Zhelee Angela's Pov
NAGISING AKO dahil sa boses ni mama na kanina pa tinatawag ang pangalan ko. Buong pangalan ko pa talaga ang binabanggit niya.
Bumangon ako at nakita kong nakahiga pa rin ang nakakabata kong kapatid na si Valeen. Hindi ko nalang muna siya ginising dahil wala naman kaming pasok. Linggo kasi ngayon kaya mamaya ay maglilinis lang ako ng bahay at maglalaba.
College student na ako. Ang kinuha kong kurso ay teacher dahil yun ang pangarap ng ama ko nong nabubuhay pa siya. Kami nalang kasi ni mama at Valeen ang magkakasama dahil maagang nawala si papa.
Kaya si mama ay todo kayod para maigapang lang kami ni Valeen. Gusto ko sanang dagdagan ang part time job ko dahil hindi sapat talaga. Ngunit ayaw kasi pumayag ng pinapasukan kong resto dahil linggo lang talaga nila ako pinapapasok. Baka daw kasi hindi ako makapag focus sa pag-aaral.
Kaya gusto kong mahanap ulit ng mapapasukan. Kahit ano basta makadagdag income lang sa pamilya namin.
Si mama kasi ay nagbebenta ng isda sa palengke. Hindi sapat yun lalo na't dalawa kaming nag-aaral ng kapatid ko. Gusto ko nga sanang tumigil muna para matulungan ko sana si mama ngunit ayaw naman niyang pumayag.
Medyo nalulungkot ako dahil alam ko pagod na si mama pero hindi lang niya sinasabi. Kaya ang maitutulong ko nalang talaga ay ang magtipid sa baon na binibigay niya sa 'kin.
Tumayo na ako sa hinihigaan namin ng kapatid ko at agad na lumabas mg kwarto namin. Nakita ko si mama na nakaupo sa sahig habang nakatingala sa bubong namin. May hawak pa talaga siya na planggana kaya napabuga ako ng hangin. Dinig na dinig ko kasi ang patak ng ulan mula sa bubong namin.
Ito talaga ang nakakainis kapag umuulan. Yung bubong kasi namin ay may butas at wala pa kaming pera para ipaayos yun. Kaya medyo nakakalungkot talaga kapag naulan.
"Ako na diyan, ma." Sabi ko kay mama na pilit na hinahanap kung saan papatak ang ulan sa sahig namin. Hindi lang kasi isang butas sa bubong namin kundi tatlo.
"Pambihirang ulan talaga 'to." Sabi ni mama saka tumayo. Ako naman ay lumapit do'n sa planggana at ako na ang nag pwesto no'n para masalo lahat ng patak ng ulan.
"Pupunta ka ba ng palengke ngayon, ma?" Tanong ko sa mama ko dahil ang lakas talaga ng ulan. Ang aga-aga malungkot na agad ang kalangitan.
"Hindi ko nga alam, anak. Parang ayaw kong pumunta. Nakakatamad sa sobrang lakas ng ulan." Sagot ni mama na tinungo ang maliit naming kusina. Sumunod din ako dahil mag-iinit ako ng tubig para makapag kape kaming dalawa. Masarap mag kape ngayon lalo na't malamig.
"Hay.. buhay! kailan kaya aasenso ang buhay natin."Dinig kong sabi ni mama kaya napangiti ako at lumingon sa mama ko.
"Malapit ba po, mam. Konting tiis nalang po tayo." Sabi ko sa mama ko kaya ngumiti siya at umupo sa upuan.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo, nak?" Tanong ni mama.
"Ayos lang po, ma. May project kami pero ako na po bahala do'n. May sahod naman po ako sa resto at ang tira po no'n ay ibibigay ko po sa'yo, ma." Saad ko kay mama.
"Wag na, nak! Itago mo nalang yun para pag may kailangan kang bilhin para sa pag-aaral mo may mapagkukuhaan ka. Ipunin mo lang yun." Sabi ni mama kaya tumango ako.
Pinagtimpla ko na lang muna si mama ng kape. Nagtimpla din ako para sa 'kin saka ako ako umupo sa katapat na upuan ni mama. Nag kwe-kwentuhan lang kaming dalawa patungkol sa school. Minsan ay nasisingit ni mama si papa at alam kong nami-miss na niya si papa.
Iniiba ko nalang ang usapan para hindi malungkot si mama.
Tumingin ako sa bintana namin at talagang malakas ang ulan. Hindi yata ako makakapag laba ngayon dahil sa lakas ng ulan. May bagyo kasu kaya kahapon pa pangit ang panahon.
Mamaya pa naman ang pasok ko sa resto bar kaya sana tumigil ang ulan mamayang hapon.
Naisipan ko nalang na mag saing at ang ulam namin ay chicken noodles with egg. Perfect 'to dahil malamig ang panahon.
Si naman ay tinitignan ang sala naming maliit kung nabasa ba ang sahig. Hindi naman kami binabaha dito pero yung bubong lang talaga ang problema. Mabuti nga walang butas ang bubong ng kwarto namin dahil para talaga kaming tanga ng kapatid ko na may hawak na planggana habang tulog.
May sariling kwarto si mama. Sakanila yun ni papa pero dahil wala na ay siya nalang mag-isa ang natutulog do'n. Minsan ay sinasamahan siya ni Valeen lalo na kapag nakikita namin na malungkot si mama habang naaalala si papa.
Dalawa ang kwarto namin sa bahay. Pero maliit lang 'to na talagang higaan at damit lang talaga ang kasya. Simple lang naman kasi ang bahay namin, maliit at kailangan ng ipaayos.
Wala pa kaming pera para do'n pero alam ko na maayos din namin ang bahay na 'to soon. Sa ngayon, tiis nalang muna kami dahil naniniwala ako na mapapaayos ko din 'to sa susunod.
Nakapagluto na ako kaya ginising na ni mama si Valeen. Sabay- sabay na kaming kumain at panay ang salita ni mama dahil yung kapatid ko kasi ay mababang grades. Pero ayos lang naman, hindi naman bagsak. Pero napapansin kasi ni mama na hindi na masyadong nag-aaral ang kapatid ko. Kaya niya pinagsasabihan.
Nang matapos kaming kumain ay yung kapatid ko na ang naghuhas. Ako naman ay sinubukan maglaba kahit ang lakas ng ulan. Wala na akong damit din kasi na su-suotin kaya kailangan ko talagang maglaba.
Ang dami namin problema sa buhay pero heto parin kami, gumigising para harapin ang mga pagsubok kahit pa nga nakakapagod na. Si mama nga lagi kong naririnig na may iniinda na pero hindi lang niya sinasabi. Natatakot ako na baka hindi ako magiging successful sa buhay tapos si mama ay wala na. Ang laki ng pagsisisi ko na nawala si papa eh kaya sana bigyan pa ako ng oras ni papa Lord at bigyan pa ng mahabang buhay si mama hanggang sa maging successful na ako sa buhay at kaya ko na siyang ilibre kahit saan man niya gusto.
Ang hirap ng buhay namin pero fighting lang talaga. Wala naman kaming magagawa kundi ang lumaban kaysa naman sa mag reklamo sa buhay namin. Kaya ako.. hindi talaga ako napapagod kumayod at gusto ko pang dagdagan ang trabaho ko para makatulong kay mama.
Alam ko naman na aahon din ang buhay namin. Hindi habang ganito ang buhay ng pamilya ko dahil magpupursige ako sa lahat.
Sa t'wing nakikita ko si mama na pagod na ay talagang mas lalo akong nagpupursige sa buhay. Kung si mama nga hindi napapagod, dapat ako din.
Naglaba ako ng damit ko at pati kay mama ay nilabhan ko na din. Isasampay ko nalang muna 'to sa gilid ng bahay namin. May sampayan naman do'n. Ang problema lang baka liparin ng hangin.
Tinulungan na din ako ng kapatid ko maglaba kaya natuwa ako. Mabait naman talaga ang kapatid ko at maasahan din naman sa bahay. Hindi kasi kami katulad ng mga bata na hindi tumutulong sa magulang at arte lang sa katawan ang alam.
Tinuruan kami ni mama at papa lalo na't mahirap lang naman kami at kailangan magtulungan.
Dumating ang hapon at nag aayos na ako para pumasok ng trabaho. Sa isang resto bar ako pumapasok at isang gabi lang yun. 6PM ang start ng pasok ko kaya mabuti nalang at tumigil na ang ulan.
Nagmamadali na akong magbihis dahil kailangan makarating ako do'n ng 5:30PM. Hindi ako pwedeng maging late dahil mababawasan ang sahod ko na 700. Sayang din yun kaya kailangan hindi ako malate.
Nagpaalam na ako kay mama dahil aalis na ako. Binigyan pa talaga niya ako ng pamasahe kahit meron naman talaga ako. Napapa iling nalang talaga ako kay mama dahil dapat ipon na niya yun pero binigay pa din niya sa 'kin.