaking oportunista! It’s just barely and obvious that his father is taking his side. Hindi maaari! “No! You just expressed your freedom of speech,” tiim-bagang at may pagkasarkastikong turan ng binata. Hindi nito hinihiwalay ang mga mata sa pagkakatitig sa magandang mukha ng dalaga na halatang hindi palulupig. “Sige, hijo, good night. Ako’y magpapahinga na rin.” “Alalayan ko na lang po kayo papanhik sa taas,” mabilis na prisinta ng binata. “Salamat, hijo.” “Sipsip!” bulong ni Jeannie na narinig din ng binata. “Good night, Jean.” “Great! Wishing me a nightmare?” hindi nagpadalang turan niya kahit pakiwari niya’y lalabas ang puso niya sa bilis ng dagundong niyon. Paano ba naman siya hindi kakabahan ng ganoon kung guwapong oportunista ang nagsabi n’on sa kanya? Idagdag pang dumaan ito sa harapan niya at hindi sinasadyang nasamyo niya ang mabangong hininga nito. “Sweetdreams, hija.” Lumapit si Jeannie sa ama upang humalik pero hindi sinasadyang nasagi niya ang braso ng binata. Mabilis na nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Nakaramdam siya ng kakaibang init na bigla yatang gumapang sa bawat himaymay ng katawan niya. “N-night, Papa,” halos hindi lumabas sa bibig niya ang katagang iyon. Nasundan na lang niya ng tingin ang paakyat na ama at ang hudyong halimaw sa kaguwapuhan. ***** “I’ll be fine, hijo,” maya-maya’y wika ng Don nang makapasok na ito ng pribadong silid. Batid ni Terrence na kasalungat ng katagang binitawan ng matandang ginoo ang totoong nararamdaman nito. Sinamahan niya itong magpatingin sa doktor kaninang umaga at katulad ng dati ay ganoon pa rin ang preskripsiyon ng manggagamot. Mababakas sa mga kislap ng mga mata ng ginoo ang kalungkutan. Ang dating matikas na pangangatawan nito ay mabilis na nahulog na tila dinaramdam ang labis na kapaguran. Nakuyom niya ang sariling kamao. “Tito, we can go back to States to continue your medication,” suhestiyon niya. Kahit alam niyang malalang sakit ang dumapo sa butihing Don ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na gagaling din ito tulad ng mga pasyenteng may kapareho ng sakit nito. Ilang beses na niya itong pinakikiusapan na bumalik sila ng America upang ipagpatuloy ang gamutan nito, pero iisa lang ang sagot ng matanda. Tanggap niya kung hanggang saan lang ang buhay na ipinahiram sa kanya ng Panginoon. “Take care of my daughter, hijo. I know you can change her,” sa halip ay tugon ng Don. “Magpapa-book ako for our flights tomorrow night, we shouldn’t lose hope, Tito. Pupuntahan natin ang lahat ng mga magagaling na doktor para—” “Promise me that you’ll take care of Jeannie, hijo.” Malamlam ang mga matang tinitigan siya ni Don Ignacio. “Promise me, Terrence.” May kalakip na pakiusap ang tono nito nang hindi siya umimik. “Para po sa inyo, Tito.” “Thank you, hijo. I know I can trust everything to you, and please, don’t tell her anything about my condition. Ayoko siyang mag-alala.” Lalong humigpit ang pagkakakuyom ni Terrence sa sariling kamao. Malubha na nga ang kalagayan nito pero mas mahalaga pa rin dito ang mararamdaman ng nag-iisang spoiled nitong anak. Muli ay nanariwa sa alaala ni Terrence ang mga naganap sa club noong isang gabi kung saan ay nasangkot ang spoiled brat na anak ng butihing Don. Damn! Nakatitiyak siyang madalas ang pagpunta ng dalaga sa naturang lugar dahil hindi lang iyon ang unang pagkakataong namataan niya ito roon. Tumango na lamang siya bilang pagtugon dito. Ayaw niyang madagdagan pa ang pag-alala ng Don at baka makasama pa iyon sa kondisyon ng matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD