NASA may CCP Complex si Zai noong umagang iyon para sa kanyang jogging. Usually ay sa may U.P siya nagdya-jogging pero dahil sa umuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang kagabi na malapit lamang sa area na iyon ay napagpasyahan niya nang doon tumakbo. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi na siya makatakbo dahil sa dami ng nakabinbing trabaho. Kaya ganoon na lang siguro ang paninibago ng kanyang katawan sa pagtakbo.
Her body and her lungs are aching. Idagdag pa ang pagkauhaw niya dahil kahit kay aga aga napakainit na ng panahon dahil sa summer season. Napahinto siya at napaupo sa gilid ng sementadong sidewalk upang uminom ng tubig. Sinaid niya ang laman niyon pero kulang pa din. Sa normal na pagkakataon ay mas malayo pa ang natatakbo niya pero dahil sa fatigue na dulot ng trabaho niya nitong nakaraang linggo ay hindi niya kayang tumakbo pa nang mas matagal. Idagdag pa ang katotohanang uhaw na uhaw na siya. Binigyan niya ng oras ang sarili para makapaghabol ng hininga at kapagkuwa'y babalik na siya sa bahay ng mga magulang niya dahil natatakot siyang ma-dehydrate siya. Maya-maya ay tumayo na siya at nagsimulang maglakad nang may makita siyang lalaking tumatakbo na pamilyar ang pigura. It must be her lucky day because she saw Dice!
Marahil ay kanina pa ito tumatakbo dahil pansin niyang basa na ang gray tank top nito. Baka ay galing ito sa ibang direksyon kaya hindi niya napansin kanina. Pero hindi sa kung saang direksyon ito galing ang iniisip niya. Ang iniisip niya ay kung nasaan ang hustisya dahil pawisan na si Dice ay napakaguwapo pa rin nito.
How can he look so great with his shirt damp from sweat early in the morning? Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagtakbo nito kanina o sadyang mabilis lang talaga ang t***k ng puso niya ngayong papalapit na sa kanya ang binata?
"Hey," masiglang wika niya nang dumaan ito sa tapat niya.
Kunut-noong napalingon ito sa kanya pero hindi ito huminto. Pagod na pagod na siya pero wala siyang choice kundi sundan ito dahil sayang naman dahil gumawa na ng paraan ang tadhana para simulan niya ang balak niya. Hindi niya alam kung naririnig siya nito dahil may nakasaksak na earphones sa tenga nito pero dahil alam niyang aware ito sa presensya niya ay sinabayan niya pa rin ito sa pagtakbo kahit hindi siya nito kinakausap.
"Kamusta ka na? Natanggap mo ba ang invitation ng reunion ng high school class natin? Pupunta ka?" Wala itong naging sagot. Maiksi ang pisi ng pasensya ni Zai pero sa kabila ng pangde-deadma nito sa kanya ay napagpatuloy lang siya.
"Grabe, hindi ko naisip na ganoon na pala katagal mula nang mag-graduate tayo ng high school. Kaybilis ng panahon ano?" Tinanggal nito ang earphones sa tenga nito at inis na nilingon siya.
"Bakit nandito ka?"
"Gusto ko lang magpalit ng lugar na tatakbuhan. Dati sa may U.P Diliman ako pero umuwi ako kagabi sa bahay ng parents ko malapit lang dito. Buti pala ano? Nagkita tayo. Mabuti naman at para may kasabay ako."
"Sinusundan mo ba ako?"
"Of course not. Destiny brought us together," nakangising wika niya. Tumingin ito sa kanya at halos magsalubong ang kilay nito. Naiirita na ito sa kaartehan niya pero bakit ang cute pa rin nitong tingnan para sa kanya? "Nabili mo na ba itong CCP complex at hindi na ako makakapag-jogging dito? Hindi ka ba puwedeng makasabay mag-jogging?"
"Hindi, kaya maghanap ka ng ibang kasabay mo," masungit na wika nito.
"Grabe naman. Magkano ba itong pagkakabili mo ng lugar na ito at nang---"
"Zai, puwede ba? Gusto ko ng katahimikan habang tumatakbo para makapag-isip kaya kung hindi mo ititigil ang ratatitat mo, umalis ka sa tabi ko," anito saka medyo binilisan ang pagtakbo.
Binilisan niya rin ang pagtakbo para makasabay ito ngunit hindi na siya nagsalita at ibinigay ang katahimikang hinihingi nito. Hindi na rin ito nagsalita at sa loob ng ilang segundo ay tahimik lang silang nagdya-jogging. Isang beses na napatingin siya kay Dice ay napangiti sa isiping kahit hindi siya nito napapansin ay atleast magkasama na sila. Ilang beses niya bang inisip noong nasa Amerika siya na darating din ang araw at makakasama niya ito? Ilang beses niya bang hinangad noon na bumalik sa tabi nito? At ngayon nga, nangyari na ang mga hinahangad niya lamang noon kaya lang ay hindi naman siya nito pinapansin. May sumalakay na lungkot na naman tuloy siyang nararamdaman at wala siyang planong magpagupo sa kalungkutang iyon. Sinimulan ni Zai magbilang sa isip dahil bibigyan niya pa ng isang minutong katahimikan ang binata. Hindi niya na siguro matitiis kung sumobra pa ang katahimikang iyon sa isang minuto kaya nang malapit nang matapos ang isang minuto ay nilakasan niya na ang pagbibilang.
"Fifty seven. Fifty eight. Fifty nine..." Napalingon ito sa kanya at salubong ang kilay, as usual.
"Anong ginagawa mo?"
"Nagbibilang. O, ayan, sapat na siguro ang isang minutong katahimikan sa'yo ano?" Nawiwirduhang tiningnan siya nito saka napahawak sa sentido tanda ng pangungunsumi nito sa kanya.
"Nakaka-stress ka. Alam mo ba 'yun?"
"Grabe naman. Kay aga-aga, sinsusungitan mo ako. Hindi ka naman ganyan dati."
"Maybe not. But heartbreak changed me."
Parang may lumapirot sa puso niya nang marinig ang sinabi nito. Napakalamig ng tono nito. Nang lumingon siya ay wala ring karea-reaksyon ang mukha nito. Pero bakit parang may pakiramdam siyang nasasaktan ito? O baka ay sarili niya iyong pakiramdam? Hindi niya rin alam. Basta ang alam niya, handa niyang gawin ang lahat para matupad ang plano niya pero hindi niya inaasahan na makaramdam ng pagka-guilty ngayong nasa harap siya nito...pagkalipas ng labindalawang taon.
Kung ano man ang nagawa niya noon ay alam naman nito ang dahilan at inaasahan nitong maiintindihan nito iyon pero hindi nito nagawa. Pero kung anumang hindi inaasahang emosyon ang nadarama niya ngayon ay dapat na deadmahin niya na lang dahil makakasagabal iyon sa mga plano niya.
"Wow ah, ang lalim noon," sinubukan niyang humalakhak para mapagaan ang mood pero wala pa ring reaksyon nito. "Gusto ko lang namang kasabay ka."
Tila hindi nito inaasahan ang sinabi niya dahil napahinto ito agad sa pagtakbo at napatingin sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan siya nang matiim na animo'y binabasa ang nilalaman ng kanyang isip. Kapagkuwa'y mariing itinikom nito ang mga labi nito.
"Ano bang plano mo, Zai?" maya-maya'y wika nitong may iritasyon sa tinig.
"Plano saan?"
"Hindi ko alam pero ikaw, alam mo," makahulugang wika nito. Parang may gusto itong sabihin base sa reaksyon ng mukha nito pero hindi nito magawa. Para bang may alam itong hindi niya alam. Napamaywang ito sa kanya at mapagdudang tiningnan siya. "Look, we both know we can't be friends so please don't make it hard for the both of us." Ouch!
Parang sinampal siya ng pride niya noong mga sandaling iyon. Ito na mismo ang nagsabi ng mga salitang matagal niya nang inaasahang marinig rito pero ang nakapagpabigla sa kanya ay ang pakiramdam ng pagpiga ng puso niya. Masakit pala pero naiintindihan niya naman kung bakit nito kailangang sabihin iyon at kailangan niyang indahin ang sakit na iyon para sa plano niya. Tumawa siya upang pagtakpan ang kirot sa puso niya... ang kirot na akala niya ay nalagpasan niya na noon.
"Ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sitwasyon natin. Gusto ko lang namang makasabay ka sa pag-jogging," wika niya.
"Puwes, ayokong kasama ka. Nasanay na akong mag-isa," wika nito saka agad na tumakbo.
Hindi niya na pinansin ang makahulugang pahayag nito at sa halip ay agad na sinundan ito sa pagtakbo. Subalit sa bawat pagbilis ng takbo niya ay doble ang binibilis ng takbo nito. Pero hindi siya susuko dahil nasaling na nito ang pride niya dahil sa ilang beses na pagtanggi nito sa kanya. Maiintindihan niya pa ang pangdedeadma ni Dice sa kanya pero hindi niya yata kakayanin ang nakikini-kinita niyang pagtawa sa kanya nina Trish at Devlyn kung malaman nitong sumuko siya. Kaya matira na lang ang matibay sa kanilang dalawa ni Dice.
Hindi niya na sinundan si Dice nang lumiko ito pero sa halip ay dumaan siya sa isa pang daanang alam niyang lulusot lamang sa isa pang kalye kung saan sigurado siyang kababagsakan rin ni Dice base sa direksyong tinahak nito. At hindi nga siya nabigo dahil nang sa wakas ay marating niya ang dulo ng daanang tinungo niya ay sakto namang dumaan si Dice.
"Hoy!" aniya. Bahagyang napapitlag ito sa gulat.
"What the f---"
"Oy, bawal magmura," agad na sansala niya habang sinasabayan ang pagtakbo nito. "Sige ka, mababawasan ang kaguwapuhan mo pag nagmura ka." Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
"Ano pang ginagawa mo rito?"
"Bakit ba ang hilig mong tanungin kung anong ginagawa ko? Nakikita mo namang tumatakbo ako, nagtatanong ka pa. Bakit? Bulag ka na ba ngayon? Dahil kung kailangan mo ng mga mata, sige, ibibigay ko na lamang sa'yo ang mga mata ko kahit alam kong pang-beauty queen ang mata ko." Hindi niya alam kung totoo ngang nakita niyang sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito o guni-guni niya lamang iyon dahil agad naman itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Ngumiti ka ba?" paniniyak niya.
Huminto si Dice sa pagtakbo kaya napahinto rin siya. Hinabol muna nito ang hininga bago pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo nito. Pero parang pati siya ay lalong pinagpawisan nang magkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang binata. He had that very striking features that even his face was covered in sweat, he still managed to look hot. Para pang nag-slow motion sa kanya ang pagpupunas ng pawis na animo'y nanonood siya ng telenovela. Naging kaaakit akit ang dating niyon sa kanya.
Ginagawa niya naman ang lahat para huwag magpaakit pero bakit hindi niya mapigilan ang sariling sundan ng tingin ang pagtulo ng pawis nito mula sa basa nitong buhok hanggang sa leeg nito? Darn it! Stop it Zai!
Instead, she focused looking at his face. Subalit mukhang wrong move din iyon dahil parang lumukso ang puso niya nang makita ang napakagandang ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Parang nabulabog tuloy ang sistema niya dahil sa ganda ng ngiti nito pero dahil malaki na ang pagkakaiba ng Dice na nakilala niya noon sa Dice ngayon ay marunong na rin itong asarin siya.
"Bakit ko ikakangiting makita ka?" eksaheradong tumawa ito sa kanya.
Akala niya pa naman ay napagtagumpayan niyang pangitiin ito pero hindi pala, inaasar lang talaga siya nito. Labis na nadismaya siya pero hindi niya ito pinahalata sa binata dahil baka isipin nitong assuming siya.
"Ewan ko," nagkibit-balikat siya. "Noon kasi gusto mong lagi mo akong kasama." Tumaas ang isang sulok ng labi nito, ang mga mata nito'y tila nang-aasar.
"Marami nang nagbago. Ikaw na lang yata ang hindi," wika nito.
"Yeah. Ang kagandahan kasi talaga, mahirap baguhin." He tried to stifle a smile. "Mahirap na, baka magbago ako, makalimutan mo na ako."
"Oh, hindi mo ba alam ang balitang nakalimutan na kita? Ano na nga ulit ang pangalan mo?" Eksaheradong tumawa siya.
"Funny ka na ngayon, ano?" sarkastikong wika niya na ginantihan naman nito ng isang ngising-aso. At kahit sarkastiko ang mga reaksyon nito sa kanya, kailangang aminin ni Zai sa sarili na natutuwa siyang panoorin ito nang ganoon. Kahit iritado ito sa kanya at halos lahat na lang ng sinasabi nito ay may patama tungkol sa kanya ay hindi niya magawang mainis. His reactions were so spontaneous yet it brings out this certain cuteness in him. Natigil lang ang pagmamasid niya sa mga kilos nito nang mapansing naghahanda ito sa pagtakbo. "San ka pupunta?"
"Tatakbo. Obvious ba?" kunut-noong wika nito.
"Pwede bang magpahinga na muna tayo? Napapagod na kasi ako."
"Ikaw pa talaga ang napagod?"
Alam niyang patama na naman nito iyon sa kanya pero hindi niya na iyon pinansin dahil pagod na siya. Napilitan lang talaga siyang sundan ito kanina. Pinunas niya ng likod ng palad niya ang mga butil ng pawis na tumutulo mula sa kanyang noo hanggang sa kanyang leeg. Mataas na ang sikat ng araw noon kaya ay lalong naging mainit ang paligid, dahilan upang mas pagpawisan siya.
Ngunit habang abala siya sa pagpupunas ng pawis ay napansin niya namang nakatingin sa kanya si Dice. Pero hindi yata nito inaasahang lilingon siya kaya huling huli niya ang pagka-guilty na ekspresyong gumuhit sa mukha nito.
Agad itong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring nagstretching. Lihim na napangiti si Zai at hindi niya maintindihan kung anong mainit na bagay na lumukob sa puso niya dahil sa isiping pinagmamasdan pala siya nito habang hindi siya nakatingin. Hhhhmmmm... magandang senyales 'yan.
"Bakit tinitingnan mo ako?" sita niya rito.
Parang gusto niyang gamitin ang pagakataong iyon para maisahan din ito. Malay mo, umamin itong may gusto pa rin ito sa kanya, eh 'di mapapadali ang pagtupad niya sa mga plano niya.
"Ha? Ako? Hindi ah," pagmamamaang-maangan nito.
"Nakita kong nakatingin ka sa akin. Ang lagkit ng tingin mo."
"Of course not!" kaila nito pero napansin niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Napaka-cute nitong pagmasdan. Para itong bata na nahuli ng nanay na gumagawa ng kalokohan. "A-ano kasi..." Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Zai nang magsimulang maging utal utal ang pananalita nitong animo'y kinakabahan.
"Ano?"
"Sa-sabihin ko lang sa'yo na----, s**t!" anitong tila frustrated dahil hindi na nito maayos ang pagsasalita nito. Isinuklay nito ang mga daliri nito sa buhok nito. Nag-isip ito saglit at nang dumako ang tingin nito sa wala nang laman na water bottle na hawak niya. "Inumin mo ito. Parang anytime ay mahihimatay ka na."
Iniabot nito sa kanya ang bote ng tubig na hawak nito. Sa normal na pagkakataon ay hindi makikiinom si Zai ng tubig pero dahil uhaw na talaga siya ay kinuha niya na rin ang inaalok nito at sinaid na ang laman niyon. Atleast inalok siya nito ng tubig kahit pa alam niyang ginawa lang nitong palusot iyon. Okay na sana kaya lang habang umiinom siya ay umikilkil sa kanya ang isang isipin na ininuman niya ang tubig na ininuman rin nito kanina. They were practically kissing. Nag-init ang pisngi niya.
"Salamat." Akala niya ay magiging okay na ito sa kanya dahil nagpakita na ito ng kaunting 'act of kindness' pero hindi pala. Nagsimula itong maglakad papalayo sa kanya dali-daling pinigilan niya ito.
"Ano na naman?! I need to run, hindi mo ako kailangang sundan. Magpahinga ka kung gusto mo. Pero ayaw na kitang kasama."
Muling nabanaad niya ang iritasyon sa mukha nito bago ito tumalikod sa kanya. Pero hindi pa man ito nakakatakbo ay agad din itong lumingon at bumalik sa kanya. His expression hardens perceptibly. Para bang bigla na lang itong may naisip na ikinais pa nito lalo dahil aware siyang kanina pa ito naiinis sa kanya.
"Bakit mo ba ako sinusundan, Zai? At huwag mo akong sasagutin ng pabiro dahil hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," anito pagkamaya-maya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Gusto ko lang talagang kamustahin ka." Pagak itong natawa.
"Kilala kita. Hindi mo lalapitan ang isang tao kung wala kang kailangan," mapagdudang pinagmasdan siya nito habang unti-unting lumalapit sa kanya.
Kumabog ang kanyang dibdib sa kaba. Matiim siya nitong pinagmamasdan habang papalapit sa kanya. Ang mga mata nito'y tila tumatagos sa kanyang kaluluwa at animo'y kayang kaya nitong basahin ang lihim niya. Hindi niya hahayaang mangyari iyon kaya kahit napakabilis ng pagtibok ng puso niya ay mabilis na nag-isip siya ng dahilan para hindi ito gaanong magduda. Aamin na siya pero kaunti lang.
"Fine. Sinusundan kita dahil kailangan kita," pag-amin niya.
Mariing tinikom nito ang mga labi nito at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa kanya habang hindi pa rin tumitigil sa paglapit sa kanya. Siya naman ay hindi pa rin tumitigil sa pag-atras.
"Kailan mo pa ako kinailangan?"
"Ngayon lang. Kailangan ko ng date sa reunion." Kumunot ang noo nito na animo'y may gumugulo sa isip nito. "Ayoko kasing magpakita sa kaklase nating wala akong date. Ano na naman ang sasabihin nila sa akin?" palusot niya.
Sinabi niya iyon dahil alam niyang hindi naman ito maniniwala kung patuloy siyang mag-deny, at least umamin siya na may rason nga siya sa pagsunod niya rito iyon nga lang ay hindi totoo ang binigay niyang rason. Magandang rason na ang reunion para mas mapalapit siya sa binata. Saka na lang siya gagawa ng iba pang hakbang kapag nagkaroon na siya ng mas maraming pagkakataon kasama ito. Mukha namang epektibo ang strategy niya dahil parang pinaniwalaan nito iyon base na rin sa pagkawala ng pagkunot ng noo nito.
"At gagawin mo lahat para mapapayag ako?" wika nito.
Lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang mapansin ang kakaibang reaksyong gumuhit na ngayon sa mga mata nito. There was just something in the way he looks at her that makes her heartbeat race to the rooftop...something dark and hot. Napaatras siyang muli ng ilang hakbang pero hindi na niya nagawang makalayo dahil may naapakan siyang batong naging dahilan upang mawalan siya ng balanse.
"Ay!"
Subalit hindi naman siya tuluyang bumagsak sa lupa dahil maagap na hinila siya ni Dice papalapit sa katawan nito. Hinapit nito ng isang kamay ang bewang niya at ang isang kamay naman ay maingat na nakaalalay sa likod niya. Hindi nakatulong ang sitwasyong iyon para pakalmahin siya dahil lalo lamang siyang kinabahan nang magtama ang kanilang mga mata at matuklasan kung gaano sila kalapit sa isa't isa.
Alam niyang kailangan niyang lumayo na noong mga sandaling iyon pero ewan niya ba kung bakit may tila mahikang bumalot sa kanila. Para bang hinihigop nito ang kanyang buong pagkatao sa pamamagitan lang ng magagandang mga mata nito. Oh My!
Halos mahigit niya pa ang kanyang hininga nang mapansin niyang napatingin ito sa kanyang mga labi. He looked at her lips like they were something to eat. Napalunok siya at halos sumabog na ang puso niya sa sobrang kaba nang umanggulo itong hahalikan siya.
Ano ba itong pinasok ko?! Lord, huwag mo namang subukan kung hanggang saan ko kayang iwasan ang tukso, marupok ang puso ko.
"Iniwan mo ako tapos ngayon hahabul-habol ka?" bulong nito sa kanya habang inalalayan siyang maibalik sa dati ang balanse bago ito lumayo sa kanya.
Ganoon na lamang ang paghinga niya nang maluwag nang nagkaroon ng distansya sa pagitan nilang dalawa pero hindi pa rin maka-recover ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k nito. Dapat siya ang nang-aakit rito pero bakit parang baliktad yata ang nangyayari? Hindi iyon maaari.
"Ah..." Huminga siya nang malalim at pinagbubugbog ang sarili sa isip dahil hindi maaaring naaapektuhan siya ng mga karisma nito.
"At ano namang pumasok sa isip mo na papayag ako sa gusto mo?"
"Alam kong hindi ka papayag pero hindi pa rin ako papayag na tumanggi ka," wika niya nang sa wakas ay makahuma. Tumawa ito sa kanya.
"Sanay ka talagang makuha ang lahat ng gusto mo ano?"
"Hindi ko alam kung paano sasagutin 'yan pero kung papayag kang maka-date ako sa reunion, yes, ang magiging sagot ko sa katanungan mo," buong kumpiyansang wika niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagkaaliw na gumuhit sa mga mata nito.
"Let's see."
"Ha?"
"Puntahan mo ako sa office bukas." Dumukot ito ng business card at ibinigay sa kanya. "Kailangan ko ng assistant, naka-leave ang assistant ko." Ano?! Gagawin siya nitong alalay?! Mukhang napansin nito ang pagkagusot ng mukha niya sa isiping magiging alalay siya gayong siya si Zai Lejarde, ang babaeng nasa sa kanya na ang lahat. "O, akala mo ba gagawin mo ang lahat?"
Sinusukat siya nito ng tingin pero hindi pa rin nawawala ang pagkaaliw sa mga mata nito. Mas lalo lang nitong ikakasaya kung susuko siya dahil alam nitong hindi niya kayang lunukin ang pride niya. Pero kahit obvious sa kanya na pinapahirapan siya nito at marahil ay ginagantihan, mas okay nang binigyan siya nito ng pagkakataon kaysa sa maging stalker siyang sundan-sundan ito. Napakaganda niya naman para maging stalker.
"Oo na," wika niya. Para sa pangarap, Zai!