Zhelee Angela's Pov
MASAYA ako gabi-gabi sa bawat duty ko sa resto bar dahil kinikilig ako kay sir Kenneth. Kami na kasi kaya talagang may inspirasyon ako palagi sa bawat hamon ng buhay.
Ang dami ko na ngang plano eh.. at lahat ng yun ay ang mag-aral ako ng mabuti para hindi naman nakakahiya na girlfriend ako ni sir Kenneth. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga. Ang bilis talaga ng pangyayari at talagang sinabihan ako ng mga kasamahan ko na sobrang bilis daw.
Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila dahil talagang nanligaw naman si sir Kenneth sa 'kin. Hindi ko na din siya nakikitang may kasama na babae kaya sobrang saya ko na ako talaga ang babaeng nakapag patino sa kanya.
Maging si ate Myla ay hindi makapaniwala sa nalaman sa'min ni sir Kenneth. Pinagsabihan pa nga ako na mag-ingat daw ako sa lalaki dahil napaka playboy daw talaga ni sir Kenneth. Hindi na ako masyadong naniniwala sa sinasabi nila dahil hindi na ganun ang ugali ni sir Kenneth. Mas kilala ko na siya ngayon dahil girlfriend na niya ako.
Naalala ko pa nga kung paano ko sinagot si sir Kenneth eh, dito lang din sa resto bar. Ang bilis talaga no'n at hanggang ngayon ay kilig na kilig parin ako habang iniisip ang ka sweetan ni sir Kenneth.
Ang tawag ko nga sa kanya ay mahal eh. Syempre, may endearment talaga kami. Sinabi ko naman sa kanya na siya ang unang boyfriend ko. Kaya siguro todo alaga si sir Kenneth sa 'kin kapag nandito kami sa resto.
Hindi na ako nag s-serve ng alak kapag nandito na siya sa resto. Kinausap yata niya ang boss ko at pinakiusapan na wag na akong mag work kapag nandyan na siya.
Tulad nalang ngayon, nandito na naman ako sa harap ni sir Kenneth at talagang hawak- hawak niya ang kamay ko.
Kinikilig dahil kanina pa niya ako sinasabihan na maganda. Nagpaganda kasi talaga ako para sa kanya.
"Gusto mo ba do'n ka nalang sa bahay ko matulog mamaya?" Tanong sa 'kin ni sir Kenneth.
Napangiwi naman ako dahil alam kong hindi pwede. Baka sabunutan ako ni mama kapag hindi ako umuwi mamaya. Sigurado pa naman ako na hinihintay ako no'n bawat gabi dahil si mama ang nagbubukas ng pintuan sa 'kin.
"Naku po, mahal.. hindi ako pwede eh. Baka mapagalitan lang ako ng mama ko," sagot ko sa kanya kaya nawala ang ngiti niya.
"Bakit naman? matutulog lang naman tayo ng sabay, mahal. Ayaw mo ba akong makasama?" Tanong niya sa 'kin at para bang malungkot. Nalungkot tuloy ako dahil halata kay sir Kenneth na gusto akong makasama ngayong gabi.
"Pasensya na talaga, mahal. Hindi talaga pwede eh. Pero hayaan mo.. magpapaalam ako kay mama at sasabihin ko na matutulog ako sa bahay ng isang classmate ko." Sabi ko sa kanya para hindi na siya malungkot pa.
"It's okay," sabi lang niya saka ngumiti
sa 'kin. Alam ko yung ngiti niya ay hindi
masaya. Napabuga tuloy ako ng hangin dahil gusto kong sumama sa kanya sa bahay niya. Gusto ko siyang makasama para naman kahit papano ay maging masaya naman kami. Natatakot kasi ako na baka ipagpalit niya ako.
Pero ayaw ko naman magalit si mama sa 'kin. Alam kong bawal talaga yun at magagalit si mama.
Hindi na nagsalita pa si sir Kenneth kaya nahiya tuloy ako. Parang nag iba na ang ihip ng hangin kaya hindi na din ako nagsalita pang muli.
Lumipas pa ang mga araw at unti-unti ay hindi na madalas ang pagpunta ni sir Kenneth sa resto bar. Lagi ko siyang inaabangan bawat gabi dahil sa pag-aakala ko na baka busy lang siya dahil nga sa isa siyang negosyanteng tao. Iniisip ko na lang na baka nga busy siya at wala siyang oras para makipag kita o magsaya man lang.
Bawat duty ko sa resto bar ay hindi ako masaya. Wala na nga yata akong inisip kundi ang boyfriend ko na hindi na talaga nag pakita pa sa 'kin. Nagsimula lang talaga no'n dahil sa hindi ako pumayag sa kanya na sumama sa bahay niya. Tama lang naman ang ginawa ko eh, bago lang kami kaya hindi ako pwedeng sumama sa kanya. Kahit papano ay natatakot din naman ako na baka may mangyaring hindi ko inaasahan.
Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw lang ako sa pinto ng resto bar at inaabanagn na baka magpakita sa 'kin si sir Kenneth. Malapit na naman ang out ko kaya nalulungkot na ako agad.
"Ilang araw ka ng malungkot ahh.. para ka ding walang gana magtrabaho." Sabi sa 'kin ni ate Myla na nasa tabi ko pala. Hindi ko man lang siya napansin dahil sa pag iisip ko kay sir Kenneth. Lumingon ako sa kanya at napipilitan akong ngumiti. "Ayos ka lang ba?" Tanong sa 'kin ni ate Myla.
"Opo, ate. Iniisip ko lang po ang boyfriend ko. Hindi ko na po kasi siya nakikita dito sa resto bar." Pagsasabi ko ng totoo. Malungkot pa talaga ang boses ko dahil nalulungkot talaga ako na wala siya dito sa resto.
Narinig kong bumuntong hininga si ate Myla na para bang may mali sa sinabi ko. "Hayy naku ka talagang bata ka. Naniniwala ka ba talaga do'n na mahal ka niya? Masyado ka pang bata para do'n sa lalaking yun, Zhe. 30 years old na yun kaya marami na siyang karanasan sa mga babaeng niloloko lang niya. Baka nga isa ka lang din sa babaeng niloloko niya. Kaya tigilan mo na ang pag pantasya kaya, sir Kenneth. Makinig ka nalang sa 'kin dahil alam kong hayok yun." Sabi ni ate Myla kaya kumunot ang noo ko.
"Hayok po?" Tanong ko.
"Hayok.. yung ang gusto lang ay katawan mo. Yun lang ang habol at kapag nakuha na ang gusto ay iiwan ka nalang at para ka nang hindi kilala kinabukasan. Kaya kung ako sayo tumigil ka na diyan kay Kenenth-Kenneth na yan. Basta gwapo habulin ng babae kaya hindi yun maubusan ng babae." Sabi niya sa 'kin kaya nalungkot ako sa sinabi ni ate Myla. Siguro nga totoo yun na maraming babae na pwedeng pumalit sa 'kin at hindi na uubusan ng babae si sir Kenneth. Pero bakit pa niya ako niligawan kung marami naman pala siyang babae.
"Hindi naman po siguro ganun, ate Myla. Niligawan po niya ako eh kaya sigurado ako na mahal talaga ako ng lalaking yun." Depensa ko para kay Kenneth kahit wala siya dito. Alam ko naman na mahal ako no'n eh, nagbago na siya dahil hindi na siya nagdadala ng babae dito sa resto kaya sure ako do'n. Pranning lang talaga 'to si ate Myla at kung ano-ano ang sinasabi sa 'kin.
"Bata ka pa, Zhelee Angela. Ilang taon ka nga ulit.. 20 o 21? Pero kahit ano pa ang edad mo ay bata ka parin para kay sir Kenneth. 30 years old na siya kaya dapat lang na magmahal ka ng lalaki na hindi malayo ang agwat niyo. Humanap ka din ng lalaking alam mong matino at hindi ko nakikita na kung sino-sino lang ang kasama." Sabi ni ate Myla na para bang pinapayuhan ako.
Hindi nalang ako sumagot dahil hindi naman talaga niya ma g-gets ang gusto kong sabihin eh. Kaya hahayaan ko nalang siya at hindi na sasagot pa. Napabuntong hininga ako muli at tumingin sa pintuan ng bumukas yun. Akala ko ay si sir Kennenth yun ngunit nawala ang ngiti ko dahil ang tao na namang nakasuot ng hoodie ang nakikita ko.
Naiinis na talaga ako sa taong 'to dahil panay nalang talaga suot niya ng jacket. Pero in fairness.. hindi paulit-ulit ang jacket niya. Paiba-iba ng kulay. Kung minsan ay navy blue, gray, army green at ang pinaka madalas niyang ginagamit ay black. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita ang mukha niya at talagang papasok lang siya kapag malapit na ako mag out.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni sir Kenneth at hindi na siya nagpakita sa'yo?" Biglang tanong sa 'kin ni ate Myla na nasa tabi ko parin pala.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya dahil baka sabihin naman niya sa iba kong kasama. "Kasi po.." sabi ko na hindi ko magawang ituloy.
"Ano? Ituloy muna at baka sakaling matulungan kita." Sabi ni ate na nahalata yata na ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko at ngumiti ako kay ate Myla. " Ahm.. nagsimula lang po na hindi siya magpakita sa 'kin dahil lang sa hindi ako pumayag sa alok niya na sumama sa bahay niya. Gusto niya kasi akong isama pero humindi ako dahil baka magalit si mama sa 'kin." Pagsasabi ko ng totoo.
"Tama lang naman ginawa mo, Zhelee. Naku.. baka gusto ka tikman no'n. Hayok yun sa mga virgin eh. Hay naku.. tama lang ginawa mo kaya hayaan mo siya . Ibig sabihin lang no'n ay dahil sa hindi mo pagsama ay ayaw na niya sa'yo. Dapat maging masaya ka nga dahil nilalayo ka ng panginoon sa mga masasamang tao eh. Kaya dapat hindi ka malungkot." Sabi naman ni ate Myla na hindi naman naka tulong sa pag e-emot ko. Naisip ko na nga lang na sana pala sumama nalang ako kay sir Kennenth ng inalok niya ako eh. Sana ngayon ay hindi ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam.
Tapos na ang duty ko kaya nag paalam na ako kay ate Myla. Wala talaga si sir Kenneth kaya uuwi nalang talaga ako kaysa tumunganga dito.
Lumabas ako ng resto bar at agad na naglakad sa gilid ng kalsada. Mas lalo lang yatang dumoble ang pagod ko ngayon. Ilang gabi ko na din yata 'to nararamdaman. Nakakapagod talaga at gusto ko nalang matulog pagdating sa bahay kaysa ang kumain ng hapunan. Dati nong palagi pa kaming nagkikita ni sir Kenneth ay palaging mataas ang energy ko dahil na din sa kilig na nararamdaman ko sa kanya.
Napabuga ako ng hangin habang pinupunasan ang noo ko gamit ang likod ng palad ko. Nakarating na ako sa medyo tahimik na bahagi ng kalsada ngunit sakop parin naman siya ng resto bar kung saan ako pumapasok. Malaki kasi talaga ang resto at talagang sikat pa. Kaya hindi kami natigil sa pagkuha ng mga orders.
Habang naglalakad ako ay may narinig akong mahinang tawa ng babae. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid dahil baka may multo na sumulpot.
May ilaw naman kaya madali kong makikita kong may multo ba dito sa paligid. Panay parin ang tingin ko hanggang sa marinig ko na naman ang malanding tawa ng babae. Ilang sandali lang ay hindi na tawa ang narinig ko kundi ungol na kaya nanlaki ang mata ko.
Aalis na sana ako at magpapatuloy na sana ako sa paghakbang ng may makita akong gumalaw sa kotse. Lumapit ako at napansin na bumukas ang pintuan ng back seat at bumaba do'n si sir Kenneth.
Agad akong napangiti ngunit nawala ang ngiti ko ng may bumaba na babae mula din sa backseat. Kaya ko siguro naririnig ang tawa at ungol dahi nakabukas ang bintana ng backseat.
Halatang may ginawa silang milagro lalo na't nakataas pa talaga ang dress ng babae. Dito pa talaga resto bar kung saan ako nag tra-trabaho. Nakalimutan yata niya ni sir Kenneth na may jowa siya dito at ako yun.
Wala akong sinayang na oras at agad na sinugod ang babaeng kasama ni sir Kenneth na hinahaplos pa talaga ang dibdib ng jowa ko.
Natigilan si sir Kenneth ng makita ako ngunit agad naman siyang nakabawi at ngumiti.
Inirapan ko siya at ibinaling ang tingin sa babaeng malandi. "Hoy, babaeng retokada ang ilong.. bakit mo hinahawakan ako ang jowa ko?!" Galit na galit kong tanong.
"What? jowa mo?" Tanong niya sabay tumawa. "Oh, wait.. nanaginip ka, girl. Sino ka naman para patulan ni Kenneth ha! Nanalamin ka ba bago humarap
sa 'kin?" Tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Sabi ko naman isara mo ang bintana ng kotse, darling eh. Narinig tuloy ang ungol ko." Sabi ng babaeng malandi na halatang inaasar ako.
Tumingin ako kay sir Kenneth at hindi makapaniwala na niloko lang niya ako. "Niloloko mo lang ba ako? diba ako ang girlfriend mo.." sabi ko na maluha-luha na.
"Girlfriend lang kita sa resto, babae. Pero sa tingin mo talaga ay mag se-seryoso ako sa'yo? Hindi pa ako baliw para pumatol sa babaeng katulad mo." Saad ni sir Kenneth kaya natigilan ako. Natigil yata ang iyak ko dahil sa sinabi niya.
"A-Ano?" Nauutal ko pang tanong.
"Ang taas mangarap mo girl ha! sir Kenneth Zamora pa talaga. Pathetic!" Sabi pa ng babae sabay irap sa 'kin.
"A-Akala ko ba.. mahal mo ako, sir Kennth. Pero bakit naman po ganito.." saad ko sa mahinang boses.
Ngumisi lang siya sa 'kin sabay niyapos ng yakap ang babaeng kasama nya at dinampian ng halik ang pisngi ng babae. Tumingin siya sa 'kin ulit at halatang masasaktan ako sa sasabihin niya. "Gusto lang kitang itest, babae. Alam ko kasi na may gusto ka sa 'kin kaya kita pinansin. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng pansin kahit hindi ka naman mahalaga dito sa mundo. Gusto ko lang naman makuha ang p********e mo pero hindi ka pumayag sa alok ko." Sabi niya habang nakangisi.
Naikuyom ko nalang ang kamao ko sa sagot niya at masama ko silang tinignan. " But it's okay, kaya ko naman maghanap ng mga babae na pwede kong ikama. Kaya tapos na ako sa'yo. I don't love you. Sino ka ba para mahalin kita!" Saad niya kaya hindi ako nakapagpigil ay agad ko siyang nilapitan at mag-asawang sampal ang binigay ko sa gago.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Pisti siya! Tama lang talaga ang sinabi ni ate Myla. Mabuti nalang talaga at hindi ako sumama sa kanya nong inalok nya ako dahil baka umiyak ako ng todo dahil nakuha ang virginity ko sa gagong lalaking 'to.