Chapter 25 Humakbang yung unang agent at agad kong tinusok ang kaniyang balikat gamit ang aking kutsilyo. Napasigaw siya sa sakit at agad kaming pinalibutan ng mga kasama niya. Lima silang lahat. Yung tatlo ay agad pinalibutan si Jackson at yung dalawa ay ako ang hinarap. I suddenly felt insulted. Tatlong agents ang pumunta kay Jackson at dalawa lang sa akin dahil sa tingin nila ay masmalaking threat si Jackson. So that's it? Just because I'm a girl, they think I'm a weakling. Now it's time to prove them wrong. Agad kong binawi yung kutsilyo ko doon sa balikat ng lalaki at inatake yung kasama niya. Nakailag naman yung kasama niya at akmang sisipain ako sa tyan pero nahuli ko yung paa niya at pinilipit ko ito. Inihagis ko siya pabagsak sa lupa at hindi na siya muling nakatayo. Mukhang n

