Chapter 4

2001 Words
Zhelee Angela's Pov NAGSIMULA na talaga akong mag duty at tuwang-tuwa talaga ako dahil maganda ang offer sa 'kin ng boss ko. Ang pasok ko kasi ay 6:30PM hanggang 10:00PM. Ayos na din sa 'kin yun dahil kahit papano ay makakapag pahinga pa ako at makakagawa pa ako ng assignment ko o kung ano pa man. Yung sahod ko ay 700 parin kahit pa nga ay hindi mahaba ang duty ko. Ayos na din yun dahil may pera parin ako. Yung iba do'n at ibibigay ko kay mama para itabi niya din at pang gastos na din namin sa pang araw-araw. Pinakita ko talaga sa boss namin na talagang maasahan ako pagdating sa trabaho. Pakitang gilas talaga ako lalo na't nasa paligid ang boss ko. Pero kahit wala naman ay talagang ginagalingan ko naman talaga padating sa trabaho. Patapos na ang duty ko at medyo pagod na ako dahil na din sa dami ng customer kanina. Wala pa ang crush ko kaya kas lalo akong nanghina. Yug crush kong moreno ay hindi talaga dumating ngayong gabi. Patapos na ang duty ko pero hindo ko talaga siya nakita. Siguro ay wala na naman siya ngayon at pumunta na naman sa ibang bansa. Yun kasi ang palaging sabi ni ate Myla dahil may sarili daw negosyo ang lalaking yun. Anak daw kasi yun sa isang business man kaya hindi na talaga nakakapag taka kung maging business man din ang lalaking yun na may pangalan na Kenneth. Natigil ako sa pag iisip ng makita ko si ate Myla papunta sa pwesto ko. "Tapos na duty mo, Zhe. Bakit hindi ka pa mag ayos at umuwi." Sabi ni ate Myla kaya ngumiti ako sa kanya. "May 30 minutes pa po, ate Myla." Sagot ko kaya napa iling siya sa sagot ko. Hinayaan nalang niya ako dahil alam niya na hindi na pa talaga ako aalis dito. Nagpaalam na si ate Myla muna sa 'kin dahil may aasekasuhin muna daw siya. Ako naman at nakatunganga pa rin at panay ang tingin sa paligid at baka may customer na tumawag sa 'kin at umorder pa na alak. Ngunit ilang sandali lang ay may pumasok na lalaki na hindi ko inaasahan. Agad nawala ang pagod ko dahil ang nakita ko ay ang crush ko na si Kenneth. Ang gwapo talaga niya at hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya. Bakit kasi may lalaking pinanganak na ganito ka gwapo. Para tuloy akong tanga na nakatitig sa binata. Nagulat pa ako ng lumingon siya sa 'kin at sa pangalawang pagkakataon ay kinindatan na naman ako ng lalaki. Nakakawala ng pagod ang kindat nya lalo na nong tinawag niya ako. O-order siguro siya. Sana ako nalang ang orderin niya. Ang landi ko talaga at kung ano- ano na talaga ang iniisip ko. Kinakabahan tuloy ako na baka makita ako ng mga ka trabaho ko at mapagalitan ako. Nang makalapit ako kay Kenneth at ay ipinakita ko sa kanya kung gaano ka sweet ang ngiti ko. Syempre dapat kanais-nais ako sa harapan niya para kahit papano ay mapansin niya ako. "Good evening po, sir." Bati ko sa kanya sa malambing na boses. Hindi na talaga ako 'to dahil sobrang sweet ng boses ko. Medyo nandidiri ako sa sarili ko na ganun ang boses ko. Hindi kasi ako sanay. "I want whiskey, miss." Sabi niya sa 'kin kaya dali-dali kong nilista yun at nagpalitang gilas talaga ako para malaman niya na good listener talaga ako. Lahat yata ng inorder niya ay naisulat ko kaya hindi na niya banggitin ng dalawang beses. Nagpaalam lang ako at sinabi ko na ihahatid din agad ang order niya. Lumapit ako kay kuya Ren at inabot ko sa kanya ang inorder ni sir Kenneth. Hinintay ko na din yun dahil gusto ko ako ang maghatid ng inorder niya bago ako mag out. Gusto ko munang masilayan ang mukha niya para mamaya ay mapanaginipan ko. Inabot sa 'kin ni kuya Ren ang order ni sir Kenneth at agad akong naglakad dala ang tray. Hindi mawala ang tingin ko kay sir Kenneth na nakayuko habang nag c-cellphone. Parang gusto ko tuloy hindi umuwi sa bahay at ipagpatuloy ang duty ko pa dito. Hindi nalang ako papasok sa school bukas para naman may masilayan ko parin ang si sir Kenneth. "Ito na po ang order mo, sir." Saad ko kay sir Kenneth kaya nag angat siya ng tingin sa 'kin. "Thank you!" Sabi niya kaya napangiti akong inaayos ang order niya sa table. "Walang anuman po, sir. Enjoy po!" Sabi ko at akmang tatalikod na sana ako ng biglang hawakan ni sir Kenneth ang palapulsuhan ko kaya napatigil ako sa paghakbang. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "May kailangan ka pa po ba, sir?" Magalang kong tanong sa kanya. "Yes. Pwede mo ba akong samahan dito sa table. Mag- isa lang kasi ako. If okay lang." Sabi niya sa 'kin. Agad naman akong pumayag dahil tapos naman na din ang duty ko ngayong gabi. Ang laki ng ngiti ko habang nakaupo ako sa katapat na upuan ni sir Kenneth. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako niyaya pero iisipin ko nalang na ang swerte ko dahil napili ako ng gwapong lalaki. Sulitin ko nalang ang pagtitig ko sa gwapo niyang mukha dahil sigurado ako na isang gabi lang talaga 'to. Hindi na mauulit sa susunod. "What's your name?" Tanong sa 'kin ni sir Kenneth. "Zhelee Angela Llagas po, sir." Sagot ko sa buo kong pangalan. "Nice name, bagay sa'yo. Anyway, my name is Kenneth." Pagpapakilala niya at inilahad pa talaga ang palad niya sa harap ko. Nahihiya tuloy ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Nahihiya talaga ako lalo na't medyo magaspang ang palad ko. Pero ayaw kong mapahiya si sir Kenneth kaya nakipag shake hands ako sa kanya. Grabe.. parang panaginip parin sa 'kin na kausap ko siya. Hindi parin ako makapaniwala na nakakausap ko ang isang gwapong lalaki na crush ko pa talaga. Parang ayaw ko na tuloy matapos ang gabing 'to dahil sigurado ako na bukas ay hindi na talaga 'to mangyayari. Kung ano-ano lang ang pinagkwe-kwentuhan namin dalawa ni sir Kenneth. Kinikilig pa ako dahil titig na titig talaga siya sa 'kin kapag nagsasalita siya. Ang gwapo talaga niya at kahit kailan siya lang talaga ang pinaka gwapo sa paningin ko. Ang sabi sa 'kin ni sir Kenneth ay magkita pa daw kami ulit at ako daw ang kumuha ulit ng order niya kapag pupunta daw siya dito sa resto bar. Para bang isang panaginip ang lahat dahil ang masasabi ko talaga na ang swerte ko dahil nasa harap ko si sir Kenneth. Yung mga kasamahan ko ay nag taas ang isang kilay ng makita nila akong kasama si sir. Si ate Myla lang yata ang hindi at kakaiba ang reaksyon niya. Halatang nagulat siya ng makita niya akong kasama si sir Kenneth. Lumipas pa ang mga ilang araw ay ganado ako palagi pumasok sa resto bar dahil alam ko na nando'n si sir Kenneth. Palagi din kasi niya ako pinapansin kaya pagkatapos ng duty ko sa resto ay siya naman ang sasamahan ko sa table tulad nong una niya akong tinawag. Nakasanayan ko na talaga na magkasama kaming dalawa. Ang nakakatuwa pa ay palagi ko siyang nakikitang nakatitig sa 'kin. Kinikilig naman ako dahil syempre.. sino ba naman ako para titigan ng isang mayamang lalaki. Nasanay na ako na ako ang nagdadala ng order ni sir Kenneth. Kaya lagi akong masaya at ginaganahan sa duty ko. Kaya kinabukasan ay wala lang sa 'kin ang puyat at pagod dahil kay sir Kenneth pa lang ay bawing-bawi na ako. Linggo ngayon kaya nag aayos na ako para pumunta sa resto bar. 6PM ang duty ko kaya dapat 5:30 nando'n na ako. Excited na naman ako ngayong gabi dahil makikita ko na naman ang crush ko. "Ma, alis na po ako!!" Pagpapaalam ko kay mama. "Sige, nak. Ingat ka!" Sabi ni mama kaya ngumiti ako saka ako nagmamadaling lumabas sa maliit naming bahay. Malalaki ang bawat hakbang ko at talagang nakangiti pa talaga ako. Nababaliw na talaga ako, baliw na kay sir Kenneth. Sumakay lang ako ng jeep para makarating ako sa resto. Traffic ng konti kaya nakakainis ang byahe. Napatingin ako sa mga kasamahan ko sa jeep at napansin na may taong naka hoodie jacket. Hindi ko makita ang mukha niya kaya kinutuban ako na baka holdaper 'to sa jeep kaya ganito ang get up. Umusog tuloy ako papunta sa may labasan ng jeep dahil kapag sumigaw siya ng holdap ay madali akong makakatalon sa jeep. Bigla ko tuloy naalala yung taong naging customer ko din sa bar. Naka hoodie din kasi yun pero napaka imposible naman na iisang tao sila. Baka pareho lang sila na trip mag hoodie jacket kahit ang init sa Pilipinas. Dapat hindi ganyan ang get up niya dahil pati yung ibang pasahero ay umuusog din kaya wala tuloy siyang katabi. Pero ilang minuto na at marami namang pasahero ay hindi naman siya nag sabi na holdap 'to. Siguro get up lang niya yun para walang tumabi sa kanya. Siguro kailangan ko din gayahin ang hoodie jacket na yan. Mukhang magandang idea eh para wala akong katabi sa jeep. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa resto bar. Bumaba ako sa jeep at hindi na nilingon pa ang taong naka hoodie jacket. Nakahinga ako ng maluwag at nagpasalamat ako sa panginoon na nakababa ako ng jeep na safe. Agad kong tinungo ang resto para makapag ready na ako dahil magsisimula na naman ang trabaho ko. Ako lang yata ang palaging masaya sa t'wing mag d-duty na. Yung ibang kasamahan ko kasi ay nag rereklamo na nakakapagod na daw pumasok. Pero kapag tinanggal sila ni boss ay iiyak- iyak. Hindi nila alam na mas nakakapagod ang walang trabaho at walang pera. Kaya kung ako sa kanila ay magtrabaho sila hanggat hindi pa sila matanda. Dahil pag tumanda naman ay sa bahay nalang mamalagi. Duty na agad ako at lahat ng customer ay nakikita ko na nag e-enjoy naman. Lahat naman kasi ng kasamahan ko ay gumagalaw din naman. Minsan nga lang yung isa palaging napunta sa banyo. Hindi ko nga alam kung nagkukunwari lang na masakit ang tiyan dahil mukhang hindi naman. Ang liksi kasi niya kaya halatang nag papanggap lang para makaiwas ng trabaho. Lumipas ang mga oras hanggang sa dumating ang 9PM. Agad akong nag ayos dahil alam ko na parating na si sir Kenneth. Alam na alam ko dahil siya ang nagsabi sa 'kin. Kaya naka abang na talaga ako. Nakakatitig lang ako sa entrance ng resto bar at agad naglaho ang ngiti ko ng makita kong ibang tao ang pumasok sa resto. Ito ang taong naka hoodie jacket. Napasunod pa ang tingin ko sa taong yun na tinungo ang madilim na bahagi ng resto. Mukhang siya nga yun. Ayaw kong kunin ang order niya dahil hinihintay ko ang crush ko. Bahala na ang ibang waitress sa kanya. Ilang sandali pa ay bumukas ulit ang pintuan at nakita ko si sir Kenneth. Ang gwapo talaga ng lalaki at talagang napapatulala ako sa kanya. Tinawag na naman niya ako at talagang lumapit ako agad. Syempre si sir Kenneth na 'to eh. Kinuha ko lang ang order niya saka ako pumunta sa counter. Inabot ko ang order ni sir Kenneth para maayos nila yun agad. Pero lumapit sa 'kin si ate Myla at nainis ako ng slight sa sinabi niya. Paano ba naman kasi ay inutusan nila ako na lapitan daw yung taong naka hoodie jacket na naman dahil ilang beses na daw nilang nilapitan pero hindi daw nagsasalita. Wala naman akong choice kundi ang pumayag dahil syempre wala sa isip ko ang umayaw kapag inuutusan ako. Pumayag nalang ako dahil mamaya pa naman ang out ko kaya may oras pa ako para mag serve sa ibang customer saka ako lalapit kay sir Kenneth at magpapa cute ng todo para ibigin. Masaya ako dahil hindi ko na siya nakikitang maya kasamang babae sa t'wing pumupunta siya dito sa resto bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD