Chapter 2

1704 Words
Zhelee Angela's Pov NANDITO na ako sa resto bar at agad akong nagsimulang magtrabaho. Marami din kasing tao dito na kumakain kaya talagang busy kaming lahat. Mabuti na nga lang at hindi na umulan pa dahil wala ng tao ang pupunta kapag umuulan. Maraming nag iinom kaya walang tigil ako sa pagkuha ng order nila. Gusto ko nga sanang umupo kahit saglit man lang pero hindi ko na sinubukan dahil baka makita ako ng manager. Habang kumukuha ako ng order ay bigla akong napalingon sa entrance at nakita ko ang isang gwapong lalaki. Hindi ko alam kung saan siya galing o kung bumaba ba siya sa langit dahil sa sobrang gwapo ng lalaki. Matipuno pa ang katawan nito at ang tangkad. Moreno ang kanyang balat at hindi ko mapigilan matulala sa sobrang gwapo ng lalaki. "Miss.. yung mga inorder namin na isulat mo ba?" Tanong sa 'kin ng customer kaya nabalik ako sa hwesyo. Napakamot ako sa likod sa ulo ko at napangiwi saka ako humarap sa customer ko. "Pasensya na po, sir.. may tinignan lang po ako. Akala ko po nag-aaway." Palusot ko na lamang saka ngumiti ulit sakanila. "Pwede po bang paki ulit ng order niyo.." saad ko sa nahihiyang boses. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pumayag naman at madali naman palang kausap ang lalaking 'to. Sinulat ko lahat ng order nila saka ako nagpaalam. Dali-dali kong tinungo ang lalaking inaabutan namin ng order at siya ang nag-aayos no'n saka ko ihahatid sa table ng customer. Inabot ko yun kay kuya Ren saka ako tumingin sa paligid. Agad kong nahanap ang lalaking napaka gwapo kanina. May kasama siyang lalaki na may itsura din pero mas gwapo pa rin ang moreno. Ang gwapo talaga niya, hindi nakakasawa pagmasdan ang mukha niya. Siguro ang swerte ko kung mapapansin niya ako. Habang nananginip ako ng gising sa lalaking gwapo ay bigla 'tong tumingin sa 'kin at nagtagpo ang tingin namin dalawa. Bigla akong nawala sa katinuan lalo na ng kindatan ako ng lalaki. Sa sobrang gulat ko ay agad akong nag iwas ng tingin dahil na din sa nangyari. Nahihiya ako dahil ang pangit ko pa naman tapos may lalaking kikindat sa 'kin. Kanina pa naman ako paikot-ikot sa dahil hindi na ako nakapag pahinga. Kaya talagang nahihiya ako sa itsura ko na busy masyado sa buhay at wala ng oras para mag retouch man lang. Ang oily ng face ko siguro kaya nakakahiya. "Zhe, ihatid mo na 'to sa customer, table 23." Utos ni kuya Ren sa 'kin kaya agad akong tumango at tumalima. Dali-dali akong pumunta sa table kung saan ang sinabi ni kuya Ren. Inilapag ko muna ang tray sa table nila saka ko ibinaba ang mga beer na inorde nila at pulutan. Nang matapos ako ay maglalakad na sana ako papunta sa counter ng makita ko si ate Myla. Palapit siya sa 'kin kaya hinintay ko siya. "Zhe.." tawag niya sa 'kin kaya ngumiti ako. "Ano po yun, ate?" Tanong ko naman. Lumingon siya sa ibang direksyon at may tinuro siya. Medyo madilim do'n kaya pinaningkit ko ang mga mata ko para lang makita kung anong meron sa tinuro niya. "May lalaki kasi do'n na naka hoodie jacket kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Kanina ko pa tinatanong kung anong order niya pero hindi siya nagsasalita para bang hangin lang ako sa kanya." Sabi ni ate kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. "Kanina pa kaming tatlo ni Zandra at Mae pabalik- balik sa lakaking yan pero ayaw talaga magsalita." Dagdag na sabi ni ate Myla. "Ano po gusto mong gawin ko, ate? Tatawag na po ba ako ng bouncer para paalisin po ang taong yun?" Tanong ko dahil pwede naman ako lumabas at tawagin ang tatlong bouncer ng resto bar. "Wag na muna! subukan mong lapitan ang taong naka hoodie at kunin ang order niya. Malay natin baka sa'yo magsalita." Sabi ni ate Myla sa 'kin sabay tinapik ang balikat ko at umalis sa harapan ko. Ako naman ay napakamot sa likod ng ulo ko dahil ako pa talaga ang nautusan. Pambihira naman talaga! Wala na akong nagawa kundi ang maglakad at puntahan ang medyo madilim na bahagi ng bar na 'to. Kailangan ko lang hanapin ang sinasabi ni ate Myla na naka suot ng hoodie. Bakit kasi dito siya umupo sa madilim. Natatakot tuloy ako na baka masamang tao pala yun at bigla nalang akong hilain at saksakin. Wag naman sana. Ang gusto ko pa naman sanang lapitan ay yung lalaking moreno na ubod ng gwapo eh, hindi ang taong naka hoodie. Nakarating ako sa madilim na parte ng resto bar at napangiwi pa ako dahil may nakita akong mag jowa na naghahalikan. Kaya siguro pumwesto sa madilim para maka score ang lalaki. Hinayaan ko nalang kaysa naman umeksena ako at maputol ang halikan nilang dalawa. Inilibot ko ang mata ko sa paligid hanggang sa makita ko ang taong nakasuot ng hoodie jacket. Tulad ng sabi ni ate Myla ay wala nga 'tong order sa table niya. Siya lang din mag-isa at nakayuko kaya hind ko makita ang mukha. Tapos yung pwesto pa niya ay dim light pa kaya hindi ko talaga makikita ang itsura ng tao. Kinakabahan akong tinungo ang table ng taong naka hoodie at takot na takot talaga ako at baka masamang tao 'to. Panay tuloy ang dasal ko sa isipan ko na sana ay wag akong saktan. "Good evening po, sir. May I take your order?" Tanong ko habang nakangiti. Nakuha ko pa talagang ngumiti kahit natatakot na ako. Hindi siya nag angat ng ulo, hindi din siya nagsalita kaya medyo kinabahan ako. Baka sigawan niya ako. Kailangan ko na yatang magtawag ng bouncer para mahila ang lalaking 'to. "Beer," tipid niyang sagot kaya nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses niya. Ang lalim at lalaking-laki talaga. Siguro.. gwapo ang lalaking 'to. Boses pa lang kasi niya ay halata na. Baka artista 'to kaya siya naka hoodie para hindi magkagulo ang mga tao. Pero kung artista man siya.. bakit wala siyang kasama dito sa table. Naguluhan tuloy ako sa mga iniisip ko kaya sinulat ko nalang ang sinabi niyang beer. Yun lang ang sinabi niya pero ang sarap ng pakinggan. "May idadagdag ka pa po ba, sir? Pulutan po.." Sabi ko pa dahil baka gusto niya ang pulutan. "May sisig po kami, inihaw na liempo, inihaw na pusit at kung ano-ano pa. Pwede ka din po mag kanin kung hindi ka pa kumain, sir." Sabi ko sa harap niya. Sana talaga ay magsalita siya. "Sisig," tipid niyang sagot at hindi pa rin siya nag aangat ng mukha niya. Napanguso ako at sinulat nalang yun. Mukhang wala siyang balak mag angat ng mukha eh kaya hayaan ko nalang. "Ito lang po ba, sir?" Paninigurado ko at baka pabalik- balik ako dito. Baka kasi hindi na naghahalikan ang makikita ko kundi nag a-anuhan na mag jowa. Baka hindi kinaya ang libog at dito na mag anuhan. Tumango lang ang lalaki kaya ngumiti ako ng pilit at agad na nagpaalam sa lalaki kahit wala naman siyang pakialam kung umalis man ako sa harap niya. Nagmamadali akong maglakad at tinungo ang pwesto ni kuya Ren dahil nando'n sila ate Myla. "Ano.. hindi nagsalita no?" Tanong pa ni ate Myla sa 'kin ng makita nila ako. Akala siguro niya ay hindi nagsalita ang lalaking naka hoodie. Nagsalita naman agad eh, kaya bakit nila nasabi na hindi nagsasalita. Pinagtri-tripan yata nila ako eh. "Yung naka hoodie ba, ate Myla? Naku.. ilang beses ko din tinanong yun kanina. Sumuko nalang ako." Saad ni Mae kaya lihim akong natawa. Nagtataka din kasi ako kung bakit hindi nagsalita ang taong naka hoodie sakanila. Samantalang ako isang tanong ko lang naman ay sumagot naman agad ang lalaki. Nakakapagtaka tuloy. "Kaya nga. Kaya ko nga pinasa kay Zhelee." Sabi ni ate Myla. "Ito po yung order niya," sabi ko na lamang saka ko inabot kay kuya Ren para ihanda ang order ng lalaking naka hoodie. Nanlaki naman ang mata ni ate Myla at ang dalawa ko pang kasama at halatang hindi makapaniwala na nakuha ko ang order ng lalaki. Napakamot nalang ako sa pisngi ko dahil tinatanong nila kung ano daw ang ginawa ko. Ngumiti lang ako at nilingon ang lalaking gwapo na moreno. Agad nawala ang ngiti ko dahil may kasama ba 'tong babae at sobrang dikit na dikit pa ang dibdib nito sa lalaki. "Ang gwapo talaha ni sir Kenneth no?" Biglang sabi ni Mae kaya lumingon ako sa kasama ko. "Sino dyan?" Tanong ko nalanga. "Yun oh.. yung morenong lalaki." Sagot niya na tinuro pa talaga ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdan. "Kenneth pala pangalan niya.." saad ko. "Oo. Ang swerte niyan sa buhay talaga. Gwapo, matalino, at mayaman. Kaya siguro ang daming babae naghahabol sa kanya. Ang swerte talaga ng babaeng magugustuhan niya." Sabi ni Mae kaya napatango- tango ako. Totoo naman talaga, ang gwpao naman kasi ng lalaki. Siya nga lang yata ang pinaka gwapo na nandito sa resto bar. Nangingibabaw talaga ang kagwapuhan niya. "Sus.. wag niyo ng pangarapin ang lalaking yan dahil napaka babaero niyan kung alam niyo lang. Pa iba-iba ang babaeng kasama niyan kaya kung ako sa inyo wag niyo ng gustuhin ang lakaking yan. Gwapo nga pero babaero naman." Sabat ni ate Myla sa usapan namin ni Mae. "Totoo ang sinasabi ni ate Myla. Paiba- iba ang babaeng kasama niyan. Suki kasi natin yan dito pero ilang months ko na din siyang hindi nakikita. Siguro pumunta ng ibang bansa kaya ganun." Sabat din ni Zandra. Napanguso ako dahil mukhang tama sila. Kaya siguro may kasamang babae ang binata. Crush ko lang naman eh kaya ayos lang. Hanggang crush lang din naman ako dahil napaka imposible naman kasi na mapansin ako ng lalaking yun. Isa lang akong alikabok sa paningin niya kaya wag na akong mangarap. Inutusan na ako ni kuya Ren na ihatid ang order ng taong naka hoodie jacket kaya agad akong tumalima. Sabi pa ni kuya ay ako na daw ang taga kuha ng order ng taong yun kapag nandito daw sa resto bar dahil sa 'kin lang daw nagsalita. Napangiwi nalang ako at tumango nalang dahil part time lang naman ako dito kaya kailangan kong sumunod sa sinasabi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD