Chapter 8

1378 Words

MABILIS na ipinahid ni Zai ang kanyang luha nang makitang paparating si Dice. Naroon siya sa may bench sa likod ng classroom nila dahil nagmumukmok siya matapos siyang pag-trip-an na naman ng mga kaklase niya kanina. Kanina kasi ay in-announce ang foundation day ng paaralan at ang isa sa mga event ay kailangang isama ang ama. Natural na maging tampulan na naman siya ng tukso dahil wala siyang ama. Kung hindi lang talaga namagitan na naman si Dice ay malamang hindi niya na makayanan ang lahat. Pero ang mas ikinasasama ng loob niya ay dahil napahamak na naman si Dice dahil sa kanya. Imbes na siya lang kasi ang tinutukso ay nadamay na naman ito. Oo, lihim siyang nagpapasalamat na may tagapagtanggol siya mula sa mga mapang-aping kaklase niya subalit lalo bumibigat ang pakiramdam niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD