"SIGURADO ka bang gagawin mo 'yan Zai?" wika ng kaibigan s***h assistant niyang si Portia nang tawagan niya ito noong umagang iyon. "Oo. Kaya nga tumawag ako sa'yo para i-cancel mo ang mga appointment ko ngayong araw hanggang bukas. Pakisabi emergency." Napabuntung-hininga ito sa kabilang linya. "Alam nating parehas ang ginawa mo sa kanya kaya malamang talagang magalit siya sa'yo pero lalo lang siyang magagalit kung malaman niyang may balak ka kung bakit nakikipaglapit ka ulit sa kanya." Alam kasi ni Portia ang tungkol sa kanila ni Dice dahil kaibigan at kapitbahay niya na ito noong naninirahan pa lamang siya sa Legaspi. Two years ago ay nakita niya itong nag-a-apply sa Makati at sakto namang kinailangan niya ng assistant kaya ay kinuha niya na ito. "Sino bang maysabi malalaman niya?

