Chapter 24 Radimir is true to his words. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Binibigyan niya nga ako ng mahabang oras upang makapaghanda sa aking kamatayan. Ibinato ko ang unang dart. Bull's eye Nandito ako ngayon sa training room. Pagdadarts ang inaasikaso ko habang si Agent Shiela at Agent Lian ay nagtretraining sa mga dummies. "Sino bang nagtraining dito sa mga dummies? Bakit lagas lagas na yung mga bulak?" Pagrereklamo ni Shiela. "Kaya nga! Yung mga kamay din ng dummies naputol na. Di niya ba alam na may mga iba pang agents ang magtretraining dito!? Nakakainis." Padabog din na sigaw ni Lian. Hindi ako umimik. Kunwari wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasasabi nila. "Eve, alam mo ba kung sino yung nagtraining dito last time? Sukat ba namang sirain ang mga dummies!" Tsaka s

