NAGPALINGA-LINGA si Zai sa canteen para makahanap ng mauupuan noong tanghaling iyon. Halos puno na ang kantina at alam niyang wala namang magmamagandang loob na mag-share sa kanya ng upuan dahil wala naman siyang kaibigan doon. Wala naman si Dice na puwede niya sanang makasama dahil ang balita niya ay dumalo daw ito sa hearing ng ama nito kaninang umaga. Speaking of Dice, they've became close. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siya nitong sinasamahan at ito na rin ang nakakakuwentuhan niya. Nakakatuwang isipin na sa loob ng halos isang taong pagigi nilang magkaklase ay ngayon lang talaga nila lubusang nakilala ang isa't isa. Mula kasi nang mag-share ito tungkol sa pamilya nito ay mas naging bukas na ito tungkol sa sarili nito. Hindi naman pala ito tulad ng inaakakala niyang mapagmataas

