CHAPTER 3

2173 Words
TIRIK na ang araw pagmulat niya ng mga mata. Nakasimangot at inis siyang bumangon mula sa kama. She shook her head to get rid of the man’s image that’s playing inside her thoughts the whole night. At hanggang paggising ba naman niya ay ito pa rin ang unang pumasok sa isip niya. Nakakainis! Naiirita siya sapagkat naging mailap sa kanya ang antok sa nagdaang buong gabi dahil sa lalaking hindi niya alam kung ano ang papel sa buhay ng kanyang papa. Paano nga ba siya makakatulog kung sa bawat pagpikit niya ng mga mata’y nakangiting mukha ng Terrence na iyon ang kanyang nakikita? Ang anggulo ng lalaki ang naglalaro sa balintataw niya. Of all people, bakit ang lalaking iyon pa ang pumasok sa panaginip niya? May lahing mangkukulam siguro ang hudyo! Pumasok siya sa palikuran at isinalang ang sariling katawan sa maligamgam na tubig. Wala pang tatlumpung minuto ay lumabas na siya ng banyo. Simple pero mamahaling blue floral dress ang napili niyang isuot. Tinuyo at sinuklay niya ang may kahabaang buhok saka nagpahid ng mabangong likido sa katawan. Naglagay rin siya ng lipstick at cream sa mukha, pagkatapos ay isinuot niya ang puting sandalyas saka lumabas ng silid. Hindi na siya nag-abalang maglagay ng iba’t ibang kulay sa mukha. Alam naman kasi niyang with or without ay maganda pa rin siya. Isa pa’y wala namang makakakita sa kanya sa mansion bukod sa kanyang papa at mga tagasilbi sa kanilang tahanan. Pagbaba niya ay agad niyang hinanap ang ama ngunit hindi niya ito natagpuan. Ayon sa isa nilang kasambahay ay nagtungo ito sa plantasyon kaya minabuti na lamang niya na abalahin ang sarili sa kusina. Hindi rin naman nagtagal ay narinig na niya ang malutong na halakhak ng kanyang papa mula sa entrada ng mansion. Lumabas siya buhat sa kusina upang salubungin ang ama. Hindi na siya nag-abalang tanggalin ang suot na apron. Kaagad siyang napasimangot nang makitang hindi nag-iisa ang Don. Kasama na naman nito ang lalaking nagpabalisa sa kanya buong magdamag. Bakit hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa ito nakakaalis? Aba’t mukhang nag-e-enjoy ang mokong na ito na tumira sa mansion namin, a! hindi niya maiwasang itanong sa sarili, pero hindi rin niya maikakaila na may parte ng pagkatao niya ang natutuwa na makita itong muli. “Hi, Papa. How was everything?” Sinikap niyang huwag mautal. Paano ba naman kasi, biglang naghubad ng pang-itaas na damit ang lalaking kasama ng kanyang papa! Bastos! Bigla yatang nanuyo ang lalamunan niya. Normal lang naman sa kanya ang makakita ng lalaking may magkakahilerang pandesal sa tiyan, pero bakit tila kakaiba ang tanawing nakikita niya ngayon? Hayon na naman ang pagsipa ng hindi kaaya-ayang kaba sa dibdib niya. She tried not to look at him, especially to those mouth watering abs kahit abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Taas-noo niyang nilampasan ang lalaki na tila hindi nag-e-exist sa mundo, pero hindi pa rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang mabangong pabango ng binata na humalo sa lalaking amoy nito. Sarap! Gusto niyang ipakita rito na siya pa rin ang prinsesa sa pamamahay na tinutuluyan nito. Na hindi siya apektado sa presensiya nito. “There’s nothing to worry, sweetheart, everything is doing fine. I wish you can come with us one of these days.” Lihim na napangiwi si Jeannie sa tinuran ng ama. In her father’s dream. Never in her pretty toes na magtungo sa hacienda, mangangamoy araw lang siya’t masisira ang pinakaiingatan niyang kutis. “Y-yeah, sure, maybe next time, Papa.” “Aasahan ko iyan, hija. Don’t worry, pasasamahan kita kay Terrence para malibot mo ang buong hacienda. Malaki na ang ipinagbago niyon kompara sa dati,” natutuwang pagbabalita sa kanya ng ama, dahilan para tapunan niya ng sulyap ang seryosong mukha ni Terrence, na bagamat naghalo ang pabangong gamit nito at pawis ay tila kay sarap pa ring yakapin, himasin ang mga muscle nito, pisil-pisilin ang seksing abs nito, at magpakulong sa mga bisig nito. Shit! Mabilis niyang sinaway ang sarili sa tinuran. Ano ba’ng nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nagkakaganito sa lalaking ito? She never acted like this before, bakit ngayo’y nagkakaganito siya? Behave, Jeannie! Behave! pananaway niya sa sarili. Inirapan din niya si Terrence. Kailangan niyang gawin ’yon upang itago ang pisikal na atraksiyong nararamdaman niya. Hindi siya puwedeng ma-attract dito. No way! Hell, no! “Mang Raul can come with me, too, Papa,” suhestiyon niya, halatang hindi nagustuhan ang tinuran ng ama. Nais din niyang ipabatid na kailanman ay hindi niya magugustuhan ang ideyang makasama ang lalaki, pero ang totoo ay wala rin siyang planong magpunta sa hacienda. For heaven’s sake! “Mas mapapanatag ang kalooban ko kung si Terrence ang makakasama mo, hija.” “Well, I believe that I am old enough to take care of myself, Papa. Hindi ko na kailangan ang chaperone!” bagamat nakangiti ay sinadyang idiin ang huling katagang binitiwan. “Ayoko lang na may mangyari sa ’yo, hija. At least, kapag si Terrence ang kasama mo ay hindi ako mag-aalala.” Sinubukan niyang huwag tumingin sa gawi ni Terrence pero nabigo siyang isakatuparan iyon. Abnormal na yata ang pintig ng puso niya dahil sa lalaking ito. Nahuli ng kanyang mga mata kung paano siya nito titigan. Katulad kahapon ay magkasalubong na naman ang makakapal na kilay nito habang nakatingin sa kanya. Ano ba ang problema ng lalaking ito sa kanya? Hindi tuloy siya mapakali. Suot-suot pa rin niya ang apron. Hindi kaya may dumi siya sa mukha? Hindi ba maayos ang paglalagay niya ng kolorote sa mukha? Pangit ba ang paglalagay niya ng eyebrows? Mapula pa rin ba ang lipstick niya? Lalo tuloy siyang kinakabahan. Yes! She always wants to be presentable, no doubt about that, at ngayon lang siya nabahala ng ganito para sa isang lalaki. “Nag-bake nga pala ako ng cookies para sa ’yo, Papa. I’m sure magugustuhan mo ang mga ’yon,” pag-iiba niya sa usapan, pinapungay pa ang mga mata. Pagkatapos ay ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ng ama at niyakag ito patungo sa sala. Kailangan niyang gawin ’yon sapagkat pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa bilis ng t***k niyon. “Renz, hijo, samahan mo akong kumain ng cookies. Tiyak kong magugustuhan mo rin ’yon. Hindi mo naitatanong, magaling at masarap gumawa ng cookies ang unica hija ko,” may pagmamalaking turan ng Don. Pinamulahan ng magkabilang pisngi si Jeannie sa sinabing iyon ng ama. Well, totoo naman kasi ’yon. Namana pa niya sa kanyang ina ang mahusay at masarap na pagbe-bake ng cookies. Hindi lang ’yon, magaling din siyang gumawa ng cake. Isa rin ’yon sa mga hilig niya. “Salamat na lang po, Tito, pero busog pa ako e. I’ll just need to have a quick shower.” Tumikwas ang kilay ni Jeannie sa narinig, wala siyang pakialam dito. Pero hindi niya mabigyan ng tamang kasagutan kung bakit may parte ng pagkatao niya ang nadismaya. At sa katunayan, kahit pawis na pawis ang impaktong adonis ay naeengganyo pa rin siyang pagmasdan ito nang palihim. Kay bango rin ng singaw ng katawan nito na kung hindi lang niya pinagagalitan ang sarili ay naakit na siyang ipikit ang mga mata upang lalong masamyo ang amoy nito. “Don’t worry, it’s poison free!” aniya na sinadyang idiin ang huling katagang binigkas upang itago ang kakaibang kabang nararamdaman. “Thanks but no thanks. May allergy ako sa sweets.” “Great! Actually, this is good for only two persons. Hindi rin ito puwede sa mga taong may diabetes.” “Excuse me?” Magkasalubong ang makapal na kilay ni Terrence habang nakatingin sa kanya. Pero sa halip na sagutin niya ito ay nilampasan lamang niya ang lalaki at iginaya ang Don papasok sa bahay. “Let’s go inside, Papa.” Nagpatianod na lamang si Don Ignacio sa anak kasabay ng mahinang pagbuntonghininga. ***** Naningkit ang mga mata niya nang matanaw ang pagtatawanan ng dalawang lalaki habang naglalaro ng chess. At ano naman kaya ang nakakatawa sa boring na larong ’yon? Umakyat lang siya sa kanyang silid ay nasalisihan na naman siya ng impaktong talipandas . . . guwapong hudyo! “Nagmana ka talaga sa daddy mo, hijo. Alam mo bang wala pang nakakatalo sa akin sa larong ito maliban sa kanya? And now, tinalo mo na rin ako,” natatawang turan ng Don na ikinangiti ng binata. “Sinuwerte lang ngayong araw, Tito.” “Mukhang nagkakasiyahan kayo rito, a?” walang kangiti-ngiting aniya, ang mga mata’y nakatuon sa atribidong lalaki. At marahil, kung nakamamatay lang ang mga matang matalim na nakapukol sa binata ay malamang na kanina pa ito tinakasan ng ulirat. “Hija? Akala ko ba’y babalik ka na ng Manila?” Umarko ang kabilang kilay ni Jeannie, halatang hindi nagustuhan ang tinuran ng kanyang papa. Gusto na ba siya nitong bumalik kaagad sa Manila? Mas gusto ba nitong makasama ang bastardong lalaki kaysa sa kanya na sariling dugo’t laman nito? Nasaktan siya’t nakaramdam ng selos. Minsan na nga lang siya umuwi ng mansion at minsan lang din silang magkitang mag-ama pero may umeeksena pa. Hindi na ba siya nito mahal? Tuluyan na nga yatang nalason ng kurimaw ang isipan ng kanyang papa. “Y-yeah! Magpapaalam lang po sana ako, kaarawan ni Bob at hindi ako puwedeng mawala sa tropa.” Iniwas niya ang paningin at kinalma ang sarili upang pigilin ang namumuong luha sa sulok ng kanyang magkabilang mga mata. “Take care, hija,” biglang lumungkot ang tinig ng Don. “You, too, Papa.” Mapakla siyang ngumiti at yumakap dito. “I love you, Papa,” mahinang bulong niya. Hindi na niya napigilan ang paglandas ng kanyang mga luha. “I love you more, my princess,” anitong gumanti ng mas mahigpit na yakap. “Terrence, hijo, ikaw na ang bahala sa unica hija ko, ihatid mo siya ng ligtas sa Manila,” anang Don na halatang nagpipigil na huwag maging emosyonal. “No, Papa! I can manage myself. I don’t need him,” mariing tanggi niya at hindi naitago ang inis at galit sa kanyang magandang mukha. Nakipagbuno siya ng tingin sa lalaking titig na titig din sa kanya. Pero siya rin ang agad na bumawi ng tingin sapagkat hindi niya kayang makipagtitigan dito nang matagal, lalo kasing bumibilis ang pintig ng puso niya. Hindi pa niya gustong umalis ng mansion at iwan ang kanyang papa. Pero dahil sa selos at galit sa lalaking atribido ay napilitan siyang magpaalam dito. At tila noon lang din siya nangulila ng labis sa kanyang papa. And even if he always hugged her tight, iba na ang hatid ng mga yakap nito sa kanya. “Senyorita, heto na po ang susi ng iyong sasakyan,” anang kasambahay na nagpapitlag sa kanya. “Salamat, isakay mo na ’yan sa likod ng kotse,” utos niya rito at sinabayan ng malalaking hakbang palabas ng mansion. Pasakay na ng kotse si Jeannie nang biglang may humablot sa mga braso niya. “Mas importante pa ba sa ’yo ang mga kaibigan mo kaysa manatili rito kasama ang papa mo?” Matalim ang mga matang ipinukol sa kanya ni Terrence. Nasa aura nito ang pagtitimpi. “Get your filthy hands off me!” Pero lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga braso niya. “Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” nakangiwing piksi niya. Pakiwari niya’y bumaon ang mga kuko nito sa braso niya sa higpit ng pagkakahawak nito. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Ito pa ang may ganang magalit sa kanya? Damn him! “You’re hurting me!” Doon lamang siya nito binitiwan na tila natauhan nang makita ang pamumula ng mga braso niya, pero ang mga mata nito’y matalim pa ring nakatitig sa kanya. “You’re not leaving, Jean. Dito ka lang!” She smirked. Ano’ng karapatan ng lalaking ito para utusan siya kung ano ang dapat niyang gawin? Sino ito para utusan siya at sundin niya? “And who are you to tell me what to do?! Baka nakakalimutan mo kung sino ako at kung ano ka sa pamamahay na ito?” She raised her brow at nakipagsukatan dito ng tingin. “I won’t give a damn to answer that, young lady. You won’t leave this place para lamang sa mga kaibigan mo.” “How dare you?! Wala kang pakialam kung ano man ang gusto kong gawin. Aalis ako kung kailan ko gusto. You don’t care if I choose to be with my friends rather than staying in this place!” Well, half truth, half lie. She still wanna stay with her father pero naiinis siya dahil parang binabalewala siya ng ama. “You’re not getting any younger, Jean. Grow up. Stop acting like a brat dahil hindi sa lahat ng oras ay makukuha mo ang gusto mo!” “Damn you! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan, tauhan ka lang naman dito ng papa at ako ang anak. Kung makaasta ka e parang ikaw itong anak.” Patunaya siyang ngumiti rito. “Let me remind you, Mr. Escudero, you’re nothing but an opportunist bastard!” galit na bulalas niya rito kasabay ng pagtulak niya rito palayo sa kanya. Pagkatapos ay mabilis siyang sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan. “That bastard! Damn him! I hate him! Akala mo kung sino! The jerk opportunist!” bulalas ni Jeannie habang nilalandas ang kahabaan ng daan. At ano ang karapatan ng lalaking iyon para pagsalitaan siya kung ano ang dapat niyang gawin? Napatingin siya sa namumulang braso that made her angrier. s**t! It’s her very first time na may nagtrato sa kanya ng ganoon. Hindi na nga ito nagandahan sa kanya, minamanduhan pa siya nito. Subalit ang totoo ay nasaktan siya sa huling sinabi ni Terrence. She really wanna stay at wala siyang balak na pumunta sa kaarawan ng kaibigan. Nangibabaw lang ang ego at selos niya. Dati-rati naman kasi ay sa kanya lamang nakatutok ang atensiyon ng kanyang papa and all of a sudden ay biglang may oportunistang tauhan na kung makaasta ay parang boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD