Chapter 69 "She's waiting for you inside." Salubong sa'kin ni Tito Adan sa labas ng interrogation room. "Thank you Tito Adan." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Just call me when you need me. Babalik na ko sa headquarters dahil may aasikasuhin pa ko." Pinitik niya yung ilong ko bago siya umalis. Pinihit ko ang doorknob at pumasok na sa loob. Sinarado ko ang pinto at umupo sa upuan na kaharap ni Faith Bautista. Malokong ngiti agad ang sinalubong niya sa'kin. "Little agent, ano ang maipaglilingkod ko sa'yo? What will you ask this time?" "I will not ask anything tonight Faith Bautista." Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko at nilaro niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri. "Kung wala kang tatanungin, bakit mo pa ko pinatawag?" "May nagpapabigay kasi sa'yo nito." Nag-a

