Chapter 3

2009 Words
Zhelee Angela's Pov BALIK aral na naman ako dahil may pasok ako ngayon. Monday na monday pero tamad na tamad na akong pumasok. Talagang pag monday talaga nauubos na lakas ko eh. Minsan na papatanong na lang ako kung bakit nauso pa ang monday. Napabuga ako g hangin dahil umaga pa lang inaantok na ako. Napuyat kasi ako kagabi dahil na din sa madaling araw na ako nakauwi sa bahay namin dahil nag part time ako sa resto bar. Nakakaiyak talaga sa t’wing monday ay palagi akong pagod, puyat at lutang. Mabuti nga at nasa pinaka last ako nakaupo at hindi sa harap. Baka pag nasa harap ako ay natawag na ako ng maaga ng prof namin. Naghihikab ako at talagang inaantok talaga ako. Ganito talaga pag kailangan ng pera. Puyat na nga haggard pa. Mabuti pa ang classmate ko na sobrang kikay ay palaging fresh pa. Maarte nga lang at feeligera dahil feel na feel niya na lahat ng lalaki sa classroom namin ay may gusto sa kanya. Kaya ayan.. palaging pa bebe. Minsan nakaka irita ang tawa niya. Yung tipong hindi naman nakakatawa ang sinasabi niya pero tumatawa. Siya lang din naman ang tumatawa kaya natatangahan ako sa kanya. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil pinoproblema ko na naman kung saan ako pwedeng mag sideline. Wala na yata akong inisip kundi pera. Kung saan na naman ako maghahanap ng mapapasukan para kumita ng pera. Ayaw kasi pumayag do’n sa pinapasukan kong resto bar ang sabado at linggo akong mag du-duty. Ang sabi ay may isa din daw na part timer sa sabado at hindi daw kaya ng boss namin kung dalawa daw ang papasukin. Sabi kasi ay hindi naman daw tatanggap ng part timer do’n pero siguro naawa sa ‘kin at sa taong nagpa-part time di t’wing sabado. Kaya kailangan makahanap ako ng mapapasukan ko talaga sa sabado dahil ang hirap talaga maging mahirap. Hindi pwedeng hindi ako kumilos dahil kawawa kami nila mama at Valeen. Lalo na ngayon na ang daming xerox ngayon. Ewan ko ba ‘to sa mga ibang teacher, pinapahirapan kami sa gastusin. Alam kong maliit na bagay lang ‘to sa ibang classmate ko pero para sa ‘kin ay mahalaga na. Kahit five pesos ay namamahalan na ako. Kung pwede na nga lang maging kangkong ako eh. Bwisit na buhay ‘to! Sa dinami-daming walang pera sa mundo ay isa pa talaga ako do’n. Nagsulat nalang ako dahil sabi ni prof e copy daw namin ang sinulat niya sa board. Hindi ako nakikinig kaya bahala na kung mag quiz siya sa susunod. Babasahin ko nalang ang notes ko at baka may matutunan pa ako. Wala eh.. lutang talaga ako ngayon at kailangan ko ng tulog. Mabuti na nga lang at hanggang 2PM lang ang class ko ngayon. Gusto ko nga kapag ganun ang schedule ko ay hindi papasok ako sa resto bar. Kaso malabo talaga lalo na’t kumpleto naman ang mga waiter at waitress ng boss namin kaya hindi ko na aasahan talaga. Kaya sa second option ako na kailangan maghanap ng bagong papasukan. Tapos na ang subject namin kaya nakahinga ko ng maluwag. May 30 minute pa kasi ako bago ang sunod na subject. Kung ang iba kong classmate ay pumunta sila sa canteen para kumain muna, ako naman ay pupunta sa next classroom namin at do’n ako tatambay. Hindi naman masyado ang classroom at sakto din na lumabas na ang nag ka-klase do’n. Pumasok na ako at agad lumapit sa upuan na pinaka dulo. Umupo agad ako at balak kong ipikit ang mata ko kahit saglit dahil inaantok talaga ako. Ngunit hindi ko nagawa yun ng biglang mag ring ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko. Hindi ko pala na silent yun kanina. Mabuti na lang at hindi tumunog kanina kundi patay ako sa prof namin. Inilabas ko ang phone ko na basag ang screen at tinignan kung sino ang tumatawag. Matagal na ang phone kung ‘to ngunit hindi ko makuhang palitan dahil alam ko na may iba pang dapat paglaanan ng pera. Gumagana pa naman kaya ayos na muna ‘to. Ang mahalaga naman ay nakakatanggap ng tawag ang phone ko. Binili ‘to ni mama sa kapitbahay namin na bumili ng bagong phone. Ang totoo nga nyan ay hindi na talaga mapindot ang screen nito kung mag t-text ako. Kaya hanggang tawag lang talaga ako para hindi ako mahirapan. Ganun talaga, kailangan kong mag tiis muna. Alam ko makakabili din ako ng bago. Hindi lang para sa ‘kin kundi pati kaya mama ta kay Valeen. HIndi na ako magtitiis sa basag na cellphone sa susunod. Sinagot ko ang tawag kahit pa nga nanghuhula lang ako kung sino ang tumatawag dahil natatakpan ang pangalan ng caller. Ayos lang naman dahil mga kakilala ko lang naman ang tatawag sa ‘kin. Wala naman kasi akong balak makipag textmate. Hindi uso sa ‘kin yang mga ganyang bagay dahil pera ang kailangan ko. Itinapat ko sa kanan kong tenga ang phone at agad na napangiti ng marinig ko ang boses ni ate Myla. “Ate, napatawag ka po..” sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya sa kabilang linya at parang tuwang-tuwa. “May good news ako sa’yo.” Sabi sa ‘kin ni ate Myla kaya nawala ang antok ko. Syempre good news yun kaya dapat lang na makinig ako. “Ano po yun, ate?” Tanong ko pa sa kanya. “Alam mo ba si Cheska.. yung kasama din namin sa trabaho, yung suplada na isang linya lang ang kilay ay natanggal sa trabaho.” Pagkwe-kwento ni ate Myla sa ‘kin. Kumunot naman ang noo ko dahil nasa’n ang good news do’n eh tinanggal ang kasamahan nila. “Bakit po natanggal, ate? May kasalanan po ba?” Tanong ko na lamang. “Nahuling kumukupit ng pera sa kaha. Kaya ayon tinanggal.” Sagot naman ni ate. “Eh.. ano po ang good news po do’n?” Tanong ko at pilit na tumawa para hindi naman halata na nagmamadali akong malaman ang good news. “Ito na nga.. hindi na maghahanap si boss ng ipapalit kay Cheska. Sinabi ko kasi na ikaw nalang ang kunin dahil magaling ka naman at nakikita ko naman kung paano ka kumilos sa resto bar. Walang kaarte-arte at talagang kilos kung kilos. Kaya ang sabi ko kay boss ay hindi naman umaabot ng 5PM ang mga klase mo kaya ikaw nalang ang papasukin dahil 6PM naman ang start ng resto. Ang tanong.. kaya mo ba pagsabayin ang pag-aaral at pagtra-trabaho, Zhe?” Mahabang sabi ni ate Myla kaya ang lawak ng ngiti ko. Hindi ko na pakakawalan ang chance ko na makapasok sa work ng maayos at hindi linggo lang. “Opo, ate. Kaya ko po! Ako pa ba eh mukha po akong pera.” Sabi ko kaya natawa si ate Myla sa kabilang linya. “Same. Hindi talaga ako nagkamali irecommend ka kay boss.” Sabi ni ate kaya nagpasalamat talaga ako sa kanya. Siya kasi talaga ang nagturo sa ‘kin sa resto bar kaya lahat talaga ng utos ni ate sa ‘kin ay sinusunod ko. Matagal na kasi siya sa resto bar at parang pinapakinggan siya ng boss namin kapag hinihingian siya ng opinyon. “Salamat po talaga, ate Myla. Sobrang laking tulong po talaga nito.” Saad ko pa kay ate Myla. “Ano ka ba.. wala yun. Basta ang mahalaga ay matulungan kita. Alam ko naman na mahirap talaga ang pinagdadaanan mo. Ang iniisip ko lang ay college ka pa naman at baka hindi mo kayanin.” Sabi sa ‘kin ni ate Myla. “Kaya ko po yun, ate. Pagsasabayin ko po yun.” Pursigido kong sabi. “Sige. So, ano.. simula ka na mag duty mamaya. Anong oras ba matatapos ang klase mo?” Tanong sa ‘kin ni ate Myla. “2PM lang po, ate. May oras pa po ako para magpahinga sa bahay namin saka po ako papunta sa resto bar.” Sagot ko kay ate Myla. “Buti naman kung ganun. Basta agahan mo lang dahil baka kausapin ka ni boss mamaya. Ang alam ko kasi hanggang alas 10 ang out mo or 9PM para naman makapagpahinga ka din kahit papano.” Sabi ni ate Myla kaya pumayag ako. Nakakatuwa talaga dahil kahit anong hirap ng buhay ay may tao pa rin na tutulong talaga. At isa na do’n si ate Myla. Nagpaalam na sa ‘kin si ate dahil may gagawin pa daw siya. Nawala na talaga ang antok ko sa good news ni ate Myla. Dumating na ang mga classmate ko sa subject na ‘to at ilang sandali pa ay dumating na din si prof. Nakangiti ako dahil ang saya ko talaga. Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay mama ang magandang balita. Lumipas ang ilang oras at dumating na ang 2PM. Tapos na ang klase ko at wala na akong sinayang na oras pa at umuwi agad. Kailangan kong makauwi agad para makapagpahinga pa ako. Dali- dali akong lumabas ng gate at agad na tinungo ang sakayan ng jeep. Sana makasakay ako agad para makauwi ako agad sa bahay. Napakabait talaga ni papa God dahil nakasakay ako agad ng jeep. Hindi talaga ako pinaghintay ng matagal. Sumakay agad ako at inabot ang pamasahe ko sa unahan. Mabuti nalang din at hindi traffic dahil maaga pa naman para sa uwian ng ibang empleyado at ibang estudyante. Mabilis lang ako nakarating kung saan ang babaan namin kaya agad akong bumaba ng jeep. Kailangan ko pang maglakad papasok ng eskinita dahil papasok ang bahay namin. Nang makarating ako sa bahay namin ay agad akong pumasok. Alam kong nasa loob si mama dahil bukas ang ilaw. Si Valeen ay mamaya pa yun uuwi. "Ma.." tawag ko kay mama at sakti naman na nakita ko siya sa kusina na naghuhugas ng plato. "O, nakauwi ka na pala." Sabi ni mama sa 'kin. "Sakto nagluto ako ng champorado, nak. Kakatapos ko lang din kumain." Sabi ni mama kaya tumango ako. Pinagsandok pa talaga ako ni mama kaya sinabi ko na sa kanya ang magandang balita. Halata sa mama ko ang tuwa ng malaman niya na may trabaho na ako sa gabi. Pero nag- aalala siya sa 'kin dahil baka hindi ko daw kayanin. Alam ko naman ang iniisip ni mama lalo na't nag- aaral ako. Parang gusto ko nalang tuloy tumigil sa pag-aaral at unahin ko nalang muna makapag tapos si Valeen. Ayos lang kung matagal ako makapag tapos sa pag-aaral. Ang mahalaga ay isa sa'min magkapatid ay nakapag tapos ng pag-aaral. Yun naman ang mahalaga eh. Pero sigurado ako na hindi papayag si mama sa plano ko. Ayaw niya dahil nangako siya kaya papa na makakapag tapos ako agad ng pag-aaral dahil igagapang niya kahit anong mangyari. Hinayaan nalang ako ni mama at sinabihan niya ako na pagkatapos kong kumain ay magpahinga daw ako at matulog. May oras pa naman kasi para makapag pahinga ako. Mamayang 6PM pa naman ang duty ko pero 5:30PM ay aalis na ako dito sa bahay. Tyansado ko na ang byahe ko papunta do'n sa bar kaya alam kong hindi ako malalate. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko lang ang kinainan ko at pagkatapos no'n ay pumunta na muna ako sa kwarto namin ni Valeen at matutulog na muna. Sinabihan ko naman si mama na gisingin ako nga mga 4:30 para makapag handa pa ako sa sarili ko. Kailangan ko din naman kasi mag ayos ng sarili at mag lagay din ng light makeup para naman maging tao ako habang humaharap sa customer. Hindi naman ako masyadong makapal mag make up, sakto lang dahil mabigat kasi sa mukha at pakiramdam ko ay kapag pinag pawisan ako ay malagkit sa mukha ko. Kaya saktong make up lang at baka magmukha akong clown kapag nilagyan ko pa ng maraming kulay ang mukha ko. Humiga ako sa kama at agad na ipinikit ang mga mata ko para makatulog ako. Agad naman dumalaw ang antok sa 'kin kaya hinayaan ko lang hanggang sa makatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD